Chapter Eight

48 5 2
                                    

Nagulat si Akiro sa sinagot ng batang kasa kasama niya.

"Kung ganon,sinong nagpalaki sayo?Imposibleng wala kang natutuluyan na bahay at pamilya.",sabi naman ni Akiro.

"Meron naman po.Yun nga lang po,masama po siya sakin.Binubugbog po ako ni Papa.Kaya po umalis ako.",sabi ng bata.

Hindi niya alam kung bakit pero parang ayaw na niyang pabalikin pa ang bata sa pinanggalingan nito.Masyado pa itong bata para makaranas ng karahasan.Ngayon niya lang napansin ang mga pasa nito,hindi niya iyon napansin kaganina.

Lumuhod siya at isang tuhod lang ang naka lapat sa lupa.(Parang yung itsura ng nag po propose ng kasal ganun).

"Gusto mo ba sumama ka na lang sakin?Maaalagaan kita ng maayos dun.Mahirap na pag bumalik ka pa sa papa mo.Hayaan nating mamiss ka niya at mag sisi siya sa ginawa niya sayo.",paliwanag ni Akiro.

Yumuko ito pagkatapos ay tumango.Ngumiti din ito.Natuwa naman si Akiro at binuhat na niya ang batang babae.

"Ano nga palang pangalan mo?Pasensiya na ngayon ko lang natanong.Nalimutan ni Kuya eh,hehe.",sabi ni Akiro.

"Sheena po,Kuya...Kuya?",sabi ng bata at naalala niyang di nga pala niya alam ang pangalan ni Akiro.

"Akiro.Call me kuya Akiro.From now on.",sabi naman ni Akiro.

Tumango na lang ito.Sumakay sila sa kotse.Magtatanong pa sana ang driver niya ng kinindatan niya ito.Kuha na kaagad nito iyon.

Samantala

Nasa may garden si Archie at nagdidilig ng mga halaman.Wala silang hardinero dahil gusto ni Archie na siya ang nag aalaga sa mga halaman nila.Lahat ng pangangalaga sa mga halaman.Gusto niya sa kanya.Saka lang sila nagkakaroon ng hardinero pag may pasok na sa school si Archie.

Nang makatapos ay inimis na niya ang mga ginamit niya.Nagtungo siya sa kanyang kwarto.Kinuha niya ang kanyang cellphone,sakto namang nag ring ito.Tiningnan niya kung sino ang tumatawag.Nag respond naman siya at inilapit na sa tenga ang phone.

"Hello?Sino to?",tanong niya.

"Archie...I miss you.Buti sinagot mo yung tawag...",kalma ang boses nito habang nag sasalita.

Uminit na naman ang dugo ni Archie.Si leila kasi ang nasa kabilang linya.Pilit niyang pinakalma ang sarili.

"If you don't need anything,don't talk to me at all.I'm too busy to spend my time in talking to the girl who broke my heart,years ago...",sabi ni Archie.

"So hindi ka pa ba nakakamove on sa nangyari Archie?Ibig sabihin ba nun mahal mo pa ako?Come on,pwede pa palang-",naputol ang sasabihin ni Leila ng barahin siya ni Archie.

"Shut up,Leila.I already moved on.It's just that naiinis lang ako,nagagalit sayo,dahil pinagpipilitan mo pa ang hindi dapat.I'll end this call.Wala na tayong pag uusapan pa.Bye.",sabi ni Archie at inend na ang tawag.

Ayaw na niyang mag aksaya pa ng oras.Hindi na niya dapat pang balikan si Leila.Masyado siyang nasaktan sa nangyari dati,ayaw na niyang maulit pa iyon.

Samantala

Nakasakay pa rin sa kotse sina Akiro at ang batang si Sheena.Kaganina ay tumigil sila sa isang Mall.Ibinili niya ng mga damit pangbahay at pang alis ang bata.Bumili din sila ng mga pagkain at iba pang mga gamit pang batang babae.
Kagaya ng sarili nitong toothbrush,sariling sabon at iba pa.

Habang nasa kotse ay kinuha ni Akiro ang phone niya.Check his gallery.He remembered na sayang wala pala silang picture ni Archie together.Nung nagbonding sila nung nakaraan.Nakalimutan na nilang dalawa dahil na rin sa,masyado nilang na enjoy ang bonding nila.Ibinalik niya ang phone sa bulsa,at biglang nagtanong si Sheena.

"Kuya,malayo pa po ba tayo?",tanong ng bata.

Ngitian ito ni Akiro at ginulo ang buhok nito gamit ang kaliwang kamay niya.

"Malapit na.",sabi niya sa bata.

Ngumiti na lang ito.Di kalayuan ay natatanaw na nila ang mansiyon.Agad namang lumapit ang si Sheena sa bintana at napakalawak ng ngiti nito sabang papalapit na sila sa mansiyon ng mga Han.

"Wow...Kuya Akiro bahay niyo po ba talaga iyon?",manghang tanong ni Sheena.

Napatawa ng mahina si Akiro sa reaksiyon ni Sheena.

"Yup.That's my house.Or should I say,bahay ng angkan namin...",sagot naman niya kay Sheena.

Di na ito sumagot.Pagkatapos ay nakarating na sila sa mismong mansiyon.Ipinasok ang kotse at itinigil sa tapat ng pintuan.Naunang bumaba ang driver,sunod si Akiro.Inalalayan naman ni Akiro si Sheena pagbaba ng kotse.Kinuha ng mga maid ang mga gamit sa compartment.

"Pakidala niyo ang mga yan sa Guest Room,sa Second Floor katabi ng kwarto ko.Tapos linisan niyo din ang mga kwartong yun.",utos ni Akiro sa mga maid.

Tumango na lang ang mga ito.

"Tara Sheena,dun muna tayo sa kwarto ni Kuya Akiro.Inaayos pa nila ang kwarto mo eh.",aya niya sa bata.

Ngumiti ito at tumango.Naunang maglakad si Akiro papunta sa may hagdan.Sinusundan lang siya ni Sheena.Hanggang sa makarating na sila sa kwarto.

"Wow!!! Ang ganda dito kuya!!!",masayang sigaw ni Sheena.

Nagtatakbo si Sheena paikot ikot sa buong kwarto.Sobrang saya nito.Kung saan saan ito nakaka abot.

Napailing na lang si Akiro dahil sa sigla ni Sheena.Natutuwa rin siya dito.

"Siguro,unang beses pa lang niya makapunta sa ganito...",sa isip isip ni Akiro.

"Kuya!Halika po dito...Tingnan mo po oh!",aya ni Sheena sa kanya.

Isinara niya muna ang pinto bago lumapit sa bata,na nakatunghay sa may balcony ng kwarto.

"Ayun kuya oh!Tingnan mo yung view!Ang daming ilaw!",napatingin naman si Akiro sa itinuturo nito.

Maging siya ay napamangha.Ngayong gabi lang niya nakita iyon.Nitong mga nakaraang araw na dating niya dito sa pilipinas,naging busy na siya sa school at iba pang inaasikaso niya.Kung kaya't di na niya napansin ang magandang view.

Ginulo niya ang buhok ng bata.

"Halika na.Magbihis ka na at matulog ka na.",naglakad na si Akiro paalis ng balcony.Sumunod naman sa kanya si Sheena at lumabas na sila ng kwarto.

Nagtungo sila sa Guest Room katabi lang ng kwarto ni Akiro.Pagkapasok ay naabutan nila ang mga maid na nililinis ng mabuti ang kwarto.Tinawag ni Akiro ang isa sa mga maid at inutusan itong bihisan at paliguan si Sheena,pati ay,andudun na din sa guest room ang mga damit nito.Pagkatapos ay ihatid ito sa may dining room para makapag hapunan.Tumango naman ang maid at inaya na ang bata.

❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

This chapter is dedicated to:

lolCHIPS  Hi syden!

pencoloredman  Hi kiya!Ang ganda ng story mo na Desire.No worries babasahin ko po iyon pag may time na akech.

zedrighthere  Hi Zed.Whoo.Famous author ka na.Grabe yung reads ng Hell Destination.Sana mas madami ka pang magawang stories!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

No Distance Romance||BoysLove||Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon