❤️ 30 - never

225 14 2
                                    

Please vote and comment!!

--------------------------

MAGS' POV

Dinumog ako ng mga students at kung sino sino pang outsiders na nandito sa school, pero agad naman iyong pinaalis at inayos na agad yun ng mga taga student council ng school namin.

Nagkatinginan kami sandali ni andrea, nginitian ko siya pero parang di niya ako nakita, pero alam kong nakita niya ako.

Anong problema nun? Kailangan yata iniiwasan ako pati siya?

Nakita ko na din ang barkada pero di man lang nila ako tinitignan, kahit na si jake na best friend ko daw. Tinuring ko naman siyang best friend e. Ok naman siya, masaya siyang kasama, lagi niya akong napapatawa. Mabait pa siya saakin. Binibigyan niya nga ako ng mga libreng lunch minsan e.

Kakausapin ko na nga lang sila mamaya.

Dumiretso na ako sa classroom ko. Halos lahat nakatingin saakin, dahil siguro yun dun sa press conference, nationwide kasi ang pagpapalabas nung press con na yun.

Umupo na agad ako sa pwesto ko at umirap na lang sa kawalan dahil sa

chismisan nila.

Hay naku....

Wala naman silang nagagawang tama, kundi magchismisan.

Dumating na rin si sir francisco sa room at nagsitahimikan na rin silang lahat, kanina pa rin andito ang social six, nagkatinginan lang naman kami ni luke at nagngitian.

"Malapit na ang school festival, may naisip na ba kayong booth para saatin?" anunsyo ni sir saamin, nagsiingayan ulet sila.

"Guys, tahimik muna tayo, kailangan kasi natin tong pagusapan" mahinahong sabi ni enzo.

"Ako meron, why don't we have a movie theater?" Nakatayong sabi ni erycka at umupo din sa upuan niya. Maraming sumangayon, marami ding hindi.

"Any suggestions?" nakataas ang dalawang kilay ni sir.

"Ako!" Sigaw ko at nakatingin halos lahat ng klase saakin na nakakunot ang noo "we can have movie theater," ngumisi ng malaki si erycka sa sinabi ko "but we can also have a radio station" at ako naman ang ngumisi sakaniya.

"Good suggestion ms. steele" sabi saakin ni sir at umupo na ulet ako sa upuan ko.

Marami pang nagsuggest, yung mga common yung mga sinuggest nila. Nagvoting na rin para dun sa mga suggestion at ang napili....

"So, we'll be having radio station and movie theater" tumingin saakin si sir at kay erycka. Ngumisi na lang ako sakaniya.

"At dahil diyan, si erycka ang incharge sa movie theater na gagawin natin at si margareth naman sa radio station" pagkatapos nun, nagbunutan na sila kung saang grupo sila.

Nasa grupo ko si andrea, jake, luke, kenji, zeke, meg, diane, hope, andie, jeanine, robbie, abigail, rex, andrew. 15 kami sa grupo ko at 15 din sa kabila. Masaya, dahil yung iba sakanila, di ko masyadong close.

"You can leave this room, para magkaroon kayo ng sari sarili niyong meeting" sabi ni sir saamin.

"Come on, dun tayo sa auditorium" nakangising sabi ni erycka sa mga kagrupo niya.

"Dun tayo sa conference room" tumayo na ako sa upuan ko at nagsimula ng maglakad, sumusunod lang sila saakin.

Sabi ni sir, bumalik na lang daw kami kung anong oras namin gusto. Ganun pa rin ang pakikitungo nila saakin. Hindi nila ako pinapansin.

i'm a bratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon