MAGS' POV
Ilang weeks na akong hindi kinakausap ni jake at iniiwasan. Pero laging nandiya si luke para saakin, pinapasaya niya ako parati and i think i'm falling for him, pero i need time pa, kailangan ko tong pagisipan ng mabuti.
At eto namang si math, di ko siya pwedeng problemahin. madami na akong pinoproblema, wag na sana siyang dumagdag pa, wag niyang sirain ang plano ko.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" kanina ko pa kinukulit si luke, magkasama kami ngayon, at nakasakay ako sa kotse niya. sinulyapan niya lang ako at ngumiti ng nakakaloko.
"Basta, baka kasi mag back out ka e" nasa isang village na yung tinatahak naming daan. wait? dito ba siya nakatira? oh my gosh!
"Tsk. bahala ka na nga" sinimangutan ko na lang siya. at tumingin sa may bintana. umiling lang siya pero nakangiti. i find him so cute!
Natatawa na ako sa isip ko e! ano ba yan? Hindi naman ako ganito dati e.
"Where here." sabi niya, himinto kami sa isang malaking modern house dito sa loob ng village. Malamang alanga namang sa labas ng village, pero pwede rin.
Ugh! Nakakainis! kinakausap ko ang sarili ko!
Pinasok niya yung kotse sa loob merong mini fountain dun sa tapat ng main gate, yung gate nila yung isa glass at yung isa black yung color. pumasok kami sa loob at sobrang modern ng interior nila, puro glass, nakakatakot baka makabasag pa ako dito.
Nauna siya sa paglalakad at sumusunod lang ako sakaniya, hinatak ko yung laylayan ng t shirt niya. napalingon siya saakin.
"Anong ginagawa natin sa bahay mo?" tanong ko sakaniya, sobrang clueless kasi ako ngayon e.
"Ipapakilala kita sa parents ko" nalaglag yung panga ko, teka aabutin ko lang yung panga ko para isarado.
Ipapakilala niya ako, galit ang parents ko sakanila, di ko alam kung galit ba sila sa parents ko din or what?
"Are you serious?!" Gulat na gulat kong tanong sakaniya, tinawanan niya lang ako.
"Oo naman," nilapitan niya ako at hinawakan yung kamay ko "mahal na mahal kita kaya ipapakilala kita sa parents, okay? ipagsisigawan kita sa buong mundo" tapos inakbayan niya ako.
Mas malakas na yung loob kong kasama siya, ayoko ng gamitin siya, ititigil ko na yung paggamit sakaniya, deserve niyang maging masaya, ayoko siyang saktan, siguro ikamamatay ko, kung sasaktn ko siya. magiging doble yung sakit saakin.
Nakarating na kami sa dining area nila at nandun na ang parents niya, nakatalikod yung daddy niya, clean cut ang buhok at parang papaalis or kagagaling lang sa office. Nandun din yung mommy niya, meron itong short curly na brown hair, ang elegante niyang tignan kahit hindi siya nakaformal attire, meron ding lalaking bata na andun, kapatid siguro ni luke, mas kamukha niya yung mommy nila.
"Mom, dad" sabi ni luke sabay mano sa parents niya, di ko alam na sobrang galang pala ni luke sa parents niya, it's a turn on for girls.
"Oh, luke you're here, come and join us" alok ng mommy niya napatingin yung mommy niya saakin at tinignan si luke.
"Mom, dad, this is margareth aphrodite guinevere steele, my future wife, but now my one and only girlfriend" abutin ko ulit yung panga ko nasa ilalim na kasi ng lupa e. nagulat yung mommy and daddy niya sa sinabi ni luke, parang against, kaya kinabahan ako ng todo.
Sabihin ba naman kasing future wife ang anak ng kalaban ng family nila. at yun ang family ko, ang pagkakaalam ko lang matagal na yung awayan nila, simula pa sa mga lolo namin daw. how ancient naman!
Pero ngumiti yung mommy niya saakin at tumayo ganun din ang daddy niya, oh my god! tanggap nila ako?! for real!? i really love you luke!! wait? what? ano yung sinabi ko? love ko si luke? oo naman!!
Hindi ko na talaga itutuloy yung panggagamit sakaniya.
"Beatrice tan," naglahad ng kamay yung mommy niya at tinaggap ko "tobias tan" ganun din ang daddy niya at tinanggap ko rin.
"This is my brother james tan" turo ni luke dun sa kapatid niya at ngumiti saakin, nginitian ko, ang cute naman ni james!
Nagpalagay ng dalawang extra settings of plates si mrs. tan sa katulong nila at pinaupo na niya kami.
Habang kumakain nagwarning na si mrs. tan na 'no talking about businesses' and we agreed to it, hindi rin naman kasi ako business person e, kaya i don't like talking about businesses.
"Alam mo bang ikaw ang kauna unahang pinakilalang babae ni luke saamin? akala ko nga di na siya maggigirlfriend e." sabi ng mommy niya kaya napatingin ako kay luke, magkatabi lang kasi kami, napapailing na lang siya. at natutuwa ako sakaniya.
Ngayon ko lang din na laman na spbrang family oriented pala siya. tha's nice, kasi ako hindi masyadong family oriented. grade 3 palang si james, ang pinakamadaldal pala sakanila yung mommy nila, magaling daw kumanta ang mommy nila, napasama siya dati sa broadway, kabatch niya sila lea salonga.
Natupad daw yung pangarap niya, gusto ko ganun din. pero paano? ang plano ko kasi gagalitin ko si dad para matupad yung gusto ko at gusto niya, ganon naman talaga siya e. kailangan may kapalit.
Natapos ang lunch namin ng masaya, wala silang pakialam sa kung anong meron sa pagitan ng family namin, basta masaya daw si luke, ok na sakanila yun. sana ganito din kila mom and dad. pero alam kong hindi yun mangyayare.
Nasa living room lang kami, pinapakita saakin ni tita bea yung pictures ni luke nung baby, ang cute niya sobrang chubby, kanina ayaw ni luke, nahihiya pa kasi siya e.
"Mom, tama na, nakakahiya, baka ayawan na niya ako" malungkot na sabi ni luke, para siyang bata. hahaha! nakakatuwa.
"Hindi kaya kita aayawan, mahal na mahal nga kita e, tsaka ang cute mo kaya dito oh!" tapos sabay kiss sa cheeks niya, hindi na ako nahihiya sa mommy niya, natutuwa nga siyang sweet kami e.
"Promise yan ah" sabi niya sakin, at tumango ako sakaniya ng nakangiti kaya inakbayan niya ako.
*ting*
Biglang tumunog yung phone ko, sinilip ko at nakita kong nagtext si math saakin.
Teka lang, luluwa na yata yung mata ko e.
Math:
You're parents are here in the philippines.
Bumalik na sila? kailangan ko na silang harapin kung ganon. pero kung pumayag sila sa gusto ko, gusto kong magpaalam muna sakaniya ng maayos. dahil alam kong masasaktan ko siya ng lubos.
"Luke, i need to go" sabi ko sakaniya, hindi naman lumungkot yung itsura niya. natatakot ako sa mangyayare, ako ang may gawa nito kaya kailangan kong tatagan ang sarili ko, kailangan kong maging malakas.
"Bakit? nevermind, sige hatid na kita" tapos nagpaalam na kami sa mommy niya wala na kasi si tito tobias nasa meeting na daw.
Hinatid na niya ako sa bahay, ang bilis ng oras kasi nakarating na agad kami sa tapat ng bahay.
"You look pale, are you okay?" nagaalala niyang tanong saakin.
"Oo naman, luke, mahal na mahal kita, kahit anong mangyare, basta mahal na mahal kita, sana mahalin mo rin ako sa kung ano man yun, hindi ko yata kakayaning hindi mo ko mahalin. lagi kang nandiyan para saakin, hindi mo ako sinusukuan, sorry na din sa mga nagawa ko sayo, i love you so much" sabay halik sa mga labi niya, mamimiss ko tong halik niya, kinabisado ko na kanina yung mukha niya, his eyes, nose, jaws, lips, everything about him. at dirediretso na akong lumabas ng kotse niya, ayokong makita niya akong naiiyak, pinahiran ko na agad yung luha ko, bago pumasok sa bahay, kailangan ko na silang harapin. it's my decision. it's now or never.
BINABASA MO ANG
i'm a brat
Teen FictionYeah, i'm a bitch, brat, rich, beautiful, sexy, talented, smart. Lahat yan meron ako. Masaya ako. Minsan nakikipag-fling lang ako sa different boys. You may say that i'm also a play girl. Pero sayo seryoso ako, seryoso tong puso ko para sayo.