Calvin's POV
Nagvibrate ng ilang beses ang phone ko kanina ngunit hindi ko yun pinapansin o sinasagot manlang ang mga tawag o di kaya'y mga text.
Mas okay narin naman yung malayo sa kanila...para masanay na rin sila na anytime mawawala na ako sa buhay nila o baka magpaparty pa nga si kuya pag nalaman niyang tapos na ang taning ng buhay ko.
Nilingon ko si Shine na sarap na sarap sa pagtulog dahil naghihilik na,and I couldn't help it but to smile. Naalala ko tuloy kung paano kami nagkita at nagkakilala kahapon lang. Hindi naman ako friendly lalo na sa babae but when I saw her yesterday,I know that we have compatability,I didn't know what is it but I'm pretty sure na meron talaga kaming pagkakapareho.
Bigla kong naalala yung pag uusap nila sa phone ng kuya niya. Bigla akong nacurios kasi sobrang protective nila kay Shine na parang may sakit,pero sa hitsura naman ni shine ay mukha namang walang kung anong nararamdaman.
Napangiti ako saglit ng pumasok sa isipan ko ang buong pangalan ni Shine. 'Sunshine Ananda Galvez'
Gusto kong makilala pa siya lalo,mukha naman kasi siyang hindi suplada gaya ng ibang babae.
Aalisin ko na sana ang tingin ko sa kaniya ng bigla siyang umayos ng pagkakasandal sa bintana ng sasakyan ko.
Mas lalo tuloy akong napahanga sa ganda na meron siya. Malantik ang kaniyang pilik tapos on fleek ang kilay,pointed nose din,tapos pisngi niyang medyo mapink,pagkatapos ay labi niyang manipis na natural ang pagkakapink.
Napalunok ako ng malalim ng hindi na maalis sa isip ko ang labing iyon ni Shine kaya mabilis akong umiwas ng tingin.
Muling nagvibrate ng phone ko kaya tamad ko yong kinuha sa bulsa ko. 45 text messages galing kay dad,tapos 30 missed calls ulit galing sa kaniya. Pero may isang text akong napansin kaya tiningnan ko yon dahil unregistered number lang.
Malapit ka ng patayin ng karma mo Mr. Villareal. Rest in Peace na agad. Gago!
Agad ko yung nahulaan kung sino. Siya lang naman ang kaisa-isang taong inggit na inggit saakin noon pa. Well,mainggit siya hanggat gusto niya,I don't care.
Napagpasiyahan kong lumabas muna at tingnan ang buong lugar. Masyadong matalahib pero okay narin.
Unti-unti naman ng sumisilay ang liwanag kaya bumalik agad ako sa kotse ko para tingnan kung gising na si Shine,pero mahimbing parin ang tulog niya.
Naghanap ako ng malapit na mabibilhan ng kape,hindi naman ako nabigo dahil nakahanap agad ako. Maigi nalang na kahit maaga pa ay may bukas ng tindahan dito.
Pagkabili ko ay dumiretso na ako sa kotse ko. Tuluyan na kasing sumilay ang liwanag. Mas maganda sana kung maglalakad na kami sa ganitong oras dahil mga dalwang oras din ang lakadin don.
"Good morning young lady!" Masiglang bati ko kay shine na kagigising lang.
Humihikab pa siya at medyo singkit pa ang mata. "Its a new day! Another day for me,I'm still alive and still breathing...thanks God for this kind of blessing"
Mahabang litanya niya na ikinagulat ko dahil hindi pa niya ako nabati. "Good morning too,Mr.travel buddy!" So ayun!she greeted me.
Nakacurious lang ang babaeng ito. Naramdaman ko kasi ang sinabi niya kanina. Siguro nga may sakit siya,pero hindi naman halata kaya baka wala naman talaga.
Naiabot ko na sa kaniya ang kape na binili ko. Naglalakad narin kami papunta sa Mt. Malari. Gusto ko sana sa kanyang magtanong pero nahihiya naman ako.
"Bakit dikana nag aaral? Mukha kanamang mayaman ah. Nag bubulakbol kaba?"
Usisa niya saakin. "Hindi noh!" Pagtanggi ko dahil hindi naman talaga at kaya lang ako huminto dahil sa sakit ko.
"How many days you will be travel shine?"
Yon lang ang naisip kong itatanong sa kaniya nung tumahimik siya.
"60 days. But I already traveled yesterday so that 59 days to left" She said to me and I stared at her because were same na magtatravel for 60 days but what she said earlier,she already traveled yesterday.
Napansin ko ang pasimple niyang pagngiwi kaya naman nag alala ako dahil baka mamaya napapano na siya or inatake na ng sakit niya.
"Are you okay?" Nag aalalang tanong ko sa kaniya. "I'm always okay" tapos nginitian na naman niya ako. Is she never tired to smile always?
Mabilis kaming nakarating sa taas ng Mt.Milari. I couldn't help it but to adore this place.
"Ang ganda...."
Manghang pagkakasabi ni Shine. Inilabas ko ang aking Camera at kinuhanan si Shine ng mga stolen pictures.
Dahil maaga pa lang ay nakarating na kami ay ramdam namin ang malamig na klima dito sa taas tapos medyo mahamog pa. Wala ditong puno masyado dahil nasa baba ang mapunong bahagi. Ngunit puro bato dito at konting damo ang tumutubo.
Sa gilid ay may malaking white board. May pentelpen din don at Malaya kang magsusulat ng gusto mong isulat. I love this kind of traveling... Yung may mga ganito na magsusulat o kaya mga souvenirs.
Papunta palang ako pero nandun na si shine at nagsusulat. Hindi ko maiwasang hindi purihin ang calligraphy na sulat niya. Hindi konga lang mabasa,Haha!
Napansin ata niya ang presensya ko dahil iniabot niya saakin ang pentelpen na kanina lang ay gamit niya.
Napaisip tuloy ako kung anong isusulat ko.
If God gave me a second chance to live,I would be live so that I can travel the whole world next.
Yan yung sinulat ko. "Second chance to live?" Naguguluhan niyang tanong.
Ngumiti ako sa kaniya."yes. Second chance to live." Pagkatapos ay naglakad ng konti sa buong paligid.
YOU ARE READING
60 Days To Travel
Teen FictionItong storyang ito ay tungkol sa dalawang taong parehas na may malubhang karamdaman. parehas na may taning na ang buhay... ngunit sa nalalabi nilang mga oras sa mundo ay mas pinili nilang magpunta sa mga lugar kung saan nila gusto. (siguraduhing may...