002✉

205 18 1
                                    

CURRENTLY UNDER CONSTRUCTION.

«Perez»

"Uy, Ynah Perez! Buhay ka pa ba?"

"Ha? Bakit?" Tanong ko kay Ashley na nasa karapan ko ngayon.

"Hatdog," Natatawang sabi ni Chloe. Gaga talaga 'to.

Naalala ko tuloy yung sinabi sakin ni Cy kahapon. May liligawan na daw siya. Binata na.

Shet! Sakit sa heart.

Matagal na kaming magkaibigan ni Cydrick. Grade 1 palang kami di na kami nagkahiwalay ng sections. Tagal na rin pala naming magkaibigan. Kala ko nga kami pa magkakatuluyan eh, pero may gusto nang iba eh. Hanap nalang ng bago, makakalimutan ko rin yan.

•••••

Flashback - 9 years ago

"Hahahaha, Ynah, ang taba taba mo! Para kang baboy! Hahahaha!" Sabi ng kaklase kong si Gelo.

"Oo nga! Dapat di ka na binibigyan ng pagkain! Akin na nga yang lunch mo!" Sabi pa ng isang bata sabay kuha sa food ko.

Pag-iyak nalang ang nagawa kong gawin. Oo na, ang taba taba ko. Mukha akong baboy. Dapat di na ako binibigyan ng pagkain.

"Ito oh, gawa yan ng mommy ko, nakakain nanaman ako eh. Sayo nalang." Lumapit sakin ang isang batang lalaki at binigay sakin ang baon niyang sinigang at kanin.

"Thank you."

"Ako nga pala si Cydrick. Kaklase mo ako pero, malayo yung upuan ko sayo."

"Czerina ang pangalan ko. Maraming salamat ulit Cydrick." Sabi ko bago tuluyang umalis ang batang lalaking nagngangalang Cydrick.

End of Flashback.

•••••

Simula non, naging magkaibigan na kami, at pagdating ko ng grade 9, ay nalaman ko na ang matagal ko ng pinipigilang pagkagusto sakanya.

By the way, hindi na ako chubby ngayon. Sexy na kaya to. Wow, chix!

Ngayon, grade 10 na ako, pati si Cydrick. Second week palang ng school year ngayon.

Transferee si Leigh noong grade 9 kami. Magkakaklase kaming tatlo nina Cy.

Simula palang, nahulog na agad si Cydrick ka Leigh. Miyembro kasi si Cy at Leigh ng dance troupe. Doon sila naging magkaibigan. Nung nalaman niya ngang magkakaklase kami ngayong school year, halos di na raw siya makatulog sa sobrang excitement.

"Ummmm, Cze, nakikinig ka ba for the second time?" Tanong sakin ni Chloe.

"Chloe... obvious naman na hindi, diba?" Kaya ituloy mo na yung sinasabi mo. I'll listen now." Pag assure ko sakanya.

"Not unless you tell me what's bothering you." She fired back.

Inirapan ko nalang siya. Diba, magkakaibigan kaming maldita. Charot! Mababait kaya 'tong mga to.

"Ok, ok, tama na yan." Pagpigil ni Jermeel. Saming magkakaibigan, siya lang yata ang matino.

"So back to the point. As Chloe was saying, gagala daw tayo sa weekend kasama yung mga lalaking gago. Tapos, tayong mga babae ay didiretso sa bahay nila Jermeel at Chloe after at magmo-movie marathon don. In short, Sleep over." Pag fill in ni Ashley.

Sa aming apat nina Chloe, Jermeel, at Ash,  si Chloe lang ang kaklase ko.

Magpinsan si Jermeel at Chloe, OFW yung parents ni Chloe, parehong nasa Japan, kaya kina Jermeel siya nakatira. Kahit na hindi kasama ni Chloe si tita at tito, alam naman namin na tinuturing siyang parang tunay na anak ng parents ni Jermeel.

Yung sinasabi naman nilang mga lalaking gaygo ay sila Cydrick, yung kaaway ni Chloe na si Kurt, yung jowa ni Jermeel na si Sam, at yung ka-m.u ni Ashley na si Chast. Gaygo lang tawag namin sakanila kasi gago at gays naman talaga sila.

So back to the actual point, "School year just started, may plano nanaman kayo." Sabi ko sakanila.

"Enjoy na natin habang wala pang masyadong stress, panimula ni Chloe,
"Plus, we're teens anyway. Young, dumb, but kind of not broke highschool kids." Mayaman talaga to.

Just then, tumunog na ang bell na nagsasabing 5 minutes nalang ang natitira sa break time.

•••••


My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon