Chapter 6

31 3 0
                                    

6: The only way

• - •

REILEY'S POV

Ano ba yan? Ang ingay! Sino ba kasi yang kumakalampag sa pinto?

"REILEY KIANNE LIM! GUMISING KA NA AT BUKSAN MO 'TO KUNG HINDI SISIRAIN KO TALAGA 'TONG PINTO MO!" Cairy?

Bumangon kaagad ako at tinignan ang oras. OMG! 8:30 na?!

"REILEY! ISA!"

Tumakbo kaagad ako sa pintuan at binuksan ito. Bumungad naman sakin ang isang halimaw--este si Cairy na parang mangangain na ng buhay. Nasa likod naman niya si Liam.

"Good morning, Reiley." Nakangiting bati niya. Magsasalita na sana ko pero inunahan ako ni Cairy.

"Walang good sa morning kung ma le-late tayo! Reiley! Mag-ayos ka na! BILISAN MO!" Nataranta ako sa biglang pagsigaw ni Cairy kaya nasara ko kaagad ang pinto.

Umagang-umaga ayokong mabatukan kaya pumunta kaagad ako ng banyo at naligo. Hindi ko alam kung anong ligo ang ginawa ko dahil 10mins. lang tapos na ako. Sobrang bilis sa normal na pagligo ko which is almost one and a half hour. Sampung minuto pa ang lumipas ay tapos na rin akong mag-ayos. Bumaba na ako at nakitang lahat sila ay naghihintay na sa labas.

"Tara na?" Sabay ngiti ko ng malapad. Napatungo naman ako bigla nang batukan ako ni Cairy. Huhuhu! Ang sakit!

"Ang tagal mo! Nanood ka na naman ba ng kdrama kagabi?!"

"That's enough, Cairy. We have to go." Thank you France! Napabuntong-hininga nalang si Cairy at sumunod na kay France papasok ng sasakyan.

Hindi naman ako nanood ng kdrama. Dahil ito doon sa multong mangkukulam huhuhu.

°°°°°

Pagdating namin ng school isang katakot-takot na sermon ang inabot ko kay Cairy. Idagdag mo pa si France. Mabuti na nga lang at late rin kanina si Mr. Santos kaya hindi niya nahalata na late din kaming dumating.

Pero nagugutom na talaga ako. May isang oras pa bago mag lunch break. Waaaaahh! Hindi ko na kaya huhu.

*buzz* "Calling the attention of all instructors… please proceed to the conference room. All instructors… please proceed to the conference room." *buzz*

Inayos kaagad ni Mr. Santos ang mga gamit niya nang marinig ang sinabi sa speaker.

"We'll continue our discussion later. You can have your early lunch now."

Yes! Lunch break na! Makakakain na ako!

"Tara na sa caf!" Sabay hatak ko kay Queen palabas ng room.

"Wait lang naman, Rei! Why are you nagmamadali ba?" Nakasunod naman sila Liam sa likod namin.

"Gutom na gutom na ako. Hindi pa ako kumakain, remember?"

"Oh, right." Pagsang-ayon niya.

Pagkarating namin sa cafeteria, pumunta kaagad kami sa palagi naming pinagpupuwestuhan, sa tabi ng glass wall. As usual, sila Liam, Harvey at Lance ang nag-order. Nilantakan ko naman kaagad ang pagkain ko pagkarating nila.

"Rei, dahan-dahan sa pagkain baka mabilaukan ka niyan."

"Liam's right. Prone ka pa naman---" hindi na natapos ni France ang sasabihin niya nang bigla akong napatayo at nakahawak sa dibdib.

"T-tu..bi--ig." Nauubong sabi ko.

Tinignan lang nila ako na parang nagtatakha. Ang slow naman nila ngayon. Oh my gosh! Help! Hindi ko na kaya!

Fell In Love with a Ghost [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now