Ally
Pumunta na ako malapit sa bahay ng matangkad na lalaki na yon. Nang malapit na ako sa kinaroroonan niya, Kinuhit ko siya at sinabing, "Excuse me?"
Dahan dahan siyang lumingon at nagkatinginan kami.
My jaw dropped the moment when I saw his face.
"Lia?!?"
"Vin?!?"Gulat naming sabi.
"Pati ba naman dito sinusundan moko?! Stalker ba kita? Talagang ginamit mo pa ang bahay na to para makapag tago ka sakin hah!"
Sigaw ko sakanya."Ano bang sinasabi mo dyan Lia? Eh ikaw nga tong nasa harap ng bahay namin eh! Atsaka, bakit nasayo yang tsinelas ko?? Hindi ba't ikaw ang nang sostalk saakin?? Nakakatakot kana Lia haaah. 😳" Sabi niya nang hinahawakan nang dalawang kamay niya yung braso niya. Yung para bang niyayakap niya yung sarili niya na parang takot na marape 😂
"Haah?? Bahay niyo to?? Eh bahay namin yang nasa harapan ng bahay niyo eh!! Di kita sinostalk noh! Kapal naman ng mukha mong lalaki ka!😒"
Siniplatan ko nalang siya at umaksyon na sasapakin ko siya pero di naman talaga 😅"Eto yung tsinelas mo oh! Tinangay kasi ni baby zoey yan eh kaya isasauli ko na sayo to."
Inabot ko sakaniya ang tsinelas niya at nagpaalam na aalis na kasi malapit nang mag gabi.
Pagtalikod ko, nagulat ako nang bigla niyang hawakan yung braso ko.
"Teka Lia, San ka ba pupunta?"
Habang nakatingin sa mga mata ko. Ano ba tong si Vin nakakadistract naman! Ang gwapo gwapo kasi eh 😂"Ah. Eh, Pupunta lang ako diyan sa Internet Cafe sa labas ng subdivision, nakalimutan ko kasi gawin yung assignment ko."
"Tamang tama! Pupunta din ako dun, sabay nalang tayo!"
Sinuot na niya yung tsinelas niya at sabay kaming naglakad papalabas ng subdivision.
Inaksyunan niyang akbayin ako pero bago pa niya ginawa yon, Winaklis ko yung kamay niya.
"Ano bang ginagawa mo Vin?!"
"Aakbayan sana kita."
Habang yumuyuko."Eh bat mo naman ako aakbayan?? Ayoko nang inaakabayan ako. Eh di mo naman ako girlfriend!! May girlfriend kana diba??"
Mga lalaki talaga! Pare pareho lang kayo eh! Kahit na may girlfriend na, lumalandi pa rin sa ibang babae 😒
"Wala namang malisya yang pag aakbay diba? Lahat nga ng kaibigan ko kahit babae pa yan eh wala naman silang reaksiyon. Ikaw lang kaya yong rumeact agad😂 At Fyi Lia, wala po akong girlfriend."
Tsssk😒 Dinideny pa kahit kitang kita naman na ang sweet² nila kanina.
"Ganiyan naman talaga kayo diba? Idedeny niyo yung girlfriend niyo para makipaglandian sa iba! Tssk!"
I just smirked and walked faster dahilan para maiwan ko siya.Nakarating na ako sa internet café at agad na nag open ng unit.
Wala kasing ibang tao kaya diko na kailangang maghintay.Nagfocus na ako sa pagsesearch kasi di madaling hanapin tong isinisearch ko eh. Andaming examples di ko naman alam kung alin yung tama.
"Lia? Pwede bang sayo nalang ako magpasearch? Nakalimutan ko kasing dalhin yung pera ko sa bahay eh 😭" He said while making the 'please hand gesture'.
"Ssssshhhhh, wait I'm trying to focus here. Later na yang sayo."
Sabi ko habang nakatutok sa monitor.Tumabi nalang siya saakin at naghintay kung kailan ako matatapos.
BINABASA MO ANG
Torn Apart until YOU Take Part
RomansAlly has a heart full of hatred until she met a guy, a perfect guy that she can lean on. A perfect guy that she can trust, yet pushing that person away because of that hatred. Will that guy be able to change ally's rough heart? Is he willing to con...