MAGS' POV
Isinuot ko na yung beats ko at shinuffle ko yung Itouch ko, tangina naman, bakit thousand years pa? Bakit ba ito pa? sinasayaw namin to ni luke dati. kahit gustuhin ko man siyang kalimutan hindi ko na yata magagawa. siya na e, siya na si 'the one' pero bakit hindi sangayon ang tadhana saamin?
"Ma'am do you want anything?" napatingin ako dun sa stewardess na kasama ko dito sa loob ng private jet namin, umiling na lang ako sakaniya.
Mabibigay niya ba yung gusto ko? si luke? mabibigay niya ba? hindi niya mabibigay. kaya pwede wag na lang siyang magtanong. naiirita lang ako e.
Nasa loob ako ng isang private jet namin, paalis na ako ng pilipinas, mas pinili ko ang pangarap ko, pero pangarap ko din naman si luke, pero baka hindi lang talaga siya ang para saakin. Hindi ko naman kayang matanggap yun.
Napatingin ako dun sa nilagay niyang hot chocolate na merong smiley face na note dun sa mug, pinilit ko na lang na ngumiti, tumabi si kuya arthur saakin. kasama ang mga kuya ko sa pagpunta sa new york para lang ihatid ako.
"You'll get through this," pinat niya yung ulo ko at hinilig ko iyon sa balikat niya.
Bakit ba kasi kailangang mangyare itong mga to, pinagsisisihan ko na lahat ng ginawa ko, mahal ko si luke! pero sana makalimutan niya na din ako, ayokong nagdudusa siya sa sobrang laki ng galit niya saakin, mas gusto kong makahanap na siya ng iba bukod saakin.
Simula ngayon, ipinapangako ko sa sarili ko na hindi ko na siya iisipin, pipilitin kong mawala na siya dito sa puso ko, pipilitin ko kahit masakit, kahit mahirap.
"You should sleep" sabi sakin ni kuya arthur, nakita niya yung mga luha ko kaya pinunasan na niya agad ito, binigay niya sakin yung malaking unan, alam niyang hindi ako nakakatulog ng walang akap na unan.
Pagkarating na pagkarating ko sa new york, pinuntahan na agad namin yung apartment ko, one storey lang siya parang condominium ang style at pang akin lang talaga, nandun na din yung kotse ko.
"New life huh?" napalingon ako kay kuya lance, kahit hindi ko siya kasundo, mahal na mahal kk yang kuya ko.
"Yuh. new life" makakaya ko kaya? magagawa ko kayang makamove on? paano pag hindi? babalik ako sakaniya at paglalayuin ulit kami ng tadhana? nakakagago naman tong buhay na to.
I need to do this, ilalayo ko ang lahat ng bagay na may katungkulan sakaniya, na nagpapaalala sakaniya.
"Makakaya mo yan," sabi saakin ni kuya lance, medyo malungkot ang mukha nito "malakas ka kaya, kaya makakaya mo yan, ikaw pa ba?" he chuckled when he said it. kaya napangiti ako sakaniya.
"Si mags pa ba?" Nakangisi ako sakaniya "kayang kaya ko to, kakayanin ko to, kahit masakit, kahit mahirap, kakayanin ko to" pinilit kong ngumiti, sana makaya ko.
Alam ko namang nasaktan ko siya, masasaktan, pero pinagsisisihan ko talaga, mas doble yung sakit e, kasi siyempre ako yung nakasakit, sana pag dating ng araw, mapatawad niya ako, magkaayos kami, pero tangina, humihingi ako ng imposibleng mangyari.
Pero di ba sabi nila 'it takes time to forgive?' i'm still hoping na mapapatawad niya ako. yan ang kukunan ko ng lakas.
Hindi ko na rin kayang maniwala sa 'everything happens for a reason' gaguhan kasi e, ako yung gumawa, kaya nangyare ito, kaya hindi niyo masisisi yang qoute na yan!
Kakayanin ko to. i swear to all gods na kakayanin ko to.
----------------
The end! yehey! look out for book 2! for questions just message me in my message board or comment here! keep on voting!
Iaannounce ko na lang kung kelan ko ipipublish yung book 2. please support, and thank you for supporting.
And i'm sorry kung hindi ko natutupad yung promises ko. hehehe! pero eto talaga! mas maganda na ang book 2, at mas mahaba pa siya.

BINABASA MO ANG
i'm a brat
Teen FictionYeah, i'm a bitch, brat, rich, beautiful, sexy, talented, smart. Lahat yan meron ako. Masaya ako. Minsan nakikipag-fling lang ako sa different boys. You may say that i'm also a play girl. Pero sayo seryoso ako, seryoso tong puso ko para sayo.