❤️ 8 - surprise visit

531 16 0
                                    

A/N: hi guys! magiging demanding si author ngayon ah! pag nagka10 votes and comments per chap, tsaka lang ako magU-UD, pero pagnagUD ako two chaps, medyo busy na kasi ako meron akong review for CEE (college entrance exam)

Remember to add, vote and comment!

-------------

ANDREA'S POV

Grabe! Ang galing talaga ni mags kumanta! kaya siya yung napili namin sa play e! hihihi! tskaka bagay sila ni luke! sobrang bagay!! hahahaha!! kinikilig akooo!~

Naguusapusap na yung production team, tsaka sila cla, aidam, ivan, robbie and kathy. si cla kasi yung gumawa ng script namin, si aidam naman sa clothing namin, si ivan sa choreography, while si robbie naman sa photography and kathy siya yung composer namin. while kami naman nila kelly and tsaka ng club adviser namin ang directors.

"Andrea! sa saturday tayo gagawa ng trailer and photoshoots, pero saan natin yun gagawin, maghanap ka na ha, at pakixerox na yung scripts, para mabigay na natin bukas" utos sakin ni kelly, makautos naman to wagas! inis naman!!

"Sige, teka. tatawagan ko lang siya kung pwede siya sa saturday" sabi ko kay kelly at tumango na lang siya saakin habang busy nakikinig sa meeting ng mga productions.

Kinuha ko na yung phone ko at dinaial ko na yung number niya, sumagot ka please!! yun! sinagot niya sa pangatlong ring.

["Bakit ka tumawag?"] mataray na sagot niya, kahit kelan lang talaga ang sunget.

"Free ka ba sa saturday?" malambing kong tanong sakaniya.

["Oo, sa bahay lang ako"] yun! hahahaha!! masusurprise siya neto! hahahaha!!

"Uhmmm. osige" kunyare wala akong pinaplano hahaha!! actress din ako noh! wag niyo akong

["K. bye" ]at binaba na niya yung phone niya, ang ganda ganda ng iphone niya tas tinatago niya lang! tsk! mayaman kasi e!

"Kelly sakanila tayo gumawa ng trailer tsaka ng photoshoots" at tumango na lang ulet siya, grabe! ouro tango na lang yata yung ginagawa niya e.

Si erycka nakatingin saakin ng masama, siguro dahil gusto niya yung role ni mags, masyado kasi siyang insecure e, bagay sakaniya yung donya victorina. hehehehe!!

"Andrea, pinapatawag ka daw ni miss silvia, meeting daw sa student council room, ngayon na daw" sabi ni yuko, peace officer namin.

"Sige. pupunta na ako" sabi ko sakaniya habang nakangiti, lagi akong nakangiti sa mga kinakausap ko.

Nagpaalam muna ako kila kelly at umalis na, nung pumunta ako sa meeting namin tungkol lang pala sa preparations para sa school festival, nasubmit na din kasi ng mga class presidents yung mga proposal nila para sa booths nila. kailangan ko pang pirmahan ang lahat ng to. ugh! papanget na akooo! noooo!

After long long hours.... matapos kong magstretching, inayos ko yung mga gamit sa student council room.

"Drea." bigla akong nagulat sa tumawag saakin, lecheng pagmumukha yan. tsk!

"Oy! drea!!" sigawan daw ba ako, bahala siya diyan!

Nararamdaman kong lumapit siya saakin, hinawakan niya yung balikat ko at hinarap niya ako sakaniya, nakatingin lang ako ng diretso sakaniya.

"Drea naman, pansinin mo naman ako, gara naman oh" nagpacute pa siya saakin, kahit kelan talaga para kang bata!

"Bakit ba? ano bang kailangan mo sakin luke?" pagtataray ko sakaniya at inalis ko yung pagkakahawak niya sa balikat ko.

i'm a bratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon