•••••
8:14PM
Cydrick: Kumain kami kwek kwek kanina.Czerina: Musta?
Cydrick: Okz naman.
Czerina: Ayain mo nang mag mall bukas after class.
Czerina: Friday naman eh.
Czerina: Hahahaha.
Cydrick: Bawal.
Czerina: Bakit?
Cydrick: Kayo kasama ko bukas eh.
Czerina: Edi sama mo rin.
Cydrick: Eh tayo lang dapat yon.
Czerina: Pede mo naman isama.
Cydrick: Wag na.
Cydrick: Basta bukas.
Czerina: Pede ba naka uniform sa mall?
Cydrick: Di yata.
Czerina: Pano tayo papapasukin?
Cydrick: Ewan. Pinag uusapan nila sa gc yon eh.
Czerina: Ok, tanong ko nalang.
Cydrick: Ok, tanong mo. Update mo ko.
Czerina: Lul, ikaw nagtanong.
Cydrick: Bili na.
Cydrick: Online naman si Ashley eh.
Czerina: Di naman si Ashley nagpaplano eh.
Cydrick: Sino ba?
Czerina: si Kurt at Chloe.
Cydrick: Feeling ko silang dalawa magkakatuluyan.
Czerina: Sml?
Cydrick: Totoo nga.
Cydrick: Kahit magkaaway sila, feeling ko sila parin sa dulo.
Czerina: Ako rin naman.
Czerina: Crush kaya ni Kurt si Chloe nung Grade 7 tayo.
Cydrick: Totoo?
Cydrick: Bakit parang di ko alam yan?
Czerina: Oo nga.
Cydrick: Weh?
Czerina: Nako Cydrick, wala ka talagang alam sa mundo.
Cydrick: Lul. Pano mo nalaman.
Czerina: Seatmate ko si Kurt 'non eh.
Cydrick: Tapos?
Czerina: Edi siyempre, daldalan kaming dalawa.
Cydrick: Sinabi niya sayo?
Czerina: Oo.
Cydrick: Totoo nga, siya mismo nagsabi sayo?
Czerina: Oo nga.
Cydrick: Pano? Binlackmail mo ba?
Czerina: Di gago.
Czerina: Di naman niya alam na magiging close kami ni Chloe eh.
Cydrick: Sabagay, maldita kayo pareho dati.
Czerina: Dati yon.
Cydrick: Ngayon parin.
Czerina: Di na kaya.
Cydrick: Oo kaya.
Czerina: Pano mo nasabi?
Cydrick: Nakikita ko.
Czeeina: Ulul. Si Chloe nalang maldita ngayon.
Cydrick: Saved screenshot.
Cydrick: Susumbong kita kay Chloe.
Czerina: Subukan mo.
Cydrick: Susubukan ko talaga.
Czerina: CYYYY
Cydrick: Nasend ko na.
Czerina: Psh
Czerina: Ok lang. Alam naman ni Chloe na lukaret siya.
Cydrick: Joke lang di ko pa nasend.
Czerina: Send mo na, nahiya ka pa.
Cydrick: Ok.
Cydrick: Sabi mo eh.
Czerina: Bahala ka diyan.
Cydrick: Crush ka nung Gian.
Czerina: Pano mo nasabi?
Cydrick: Basta.
Czerina: Sinabi niya ba sayo?
Cydrick: Di.
Czerina: Di naman pala eh.
Cydrick: Basta crush ka non.
Czerina: Di kaya.
Cydrick: Oo kaya.
Czerina: Si Leigh crush non eh.
Cydrick: Ikaw kaya.
Cydrick: Tanong mo pa.
Czerina: Gago, ano sasabihin ko?
Czerina: "Hi Gian! Crush mo ba ko?"
Cydrick: Pede😂
Czerina: Kapal naman ng mukha ko non.
Cydrick: Basta crush ka non.
Czerina: Bahala ka.
Cydrick: Alam ko. Crush ka talaga non.
Czerina: Alam ko. Hindi talaga ako crush non.
Cydrick: Crush ka nga non.
Czerina: Di nga.
Cydrick: Alam ko nga. Landiin mo na para magkajowa ka na.
Czerina: Ulul. Di ko kailangan ng jowa.
Cydrick: Weh?
Czerina: Oo nga.
Czerina: Tsaka ikaw din naman wala pang jowa ah.
Cydrick: Malapit na😉
Czerina: Che ka diyan.
Czerina: Basta wag mo lang ako kakalimutan pag may jowa ka na.
Cydrick: K.
Czerina: Is for potassium.
Cydrick: Lol.
Czerina: Bahala ka na nga.
Czerina: Bye.
Cydrick: Ok. Goodnight.
✔️Seen 9:28PM
Czerina: Move on na nga kasi, di ka nga gusto ng bestfriend mo. | deleted
•••••
BINABASA MO ANG
My Bestfriend
Fiksi RemajaTHIS STORY IS STILL UNDER REVISION. PLEASE COME BACK LATER. ~•~ Date Started: April 7, 2018 Date Ended: xxxxxxx