Chapter Six

33 5 0
                                    

Kasalukuyang naglalakad sa Klinston Garden si Akiro at Archie.Nakapamulsa si Archie samantalang asa likudan naman ang mga kamay ni Akiro.

"Ang tagal nating di nagkita Archie.Magkwento ka naman.",sabi ni Akiro sa kaibigan.

"Sus!Ikaw nga tong dapat mag kwento eh.Ikaw kaya tong galing sa ibang bansa...",sabi ni Archie.

"Sira.Ikaw muna bro.Mamaya ako pagkatapos.",sabi ni Akiro at ngumisi.

Napatawa si Archie sa isip isip niya.

'Kala ata netong gunggong na to maiisahan niya ako.'sa isip isip ni Archie.

"Sige bro.Ako ang unang mag ku kwento",sabi ni Archie.

Napangiti si Akiro.

"But in one condition.",dugsong ni Archie kaya napabusangot bigla ang kanyang bestfriend.

"Ano ba naman yan.Mag ku kwento ka na nga lang may condition pa!",sabi ni Akiro at frustrate na napakamot sa ulo.

"Hahahaha.Madali lang naman ang condition eh.",sabi ni Archie at nagtaas baba ang mga kilay nito.

Napahalukipkip si Akiro at pinagsalubong ang mga kilay.

"Sige na nga.Ano ba yang kondisyon mo?",tanong ni Akiro.

Ngumisi naman si Archie.

"Talunin moko sa basketball.",sabi ni Archie.







Nasa basketball court ngayon ang dalawa.May sariling basketball court sa sakop na lupain sina Archie.Kaya simula pagkabata ay magaling na itong magbasketball.

"Magpapalit tayo ng jersey outfit.Di tayo pwedeng maglaro ng naka ganito.",sabi ni Archie.

"Sige.",sagot ni Akiro at nagpunta sa bihisan.May bihisan ang court kung saan may ibat ibang kulay ng jerseys at may mga sapatos.

Pinahiram siya ni Archie ng Jersey outfit.Magkasama sila sa loob ng bihisan.Naghubad ng pang itaas si Archie at isinuot ang jersey sando.Ganun din si Akiro.

Habang nagbibihis ay di maiwasang mapatingin ni Archie kay Akiro.Sa katawan nito lalo na sa six pack abs netong kitang kita.

"Oy bro?Anong tinitingnan mo,sa katawan ko?Hahaha",tanong ni Akiro.

Napaiwas naman ng tingin si Archie at itinuon muli ang sarili sa pagbibihis.

"Wala bro!Hahaha tinitingnan ko lang kung sinong mas may abs satin.Mas may abs ako.",sabi ni Archie sa mayabang na tono.

"Ganun hahahaha.E di ikaw na.Tara na nga.Baka maudlot pa laro natin.",sabi ni Akiro at nauna ng lumabas ng bihisan.

Nagmadali si Archie sa pagbibihis.

"Oy antayin mo ako!",sabi ni Archie.






Hawak hawak ang bola ay naglakad palapit si Archie kay Akiro.Nakahawak naman si Akiro sa sariling beywang (Yung panlalaking look na paghawak sa sariling beywang).

Nang makalapit si Archie kay Akiro ay inihagis niya ang bola patungo sa mga kamay ni Akiro.Nasalo naman niya iyon at nag smirk.Nagsmirk din si Archie.

"If You'll get 9 points.You're the winner,at ako ang unang mag kukwento.If not?Hmp.Alam mo na kung anong dapat gawin.",sabi ni Archie.

"Okay bro.Game on.",sabi ni Akiro.

Sinimulan niya ng idribble ang bola habang papalapit sa ring.Hinaharang naman siya ni Archie.Para silang nagpapatintero.Umikot si Akiro sabay pagharap ay inihagis ang bola at shu moot ito sa ring.Agad lumabas sa Automatic Score Board ang 3 points para sa player one.Si Archie ang player two at si Akiro ang player one.

Napikon si Archie sa nangyari pero naalala niyang si Akiro nga pala ang kanyang kalaban.Napahalukipkip naman si Akiro at nginitian si Archie ng parang nang aasar.

Sumunod ang second round.Ngayon naman ay vice versa sila.Si Archie na ang may hawak ng bola at si Akiro na ang humaharang.Dini dribble ni Archie ang bola.Pilit na iniiiwas kay Akiro.

Nang magkaroon ng pagkakataon,ay agad na tumakbo papalapit sa ring si Archie habang nag di dribble siya.Ishinoot niya ang bola sa ring ngunit laking gulat niya ng makitang naharang ni Akiro iyon.

Ilang oras din silang naglaro at si Akiro ang nanalo sa game.Di makapaniwala si Archie sa kaibigan.
Kasalukuyan silang naka upo sa bench sa loob ng court.

"Tsk.Pano mo kaya nagawang manalo.Samantalang nung mga bata pa tayo.Mas magaling pa akong mag basketball sayo.",sabi ni Archie sabay lagok ng tubig.

Lumagok din ng tubig si Akiro bago sumagot.

"When I was in Japan.Ginamit ko na ang galing ko sa Basketball.Nagsimula akong sumali ng mga competitions dun.Kaya ka te training mas nahasa na ako.",sagot ni Akiro.

Napatango na lang si Archie.

"So the deal?Magkwento ka na.",sabi ni Akiro.

"Oo nga pala.I almost forgot bro.Hehe...So ano ba ang gusto mong ikwento ko?",tanong ni Archie.

"Hmmm.Ah!I know.Yung mga nangyari sayo at nagbago simula ng umalis ako.",sabi ni Akiro.

"Ah.Yun.Ayun nag tino na ako ng kunti haha.Tapos sa dalawang exclusive universities ako nag tapos ng Highschool and Elementary.Actually,I graduated as a Salutatorian thsi highschool.",kwento naman ni Archie.

"How about you?",tanong naman nito kay Akiro.

"Well,same with you,sa type of universities.Yun nga lang sa Japan iyon.Valedictorian graduate ako both Elementary and Highschool.",si Akiro.

"Hmm...So ano pa ang gusto mong ikuwento ko bro?",tanong ni Archie.

Nag isip sandali si Akiro.

"How about...Girlfriend bro?I mean GIRLFRIENDS.",sabi ni Akiro at tumawa.

"Hahaha loko loko ka rin bro eh.Pero para sabihin ko sayo.Isa lang ang naging girlfriend ko.",sabi ni Archie.

"Lang?Lang talaga ha?So you mean bro...Naghiwalay kayo?Or other term is Nag break?",pabirong sabi ni Akiro at mahinang sinuntok ang braso ng katabi.

Pero nakita ni Akiro na biglang nag iba ang awra ng mukha ni Archie.Parang bigla itong nawalan ng emosyon.

"Oy bro.",sabi niya sabay tapik sa balikat ni Archie",may problema ba?May nasabi ba akong mali?".

Nakita niyang tumingin sa kanya si Archie at pilit na ngumiti.Alam ni Akiro na pilit lang yun.

"Umm.Wag na lang siguro natin pag usapan yun bro.Nasasaktan lang ako pag na aalala ko ang lahat.Lahat ng ginawa niya sakin.",malungkot na tonong sabi ni Archie.

"Sorry talaga bro.Di ko sinasadyang masabi yun.Don't worry.Pag nag uusap na tayo di ko na isasama ang topic na yun.",sabi ni Akiro sa kaibigan upang mapagaan ang loob nito.

Nakita niyang sumaya naman ang kaibigan.

"Yung sayo na lang ang pag usapan natin!",sabi ni Archie.

Nakita niyang napakamot sa ulo ang kaibigan.Namumula ito at halatang nahihiya.

"Actually,kami pa rin ngayon eh.Hehe.Yun nga lang Long Distance Relationship kami.",sabi ni Akiro.

No Distance Romance||BoysLove||Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon