Chapter 6 Compatibility

68 0 0
                                    

Shine's POV

Nang makita kong maraming tao ang tumpok tumpok malapit sa sasakyan ni Calvin ay sinabihan ko si kuyang driver na ibaba na ako dahil malapit nalang naman at tatakbuhin ko nalang yon.

Hinawi ko ang mga taong naroroon at nakipagsiksikan. Napahawak ako sa bibig ko ng makita si Calvin na nakahandusay at basang basa na ng kaniyang suka.

Mabilis ko siyang inalalayan. Pilit ko siyang ginigising ngunit hindi ko siya magising kaya pumunta ako sa kotse niya at naghanap ng gamot.

Pagtingin ko sa dala niyang bag ay dun tumambad saakin ang mga gamot niya. Nakita ko kung ano ano yun at halos mabigla ako ng makitang parehas kami ng gamot.

Tumakbo ako sa pwesto niya at pinilit na mapainom siya ng gamot. Nagawa ko naman at pagkatapos nun ay inabutan ako ng tubig isang mama na siguro ay isa sa mga taga rito. "Thank you po" I said.

Sinikap kong maitayo si Calvin,nakahinga nako ng maluwag ng marinig ang pag ubo niya.

Saglit muna akong tumigil habang nakaalalay sa kaniya at tinanong siya.

"Okay lang ba sayong dalhin kita sa kotse Mo?"

He nooded,kaya mabilis ko siyang ipanasok sa kaniyang kotse. Naghanap ako sa bag niyang dala ng damit na maipapalit sa kaniyang suot na nabasa ng suka.

"Palitan na muna kita ng damit ha. Medyo madumi na kasi at basa nadin ang suot mo eh." Pagpapaalam ko sa kaniya na tanging tango lang ang inirereply niya.

Lumapit ako sa kaniya para iunbuttoned ang kaniyang suot. Habang pababa ng pababa ang pag uunbottoned ko ay nararamdaman ko ang paghahabol niya ng hininga. Hanggang sa dumapo naman ang tingin ko sa abs niya. Napalunok ako ng malalim at natigilan. Wahh!don't seduced me,I'm weak! Wahahaha.

"Bakit mo tititigan kung pwede mo namang hawakan"

Nagulat ako sa pagsasalita ng ganun ni Calvin dahil pinilit niya talagang makapagsalita kahit nahihirapan siya.

"Nah. Hindi ko hahawakan kasi hindi ko naman tinititigan." Pag mamaang maangan ko. Naramdaman ko naman ang sinpleng pagngisi niya dahil umibo ang katawan niya.

Dahan dahan kong isinuot sa kaniya ang kaniyang T-shirt at pagkatapos ay nilagay sa isang plastic bag ang damit na nabasa niya.

"Shine....thank you" he mumbled.

Sinabi ko sa kaniya na walang anuman. Nagsorry din siya sa mga inasal niya kanina dahil nadala lang daw siya ng galit.

"Makakapag drive kaba?" He asked to me.

Nahihiya naman akong umiling.

Sa huli ay siya na ang nagdrive dahil okay narin naman siya. Panay ang thank you niya saakin dahil tinulungan ko raw siya.

"Bakit kanga pala bumalik?" Tanong niya habang diretso ang tingin sa unahan dahil nagmamaneho.

"Naisip ko kasi na kailangan mo ng makakasama kung may sakit-may sakit kaba talaga?"

Bahagya naman siyang natawa. "Yeah,hindi ba halata?"

"Hindi eh,masyado ka kasing masculado kung tutuusin. Teka..anong sakit ba?"

Sandali siyang natahimik bago sumagot. "Stage 3 lung cancer...."

Halos mabingi ako ng marinig ko yon. Stage 3 lung Cancer? Kaya ba nung Una parang pakiramdam ko na agad na may compatibility kami kaya nagkakaintidihan kami ganun?

"Oh?natahimik ka ata?Hindi kaba naniniwala?" He said in a confused tone.

Umilling naman ako dahil hindi bakas sa kaniyang katawan o sa kaniyang aura. "Deadline?" Tipid kong tanong.

60 Days To TravelWhere stories live. Discover now