Chapter 5 Travel Alone

69 2 0
                                    

Shine's POV

Hindi ko mapigilang hindi macurious kay Calvin. Nagsulat kasi siya kanina sa white board na may nakalagay na if God gave him a second chance to live,he would live.

A couple of hours na nadito pa rin kami sa taas ng Mt. Malari. Hindi parin ako makapag move on sa place na toh. Ang ganda kase at ang peaceful.

Gaya ng ginawa ko sa Telecom kahapon ay nagselfie ulit ako at inupload sa album ko sa Facebook.

Caption ko ay 'if God gave me a second Chance to live,I would go back in this place-Mt. Malari is heart heart.' Nag upload agad yon ng mabilis. Pagkatapos ko ay tiningnan ko ang mga notifications ko dahil sobrang dami.

Ngunit isang comment ang nagpasikip ng dibdib ko. Tapos agaw pansin rin ang mga nagreply don at nagreact sa comment niyang yon.

Kung tayo parin sana hanggang ngayon...siguro isa yan sa mga goals natin,yung makapagtravel together. (Sad emoji and heart emoji)

Napahawak ako sa dibdib ko. Nakakainis siya! Nakamove on na nga ako diba? Tanggap ko na ginawa niya lang ako nun na panakip butas! Tanggap ko yun kaya sana hindi na siya nanggugulo.

Nakita ko naman ang reply ni kuya Migs sa comment ni Christian na yun natawa naman ako bigla.

Kung sana hindi mo niloko ang kapatid ko,hindi kana sana nagpe-feeling ngayon! Beastmode mo kuya ni shine na pogi! (Devil emoji)

Tapos binasa ko din ang reply ni Shiela kaya mas lalo akong natawa.

Nako Christian De Guzman wag ang kaibigan ko! Marami kapang lalandiin na babae! (Angry emoji)

"Huy!Why are you smiling?" Muntik ko ng mabitawan ang phone ko dahil sa gulat sa biglaang pagsulpot ni Calvin.

"Ginulat mo naman ako....wala nagbabasa lang kasi ako ng nga comment sa post ko." Paliwanag ko sa kaniya.

Umakto pa siyang sisilip sa phone ko ng bigla ko yung itinago sa bag ko. "Damot.." Sabi niya na ikinatawa ko.

"Do you think,makakapag travel tayo in 60 days?" He asked while he eating.

Minsan napapaisip din ako,pero why not? Dibanga sabi nila pag may tiyaga may nilaga.

"Oo naman. Kaya yon!"

Nag aya na siyang bumaba pagkatapos nun. Syempre hindi naman ako nagpaiwan kaya bumaba nadin ako.

May mga nakakasalubong pa kaming mga paakyat palang tapos tinitingnan nila kami na para bang inggit na inggit.

"Problema nila?" Nagtataka kong tanong kay Calvin.

"Pogi daw kase ako..." Nabatukan ko siya ng wala sa oras. Feelingerkng echusero lang ang peg eh!pero pogi naman talaga si Calvin.

60 Days To TravelWhere stories live. Discover now