MAGS' POV
Tsk. Trabaho niya nga palang sundan ako.
"Anong ginagawa mo dito?" Cold ko pa ring sabi sakaniya. Habang siya straight face lang.
"Binabantayan ka" yan lang naman ang lagi niyang sinasabi saakin kapag tinatanong ko siya e, ano pa nga ba?
"Akala ko nagresign ka na? Di ka kasi nagpakita saakin kahapon at nung isang gabi" mataray kong sabi sakaniya.
"Tsk. Wala akong balak magresign noh, tara na umuwi na tayo" bigla niyang hinatak yung kamay ko.
"Nooo!" Pumiglas ako sa pagkakahawak niya saakin. Ugh! He's so annoying!
"Bakit ba?! Kasama ko yung mga kaibigan ko, manunuod pa kami ng movie oh" turo ko sakaniya, at umalis na ako, papasok na kasi sila sa movie house e.
Tahimik lang kaming nanunuod ng movie, naiinis nga sila jake kasi ang corny corny daw ng TFIOS. Nay naririnig pa nga kaming sumisinghot na sa iyak e. Hahahaha.
Matapos yung movie, ang pula pula ng mata ni clarisse, sobra daw siyang naapektuhan dun sa movie ako hindi naman, sakto lang, cause i think it's a reality.
Nung lumabas kami ng movie house, nadatnan ko na nakaupo dun sa waiting area si math, inantay niya ako. Lumapit ako sakaniya.
"Inantay mo ko?" Tanong ko sakaniya.
"Malamang kaya nga nandito pa ako e" sarap sapakin, pilosopohin daw ba ako. Ugh!
"Anong ngang ginagawa mo dito?" Pangungulit ko sakaniya.
"Tara uwi na tayo" nagpaalam na rin ako kila jake at sinabing mauuna na ako sakilang umuwi.
"Teka wala akong dalang kotse at wala akong driver ngayon" sabi ko sakaniya.
"Alam ko, kaya nga wala din akong dalang kotse ngayon e" ano?!
"Pano tayo uuwi niyan?!"
"Commute, kaya nga kanina pa kita gustung ayaing umalis sa mall, para matry mong maggala ng walang kotse" sabi niya saakin, nakakatouch naman pala siya e.
"Wow naman, ang sweet mo naman" nakangiti na akong sabi sakaniya.
"Tara na nga, dami mo pa kasing drama kanina e" inis niyang sabi saakin.
"Tsk, malay ko ba?" Sagot ko naman sakaniya.
"Tara na nga" hinatak na niya yung kamay ko.
Pumunta kami dun sa may sakayan ng bus, nagantay pa kami ng masasakyan, at nung meron na nakipagsiksikan siya, kami para lang makapasok sa loob ng bus, hawak hawak pa rin niya yung kamay ko, di pa rin niya binibitawan.
Wala ng upuan dun sa bus kaya nakatayo na lang kami, pero yung pwesto namin, hinaharangan niya kahat ng dumadaan saakin, parang kinocorner niya ako na nakahawak yung isang kamay niya sa hawakan at yung isa dun pa rin sa kamay ko.
Naaawa na ako sa pwesto niya kasi nasasagi na siya ng mga tao na dumadaan sa gitna at alam kong nahihirapan din siya sa pwesto niya.
"Ok ka lang ba?" Nagaalala kong tanong sakaniya, nakayuko kasi siya, medyo magkasing height din naman kami kaya parang nakatingin siya saakin.
"Oo, ayos lang, ikaw ba?" Alam ko namang hindi siay ayos dun sa pwesto niya e. Tumango na lang ako sakaniya.
"Bayad niyo" sabi nung kundoktor saamin, tsk! Nakatayo na nga kami magbabayad pa?! E ang alam ko nga sa jeep kapag nakasabiy wala ng bayad e!
Nagbayad naman si math at buti na lang at may umalis na dalawang lalaki dun sa tapat naming upuan kaya nakaupo na rin kami, ako dun sa bintana at siya naman dun sa isle.
"Ok ka lang?" Tanong niya saakin, tumango na lang ako, di ba dapat ako ang nagtatanong sakaniya ng ganon, at dahil sakaniya naexperience kong magbus! Yey!!
Nakita kong hindi pa rin pala niya binibitawan yung kamay ko, hindi ko na lang pinansin, mas ok na yung ganito para hindi ako matakot, feeling ko kasi ako lang ang mag isa e.
Nakarating na kami sa subdivision namin at naglakad na lang kami, napakasaya naman nitong araw na to!! Yey! It's so amazing!!
--------------
End of ❤️ 21 - bus trip
BINABASA MO ANG
i'm a brat
Teen FictionYeah, i'm a bitch, brat, rich, beautiful, sexy, talented, smart. Lahat yan meron ako. Masaya ako. Minsan nakikipag-fling lang ako sa different boys. You may say that i'm also a play girl. Pero sayo seryoso ako, seryoso tong puso ko para sayo.