Chapter 8 Signs

67 0 0
                                    

Calvin's POV

Malalim na ang gabi at kasing lalim nun ang iniisip ko.

Pag naiisip ko na unti unti na kami ni shine na binibigyan ng sign na mawawala na talaga sa mundong ito ay nanlalambot ako.

I sighed heavily. Nagulat naman ako dahil parehas pa kami ni Shine na nag sighed ng mabigat.

Napatingin tuloy kami sa isa't isa. For the first time,I saw her face that full of sadness. Hindi siya kumikibo habang nakatagilid at nakatingin saakin.

"Wanna talk/Wanna talk?" sabay naming tanong kaya napatawa naman kami parehas.

Bumangon kaming pareho at tinabihan ko muna siya sa Kama niya.

Honestly,hindi rin ako komportable na nasa iisa kaming kwarto at magkasamang matutulog,pero iba rin kasi ang dating saakin pag iniisip kong hindi ko siya mababantayan.

Nagpakawala nanaman siya ng mabigat na paghinga pagkatapos ay niyakap ang kaniyang tuhod.

"Ito na kaya yun?" She asked and I know what she talking about.

"Maybe." Tipid kong sagot.

Natahimik siya saglit pagkatapos ay umubob siya sa kaniyang tuhod.

Narinig ko ang pag hikbi niya. "Pwede naman sigurong sa balikat ko nalang ikaw umiyak....?" Offer ko sa kaniya.

"Wag na." Sabi niya habang umiiyak padin. Ayaw niya sigurong makita ko siyang umiiyak kaya itinago niya ang mukha niya sakin.

"Sige na. Nahiya kapa" pagpipilit ko pero ayaw niya talaga.

Hinawakan ko ang ulo niya at iniharap yon sakin. Nakita ko ang luha sa mata ni Shine na nagpasikip ng aking dibdib. Hindi ako sanay na nakikita siyang umiiyak at nanghihina at mas ayoko lalo na makita niya akong nanghihina at umiiyak.

Pinunas ko ng kamay ko ang kaniyang mga luha. Hindi ako ganung kalapit sa mga babae but when it comes to her parang matagal ko na siya kilala.

"Wag kanang umiyak at di bagay sayo!" Maloko kong sabi sa kaniya na ikakangiti sana niya ng napigilan ko siya.

"What?" Tanong niya.

Hawak ko parin ang kaniyang mukha. "Yung sinasabi konga kasi sayo kanina na challenge ko sayo."pag uulit ko dahil palagi nalang niyang inaantala yon pag sasabihin ko.

Tinanggal na niya ang kamay kong nakahawak sa mukha ko at umirap. Naks! Ngayon ko lang siya nakitang nagrolled ng eyes niya.

"Dali na! Pag nanalo ka,I will treat you for the while travel we had." Nagmistulang namumuso naman ang kaniyang mata. Natuwa nasana ako ng bigla nanaman niya iyong iirap.

Dumiretso na siya sa pagkakahiga sa Kama na hinihigaan niya at sinipa niya ako kaya umutras na ako.

Nagtakip na siya ng kaniyang kumot. Ako naman ay nakangiting humiga na sa higaan ko. "Basta I challenge you ha!pagnakita kitang ngumiti ng sampung beses,I will kiss you"

Alam ko naman na hindi pa siya tulog nun kaya narinig niya pa yun. Haha!

"Good night Sunshine Ananda Galvez..." I mumbled.

Nang makatulog kami kagabi ay ginising na lamang ako ng sikat ng araw na tumatama sa balat ko.

"Good morning!" Masayang bati ni Shine na kagagaling lang sa banyo at nagtutuyo ng kaniyang buhok.

"Good morning too."

Hindi muna ako bumangon dahil masyado pa akong antok.  Napapapikit na ako ng makaramdam ako unan na tumama saakin.

60 Days To TravelWhere stories live. Discover now