•••••
‹Cydrick's POV›
"Oy nandito na yung mga gago!"
Yan ang bungad samin ng mga magagaling naming kaibigang babae.
"Nga pala, asan sila ate Alijah?" Tanong ni Jermeel.
"Ma-la-late lang daw ng konti. San na punta natin?" Sagot ko at nagtanong ulit pabalik.
"Storyland tayo!" Aya ni Chast. Gago. Bata ba siya.
"Ako, ok lang sakin." Pag-kampi ni Ashley kay Chast.
"Yeah, ok lang rin sakin." Sabi ni Ynah at tumabi kay Ashley.
"Ok sakin." Sabi ko. Siyempre, kanino ba ko sasama, edi kay Ynanah. Alam ko namang magsasama lang si Chast at Ashley, Sam at Jermeel. Ay, nasabi ko na ba yung plano naming anim? Malamang hindi noh.
Pagkakasunduin namin si Chloe at Kurt. Simula palang naman alam na naming echos lang yan eh. naging mag-mu rin yung dalawa kaso, kala ni Kurt, hindi siya gusto ni Chloe kaya ayun, natakot mag-confess. Nawala yung feelings nila pareho (?) tapos nagkaroon ng mga sariling jowa. Naghiwalay rin naman kaya single pareho. Tsk tsk tsk. Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana.
So ayun, naging magkaaway. Palaging nagbabangayan parang aso't pusa. Ewan rin namin bakit ganon nangyari. Pero ship namin sila.
"So Storyland na!" Masiglang sabi ni Chast na gumising sa aking lumulutang na isipan.
"Sama-sama ba o hiwa-hiwalay?" Biglang tanong ni Kurt na nagpaisip saming lahat. Wow! First time na may sense yung sinabi ng gagong to ah!
"Ah, deal nalang. Mahahati tayo sa 4 na pairs. Boy-Girl. Paramihan ng tickets na makukuha. Ang pair pinaka maraming tickets na makukuha sa loob ng 25 minutes, bibigyan nung 1/4 ng tickets na makukuha nung 3 pang pairs. Let's talk about the pairs there." Sabi ni Jermeel. Talino talaga.
"Nako. Talino talaga ng Besprend ko!" Sabi ni Ynah na tinama pa ni Ashley, "Correction, besprend natin."
"Tama! Jertalino! Nag Ceelin Chewables yan eh." Banat pa ni Chloe.
"Di ko gets." Biglang bulatlat ni Kurt.
"Gago na nga bobo pa." Mataray na saad ni Chloe with matching eye roll pa.
"Panget na nga mataray pa." Pag-gaya ni Kurt kay Chloe at inirap rin ang kanyang mata.
"Excuse me, ang ganda ko po kaya. Tumingin ka na ba sa salamin? Maka sabi ng panget eh." Pagsagot pa ni Chloe.
"Hindi, hindi pa ko tumitingin sa salamin." Pagbabalik ni Kurt na parang hinahamon pa si Chloe sa suntukan.
"Try mo. May makikita kang halimaw." Agree ako sayo diyan Chloe!
Nang akmang magsasalita ay pinigilan na siya ng isa pang matalino pero gago rin. Si Sam.
"Kurt, halimbawa 300 tickets ang nakuha niyo ng pair mo, pero kami ng pair ko ay nakakuha ng 350 tickets, kami ang may pinakamaraming nakuha, ibibigay mo yung 75 sa tickets saamin kasi kami yung nanalo." 'Parang' matalinong pagpapaliwanag ni Sam kay Kurt.
"Basta ako, game ako diyan." Sabi ni Ynah.
"Ako rin." Sabi rin ni Ashley.
"1/6 naman! Ang unfair non!" Childish na sabat ni Chast.
"Oo nga!" Sabay na pag-sangayon namin ni Kurt.
"Ok. 1/6 ng tickets ay ibibigay sa mananalo." Pag-give up na sabi ni Jermeel.
"Wait. Pano pag hindi sakto? I mean, pag hindi divisible yung tickets sa 6." Takang tanong ni Kurt.
"The dumbest question I've ever heard from you." Mahinang sabi ni Chloe pero narinig naman naming lahat.
"Then doon parin sa team yung sobra." Sabi ni Ynah.
"Ok. Lezzzgo go go!" Childish na sabi ko.
"Go, Go Go! We be screaming Go! Go Go!" Pagsunod ni Ynah sa kabaliwan path ko.
•••••
Bitin ba? Hahaha. Narration naman sa next chap. Then, puro chat entry na. BTW, you'll meet who Alijah is next chapter. Hanggang ilang chaps ba gusto niyo? Doon sa mga silent readers (kung meron man), comment kayo. DM niyo rin ako kung trip niyo ng kausap. Pede rin akong mag give out ng clues😏😉 @taebwi387 lang. God Bless and be safe always! - taebwi3827
•••••
![](https://img.wattpad.com/cover/136017706-288-k793929.jpg)
BINABASA MO ANG
My Bestfriend
Teen FictionTHIS STORY IS STILL UNDER REVISION. PLEASE COME BACK LATER. ~•~ Date Started: April 7, 2018 Date Ended: xxxxxxx