043 | narration

411 37 27
                                    

Mikaela Lee
perspective

Kaharap ko na ngayon ang teacher namin na si Mrs. Tang Ina habang nagrereport. Honestly, I felt nervous, at mas nagpalala pa nito ang pag-absent ni Donghyuck.

Dahil nalaman na niya ang totoo naming pakay ni Mommy, special mention sa crush kong si Moon Taeil na may birthday ngayon. Ang totoo ay hindi ko talaga siya totoong gusto, nagawa ko lang 'yon dahil gusto kong tantanan na ako ni Donghyuck at gusto ko silang magkatuluyan ni Mark oppa, dahil nga may gusto din siya do'n, sobrang nadisappoint sa'kin si Donghyuck. Lumayo na siya sa'kin, hindi na siya nagpakita nagmula no'ng conversation naming 'yon. Which is I got conscious, nakokonsensya ako at gusto kong mag-sorry sa kaniya for hurting him more than 100 times, sobra-sobra na ata 'tong ginagawa ko sa kaniya. Nagawa ko pang pagtripan si Mark oppa para lang mag-confess sa kaniya, totoo namang may gusto si Kuya kay Donghyuck simula pa lang no'ng dati, eh. Gusto ko lang mangyari 'yon, gusto ko lang na magkatuluyan sila. Wala akong ibang hangad kundi ayun lang, kaya ilang beses kong nireject si Donghyuck.

Naiinis ako sa sarili ako, kasalanan ko lahat ng 'to, eh. Kasalanan ko talaga kung bakit siya nagalit sa'kin at nadamay pa si kuya. Sana hindi ko na lang ginawa 'yon, kami nila mommy. Naiinis din ako sa kaniya kasi sobrang martyr niya, kahit ilang beses ko siyang nireject, sige pa rin siya sa paglapit sa'kin. Ni hindi ko nga alam kung anong nagustuhan niya sa'kin. Tinulungan ko kasi siya dati nung nahihirapan siya sa math problem dati no'ng first year high pa lang kami, baka siguro ayun ang dahilan kung bakit niya ako nagustuhan. Hindi ko na talaga alam, pakiramdam ko sobra ko siyang nasaktan.

Dahil nagawa ko pang nagsinungaling sa sarili kong may gusto akong iba para lang sabihing hindi ko talaga siya gusto.

Hays.

Tumayo na ako sa harapan at diniscuss sa harapan ang tungkol sa Arithmetic Sequence. I don't care if I'm stuttering while speaking in front, basta matapos lang 'to at magkagrades na.

Makalipas ang halos isang oras, nagbuntong-hininga ako, sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Salamat naman at natapos na din ako sa pagrereport.

'Donghyuck, where were you?'

Yumuko lang ako. Tears forming on my both eyes, ngayon lang ako naluluha pagkatapos ng report dahil may takot ako through public speaking.

Or maybe there's another reason?

I wiped my tears to avoid seeing them from afar. Sana nga iyon lang ang rason.

Sana nga.

I smiled at Mrs. Ina, she smiled also at pinalakpakan ako ofcourse with my classmates' applause. I bowed, showing off my gratitude.

"Well done Mikaela-ssi, but..." I was caught off guard when she said the word 'but'

"Lee Donghyuck did not participate, right?" tanong niya.

I nodded, dahil lang naman 'yun sa'kin.

"Well, because Donghyuck will no longer be at this school anymore." Mrs. Ina said, na nagpalaki ng mata ko. Hindi ko siya maintindihan, anong 'no longer'?

"Donghyuck will transfer on Jeju. Kahapon lang niya sinabi sa dean at sa akin, his flight will be on June 20."

What?

selfielord ╱ haechanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon