‹Czerina's POV›
Nakaupo ako ngayon sa van.
Yep, susunduin namin sila Anne. Hindi pa settled ang lahat kaya hindi pa kami umaalis. Medyo umaambon rin kaya sinalampak ko na agad yung earphones ko sa aking tenga at nakinig ng ballad music. Perfect! A ballad music on a rainy day.
So back to the van thingy, susunduin namin sila Anne ngayon. Ang ganda nga ng pwesto ko eh. Likod na likod. Kasama ko ang pinaka mamahal kong pinsan na si Drake.
Galing Australia sila Anne. When I mean sila, siya, mommy niya na tita ko, si Mia, at si Jennie (na pinsan ni Mia).
Ganito kasi yan. A few years ago, nung grade school kami, nagtayo ng isang food branch (?) ang mga magulang ko at ang parents ni Drake. Pero since magka-batch mate (and besties) si mom at ang mom ni Anne, nagjoin narin sila ng parang kainan sa food park para mas makatipid.
Doon naman sa food park na yon, nakilala namin sila Mia and Jennie. Ang parents ni Mia ay mayroon ring business sa mga food branch/ kainan sa food park. Same school lang rin siya kasi malapit yung food park sa bahay namin at sa school namin.
Wala akong kaklase sa kanila. Ang magkakaklase ay si Mia, Anne, at Ashley. Ang parents naman ni Gian ay matagal nang kasama sa business ang mga magulang ko. Buntis palang yata si Mama pinagpaplanuhan na nila yung business nila kasama yung parents ni Gian eh.
Nakilala naman namin ang parents ni Cydrick kasi mayroon rin silang kainan. Nalaman ng parents ko na kaibigan namin si Cy kaya nagtulungan narin sila.
As of now, may restaurant na kami. 5 branch. 3 dito sa Philippines (Luzon to be exact) and 2 sa Australia. Ang parents namin ni Drake ang nagamamanage ng isa dito, kayla Cy ang isa rin dito, at kayla Gian naman ang isa.
SKL, alam niyo bang ang cool ng naisip nilang theme ng Restaurant namin? Nagtatacle ng foods from different countries. Parang may 2 or more representatives for each country like Japan, Korea, China, and Philippines. Nice right?
Sa dalawang branch naman sa Australia, mga magulang naman nila Anne at Mia. And nasabi ko rin ba na maagang naulila si Jennie ng mga magulang niya kaya parang magkakapatid narin ang turingan namin sa isa't isa. Yun nga lang, nasa Australia sila at nandito kami.
Well kaya nga sila uuwi, para makita kami. Duh.
Hindi ko na naramdaman na nakalabas na pala kami ng subdivision. Kasama ngayon sa van ang parents ko, ako, si Ashley, parents ni Ashley, si Cy, si ate Alijah, mom ni Cy, si Gian, ate ni Gian, si Drake, and of course, parents ni Drake. Diba, kasya kaming 14. And ang dad ni Drake ang driver.
Bigla namang tumunog yung 'Goodbye's ng 2NE1 sa earphone ko na ikinangiti ko. Favorite ko kasi to eh. Bitter parin akong nagdisband na sila. Gagong YG yan.
Tumingin ako sa bintana para mag-emo pero nagulat nalang ako ng malapit na palang bumangga ang sinasakyan naming van sa isang puno and within a split second, nagdilim ang lahat.
•••••
Eyo! Tagal ng update ko, Eyo! Tambak sa schoolwork, Eyo! Kamusta na kayo.
So alam niyo yung mga kaklaseng pati problema nila ipapaproblema sayo? Ganyan talaga pag class president😎😢 Kala niyo masaya maging president? No no no! Buti nalang kasama ko yung ibang officers na sila Chlo, Ash, at Jerms.
Pambawi narin tong chap na may almost 500 words sa matagal na hiatus. Cliffhanger? Eh. Baka matagalan yung next ud pero stay tuned dahil baka may mga bagong characters na babaguhin yung plotline ng story (spoiler alert). Thanks for reading! -taebwi3827
BINABASA MO ANG
My Bestfriend
Fiksi RemajaTHIS STORY IS STILL UNDER REVISION. PLEASE COME BACK LATER. ~•~ Date Started: April 7, 2018 Date Ended: xxxxxxx