Prologue

379 6 0
                                    

PROLOGUE

- SUNSHINE ANANDA GALVEZ -

Isa sa pinaka masakit sa lahat ay ang malaman na may taning na ang buhay mo. Alam mo yong' pakiramdam na limitado na lamang ang mga bagay na pwede mong gawin,tapos pagdating sa pagkain mas madami pa ata ang mga bawal na kainin kesa sa pwede,and the most painful among of all,kinakaawaan ka ng lahat kasi habang tumatakbo ang oras ay siyang tumatakbo ang katotohanang dadating at dadating ang deadline ng buhay ko......

Pero iba ako... Imbes na intayin ko ang kamatayan ko ay gumawa ako ng paraan para magkaroon ng thrill ng kahit konti ang buhay ko.

"Mr.Galvez, I'm sorry to say pero tatlong buwan na lang ang itatagal ni Shine....may cancer ang kapatid mo,stage 3...sorry maiwan ko na muna kayo."

Yan ang mga katagang hinding hindi ko makakalimutan kailanman. Mga katagang sumampal saakin sa katotohanang pagsapit ng nasabing tatlong buwan,ay kasabay ng pagkawala ko sa mundong ito.

Pero syempre bago ako mawala sa mundong ibabaw ay gusto ko munang magtravel sa iba't ibang lugar sa Pilipinas sa loob ng sixty days,pagkatapos ay ang natitirang thirty days ay uubusin ko kasama ang dalawa kong Kuya......

Kung tatanungin niyo ako kung bakit mas napili kong dito nalang sa Pilipinas magtravel? Gusto ko kasing tangkilikin ang sariling atin,gusto kong ikwento sa Diyos pag nagkita kami na yung mga nilikha niya ay napaka gaganda,pero ang nilikha niya sa pilipinas ang pinaka favorite ko sa lahat.

PERO KUNG MABIBIGYAN AKO NG PAGKAKATAONG MABUHAY PA MULI SA PANGALAWANG BESES AY GUSTO KONG MAGTRAVEL SA IBA'T IBANG SULOK NG MUNDO......

BECAUSE TRAVELING IS MY LIFE.....

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

- JASE CALVIN VILLAREAL -

3 months to go... And I'm surely miss this world...

Pag iniisip ko ang katotohanang tatlong buwan na lang ang itatagal ko sa mundong ito ay napapangiti na lang ako. Hindi dahil sa masaya ako dahil mamatay naako,kundi dahil bago ko iwan sila mom,dad and kuya ay may mga bagay na nagawa na ako para sa kanila na kahit hindi man ganun karami ay masaya parin ako para atlis hindi na sila galit palagi sakin...

Nang malaman namin nila mom na may stage 3,cancer ako ay halos manlumo ako. Iniisip nila kung paano ako nagkaroon ng sakit na ganito samantalang malusog naman ang pangangatawan ko dahil palagi ako nag g-gymn tuwing wala akong pasok,kumakain ako ng mga healthy foods,at higit sa lahat ay masyado pa akong bata to have this kind of illness.

But all in all,I thank God.... Dahil binigyan niya ako ng pagkakataong mabuhay sa loob ng 21 years...

Siguro nga tama sila..... Na ang lahat ng tao ay may hangganan. Iba iba nga lang ang oras at panahon ng kanilang hangganan. May mauuna,at may mahuhuli pero hindi natin maipagkakaila na mamatay parin tayong lahat.

Kaya ikaw.... Wag mong sasayangin ang buhay mo. Dahil may mga tao kagaya ko na gusto pang mabuhay ngunit hindi narin kakayanin dahil sa deadline ng buhay ko....

Sa nalalabing tatlong buwan ko dito sa mundo ay gusto kong bigyan ng pagkakataon ang sarili kong mag explore,gusto kong magtravel sa loob ng sixty days ng buhay ko,and then the last thirty days,ilalaan ko yon sa family ko.....

Basta ngayon,gusto kong mag travel at enjoyin ang nalalabing oras ko rito sa mundo,syempre isa akong purong Pilipino kaya naman mas gusto kong dito nalang sa pilipinas magtravel,ika nga nila 'it's more fun in the philippines' and if God gave me a second chance to live,I would claim it that chance and I would travel the whole world....

But for now,gusto kong umaktong parang normal lang...parang walang sakit at parang hindi pa mamatay. Mag eenjoy muna ako para naman pag akyat ko sa langit ay maikwento ko Kay God na napakaganda ng kaniyang nilikha,lalo na ang nilikha niya sa Bansa namin......

And for me..... TRAVELING IS MY LIFE........




60 Days To TravelWhere stories live. Discover now