Shine's Point of view
Kanina pa akong nakasakay sa aking scooter at medyo mainit narin.
Hindi ko alam ang exactly location nung Telecom na yon,basta nakita ko lang yon sa isang site sa Facebook na malapit sa bayan namin.
Inihinto ko muna ang scooter ko sa isang tabi. Mas mabuti na kasi yung magtanong kesa maligaw ako. Alam niyo yon,haha!
Pagkababa ko sa scooter ko ay inaalis ko muna ang aking helmet at isinakbit sa aking braso,kinuha ko ang mask ko ay isinuot yon para matakpan ang ilong at bibig ko.
"Manong...pwede po bang magtanong? Saan po dito ang Telecom?" Diretsang tanong ko sa lalaking nagtitinda ng mga streetfoods. Bigla tuloy akong nagutom....kaso bawal toh sakin...shet!wag kang mang akit pleaseee....
"Ah,diretsuhin mo lang yang daan na yan,tapos may isa jang tindahang malaki na madadaanan mo,mga tindahan yon ng mga keychain at anupang pwedeng ipasalubong o souvenir nadin." Sabi ni manong na magtitinda ng mga streetfoods na kanina pang kindat ng kindat sakin at nilalandi ako na para bang sinasabi saakin na 'sige na shine..kumain kana..'
Mabilis kong iniling ang aking ulo. Kung ano ano kasi ang iniisip ko. Pero sa totoo lang gusto kong kumain nito,lalo na yung kwek kwek!
"Kuya pabili nga muna ako." Diko talaga matiis eh,huhu.
Tatlo lang tinuhog kong kwekwek tapos tumuhog narin ako ng fishball tapos kikiam at sinamahan ng palamig.
"Huuu!busolve!" Sabi ko na ikinatawa ni manong na magtitinda. Huli na nga ng marealize ko na naparami ang kain ko. Nakooo,lagot ako.
Sumakay na akong muli saaking scooter at sinunod ang nasabing direksyon ni manong na magtitinda.
Dahil malapit lang naman na pala yon ay mabilis kong nakita ang sinabi kanina ni manong na tindahan ng mga Souvenir's at pwedeng ipasalubong.
Samantala...nakaramdam ako ng pagkasuka,kaya gumilid na lang muna ako para sumuka.
Ang sama sa pakiramdam lalo na't wala sila kuya para alalayan ako. Hayss...
"Ms. Are you okay??"
Nagulat ako ng maramdamang may humagod sa likod ko at inabutan ako ng tubig na nasa tumbler.
Hindi ko yon kinuha kasi baka mahawa siya sa sakit ko,dahil sa bahay ay may bukod akong mga ginagamit kasi ayokong mahawa sila kuya.
Natapos na ako sa pagsusuka kaya pinahid ko ang aking bibig at doon ko nakita ang lalaking humagod ng aking likod at nag abot pa ng tubig.
Inabot niyang muli ang tubig pero diko talaga tinanggap. "No thanks" sabi ko ngunit nagmatigas at inabot muli sakin.
"Keep it. Marami ako niyan sa kotse ko." Sabi niya kaya kinuha ko na rin yon. Hindi ko nalang sa kaniya ibabalik dahil nakakahiya naman,siya na nga yung nagmagandang loob para tulungan ako tapos susuklian ko lang ng sakit.
Kahit na nilalagok ko ang tubig ay hindi ko maiwasang mapatingin sa lalaking kaharap ko. Matangkad kasi ito na hindi naman ganung kapayat kasi siguro macho ganun,maputi siya na bagsak ang buhok tapos medyo singkit at kapansin pansin din ang tangos ng ilong niya at labi niyang manipis at natural ang pagkapula.
"Hey miss...basa kana"
Shit! Hindi ko napansin na napasobra na pala ako sa tubig katititig.
Namula ako sa kahihiyan sa kaharap ko. At kailan pa ako naging interesado sa mga lalaki??
Pagkatapos kong mapunasan ang nabasa kong damit dahil sa tubig na umapas sa aking bibig dahil sa katititig ay nagpaalam na ako sa lalaking nagmagandang loob saakin.
YOU ARE READING
60 Days To Travel
Teen FictionItong storyang ito ay tungkol sa dalawang taong parehas na may malubhang karamdaman. parehas na may taning na ang buhay... ngunit sa nalalabi nilang mga oras sa mundo ay mas pinili nilang magpunta sa mga lugar kung saan nila gusto. (siguraduhing may...