3: We meet again
• - •
REILEY'S POV
Nandito na kami sa music room namin at hinihintay nalang na magsimula ang klase.
Half day lang pala kami noong isang araw kaya umuwi na kami kaagad pagkagaling namin sa opisina ni Mrs. Park.
Hindi ko sila sinagot noong tinanong nila ako kung anong nangyari. Kung bakit ako umiyak pagkalabas namin ng music room. Alam ko namang hindi sila maniniwala kapag sinabi kong nakakita at kinausap ako ng multo. Ang sabi ko nalang ay nagugutom pa ako dahil kulang yung isang burger sa akin. Mabuti naman at naniwala sila.
Kahapon naman wala kaming gaanong ginawa. Tumugtog lang kami at pinakita kung anong mga instrumento ang kaya naming tugtugin.
Naikwento rin sa amin nila Lance at Harvey na may banda raw sila noon. Hindi ko matandaan kung anong pangalan pero tatlong miyembro sila. Tinanong ko kung sino yung isa nilang kasama pero ang sabi lang nila ay hindi na raw siya nag-aaral dito sa Park Academy. Kaya hindi na nila matuloy ang pagtugtog as one band.
Sayang nga eh. Gusto ko sana silang marinig tumugtog. Mahilig kasi ako sa mga banda. Kaso ayun nga, hindi na sila nagpeperform ngayon.
Hay. Inaantok pa ko. Dalawang gabi na kong walang matinong tulog dahil naiisip ko pa rin yung nangyari sa music room noong isang araw. Hanggang ngayon naiiyak pa rin ako. Parang ayoko na tuloy pumasok doon sa music room ni Mrs. Park. Natatakot ako na baka makita ko ulit siya doon.
Sinubsob ko nalang ang ulo ko sa lamesa. Matutulog muna ako kahit sandali. Feeling ko wala talaga akong energy ngayon. Sana hindi pa dumating ang instructor namin.
Malapit na akong makatulog nang may biglang kumalabit sa ulo ko.
"Liam. Patulugin mo muna ako kahit sandali." Mahina kong sabi habang nakasubsob pa rin sa lamesa.
Alam kong si Liam 'yon dahil siya ang katabi ko. Imposible namang si Lance. Mukhang hindi naman siya 'yung tipong nang-iistorbo ng mga natutulog. Unlike Liam… lagi niya kasi kami ginigising lalo na kapag nagugutom siya sa madaling araw. Gusto niya daw kasi 'yung niluto namin ang kakainin niya kaya ginigising niya pa kami kahit marunong naman siyang magluto.
*poink* *poink*
"Ano ba Liam?!" Inangat ko ang ulo ko at tinignan siya.
"Ha? Bakit?" Nagtatakhang tanong niya.
Tss painosente pa. Hindi ko siya sinagot at sinubsob nalang ulit ang ulo ko sa lamesa. Antok na antok na talaga ako.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko na naman na may kumakalabit sa ulo ko. Aish! Nakakainis na ha! Inangat ko ulit ang ulo ko at tinignan ng masama si Liam.
"Liam!"
"Bakit Rei?"
"Tigilan mo na ang pagkalabit sa ulo ko! Hindi ako makatulog!"
"Wala akong ginagawa. Hindi kita kinakalabit." Kunot-noo niyang sabi.
Kung hindi siya, edi sino?
Lumingon ako sa kaliwa ko at nakitang nagbabasa lang si Lance.
"That wasn't me." Sagot niya kaagad nang makita niyang nakatingin ako sa kanya.
"Me neither. Baka pagbintangan mo ako kaya inunahan na kita." Nakangising sabi naman ni Harvey. Hays mga ayaw pa magsiamin.
Hinayaan ko na sila at sumubsob nalang ulit ako. Yan na, makukuha ko na ulit ang tulog ko. Sana naman hindi na nila ako guluhin.
YOU ARE READING
Fell In Love with a Ghost [UNDER REVISION]
RomantikFollow the story of a girl who's afraid of ghosts but eventually fell in love with him. Is it really possible to fall in love with an spiritual being? ∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞ Date started : April 4, 2018 Date finished : ----