Chapter Three

18 5 0
                                    

Dalawang Buwan na ang nakalipas simula ng magkakilala si Archie at Akiro.Sadyang naging close na sila at maigi naman yun sa mga magulang nila.Pero ngayon ay nagbago ang atmospera nilang mag kaibigan.Pareho silang malungkot.

Mamayang hapon na kasi ang flight ng pamilya nina Akiro papuntang Japan.Biglaan yun at nagulat din naman sila.Ngayon ay tinutulungan ni Archie si Akiro na mag lagay ng mga gamit nito sa maleta.

"Hanggang kailan kayo dun?",malungkot na tanong ni Archie.

"Di ko din alam kay Mommy At Daddy.Biglaan na lang kasing tumawag si lolo.Kailangan niya daw si Dad at Mom.Siguro for business nila.Di ko nga alam kung hanggang kailan kami dun eh...",malungkot na sagot ni Akiro at nagbuntong hininga.

Iniabot ni Archie ang nakatiklop na damit kay Akiro at inilagay naman nito iyon sa maleta.

"Ano ba yan.Ang aga ko namang mawalan ng bestfriend.",sabi ni Archie at tumawa pa ito ng mapakla.

"Nu kaba.Bestfriends pa rin tayo kahit ang layo ko sayo...",sabi naman ni Akiro at nginitian ang kaibigan para di na ito malungkot.

Ngumiti na rin si Archie dahil sa sinabi ni Akiro.

"Basta ha.Kung sakali mang di na tayo magkita ulit.Saka kung dun man kayo tumira wag mokong kalilimutan ha?Tropa tayo!",sabi ni Archie.

"Oo na.Nagiging babae ka na eh hahaha",sabi naman ni Akiro.

"Oy di ah",sabi ni Archie.

"Bestfriends?",sabi ni Akiro sabay lahad ng kamay na naka form fist.

Tiningnan ito ni Archie at nag form fist din sabay dikit sa naka fist na kamay ni Akiro.

"Bestfriends.",sabi rin ni Archie.

Pinagpatuloy na nila ang pag aayos ng gamit ni Akiro.Pagkatapos ay bumaba na sila sa salas.Nadatnan nilang magkaibigan sina Mr. and Mrs. Han na nag iintay.Tulong si Archie at Akiro sa pag hihila ng maleta dahil sa bigat nito.

"Let's go?",tanong ng mommy ni Akiro sa kanyang anak.

Tumango na lang ito at ngumiti.Mag katulong nila ni Archie hinila ang bagahe papuntang kotse sa tapat ng pintuan ng mansiyon.Inilagay ito ng driver sa likod ng kotse.Pumasok na ang mag asawang Han sa loob.

Napa buntong hininga si Akiro bago lumapit sa kaibigan.

"Paano ba yan.Aalis na kami Archie...Huwag kang mag alala.Pag nagkita tayo ulit.Mag bestfriend pa rin naman tayo.",sabi ni Akiro kay Archie.

Tila nawala naman ang bakas ng kalungkutan sa mukha ni Archie at niyakap ang kaibigan.

"Walang iwanan ha Akiro.",sabi ni Archie.

"Oo wala.Bro's tayo eh.",sabi ni Akiro at ngumiti.

Ngumiti na lang din si Archie at bumitaw na mula sa pagkakayakap.

Pumasok na si Akiro sa loob ng kotse.Umandar na ito paalis.At yun na ang naging huli pagkikita ni Archie at Akiro.


Nang makarating sa Japan sina Akiro ay never na silang nakabalik pa muli ng Pilipinas.Simula nun,dun na rin lumaki at nagbinata si Akiro.Duon na din siya nakapag tapos ng Elementary at High School.Sa ngayon ay abala siya sa pag aasikaso ng papeles para maka uwi ng Pilipinas.Duon niya kasi balak mag college at senior high.Pinaliwanag niya sa parents niyang gusto niya din namang maka experience mag aral sa Pilipinas at punayag naman ang mga ito.

Samantala,si Archie naman ay nakatapos na din ng Elementary at Highschool.Still,he's behavior doesn't change at all.He's still a bully and a jerk.Pero di na ganuon kalala gaya nung kabataan niya.Nag hahanda na rin siya sa pagiging college/shs student.Sa ngayon ay pinag aaralan na niya ang pamamahala ng company nilang mga Klinston.Dahil siya na nag susunod na CEO.

Year 2018

Kasalukuyang,Nag gagayak na ng bagahe si Akiro.Ngayon na ang flight niya pabalik ng Pilipinas.Sa isip isp niya ay ilang years din siyang nawala.Biglang sumagi sa kanyang isipan ang bestfriend niya.Si Archie.Kumusta na kaya ito ngayon?

He continued packing his things ng pumasok ang mama niya sa kwarto.Nagulat siya dahil doon.Kumuha ang mama niya sa mga nakatuping damit at inilagay yun sa maleta niya.Naupo ito sa kama pagkatapos niyon.

"Take care there ha Akiro.But im not so worried naman,kase you're a big and responsible boy now...",sabi ng kanyang butihing ina at ngumiti.

Isinara ni Akiro ang maleta at naupo sa tabi ng kanyang ina.Hinawakan ni Akiro ang kamay ng mama niya,na nakapatong sa lap nito.

"Thanks for everything mom,and to dad too.I'll appreciate everything you did.",sincere na sabi ni Akiro sa kanyang ina.

"Thank you din anak.Pasensiya ka na at wala ang Daddy mo dito ha.But he said bago siya umalis,you'll take care.",sabi ng mommy ni Akiro sa kanya.

"Okay mom.I'll see you soon again...Bye",sabi ni Akiro at niyakap ang ina.

Hila hila ang maleta ay lumabas na si Akiro mula sa kwarto.Lumabas na siya ng bahay at sumakay sa kotse na mag hahatid sa kanya sa Yokota Air Base.Isa sa mga malalaking Airport sa Tokyo Japan.

Pagdating dun ay nag antay siya ng announcement ng flight.Pag kadako ay sumakay na rin sa eroplanong pauwi ng Pilipinas.

Samantala,

Kasalukuyang nag cecellphone si Archie sa kanyang kwarto.Nang may dumating na mga katok.Binaba ni Archie ang cellphone sa lap niya at tinanong ang maid.

"Anong kailangan mo?",tanong niya sa kumakatok.

"Sir Archie,maid niyo po ito,may nag hahanap po sa inyo sa baba...",sabi ng kumakatok.Maid pala nila iyon.

"Sino yun?",tanong niya.

"Ayaw niya pong sabihin ang pangalan niya.",sagot ng maid.

"O sige ako na bahala.Ba-baba na ako.",sabi ni Archie.

Hindi na sumagot ang maid dahil alam na nitong susunod na din siya.

Nagbihis siya ng kaki shorts at nag suot ng navy blue t shirt.Naka topless lang kasi siya at naka boxers.Wala namang respeto kung kikitain niya ang bisita ng naka ganun lang.Nakakabastos iyon.

Hindi din nagpapa-pasok ng kahit sino si Archie sa kanyang kwarto.Parents lang at matatalik na kaibigan lang ang pwedeng pumasok.Kung maids naman saka guards ay hanggang pinto lang ang mga ito at kakatok lang.Siya ang naglilinis ng kanyang kwarto.

Naka ayos na si Archie at binuksan na niya ang pinto.Bumaba siya ng hagdan at laking gulat niya ng makita kung sino ang kanyang bisita.

"Hi...Archie.",bati nito at ngumiti.

This Chapter is dedicated to JCFBeast .Tenkyu.❤️

No Distance Romance||BoysLove||Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon