Natigilan si Archie ng makita kung sino ang bisita niya.Nabahiran ng inis ang mukha niya.Si Leila ang dumating sa bahay niya.Ito ang kanyang ex girlfriend na ayaw siyang tantanan.
"Anong ginagawa mo dito?!",singhal ni Archie.
"Archie...may sasa-",di naituloy ni Leila ang kanyang sasabihin ng hinila siya ni Archie palabas.
Nang makarating sila sa garden ng mansyon ng mga klinston ay binitawan niya ang braso ni Leila.Pulang pula iyon at hinahaplos ni Leila dahil sa sakit.Inis na tumingin ng masama si Archie kay Leila.
"Anong sasabihin mo?",sabi ni Archie ng walang emosyon.
"Archie...please,bumalik na tayo sa dati...",pagmamakaawa ng babae.
"Umalis ka na.",sabi ni Archie na parang walang narinig.
Tinalikuran niya ito at nag simula na siyang maglakad palayo.Nang...
"Archie.Buntis ako.",sabi ni Leila.
Natigilan si Archie sa kanyang narinig.Nagulat siya.Hinarap niya ulit si Leila.
"Anong sabi mo?",tanong ni Archie.
"Buntis ako.Buntis ako Archie.At ikaw ang ama.",sabi ni Leila.
Pero napaisip si Archie.Alam niyang kahit anong paraan ay gagawin ni Leila,para lang maibalik ang relasyon nila.
"Bakit?May pruweba ka ba?MAY PRUWEBA KA BA HA?!",sigaw niya dito.
"Oo meron,Archie.Dala dala ko pa nga yung pregnancy test.",sabi nito at May kinuha ito sa bitbit niyang shoulder bag at iniabot yun kay Archie.
Galit na hinagilap ni Archie iyon at tiningnan.Positive ang pregnancy test.Galit na ibinato ni Archie yun palayo.
Tumingin siya kay Leila ng masama at nanlilisik.Dinuro niya ito at sinabing...
"UNA SA LAHAT LEILA,WALANG NANGYARI SATIN!AT KAHIT KAILAN DI KITA MAPAPATAWAD, DAHIL GINAMIT MO LANG AKO!NGAYON UMALIS KA NA!ALIS!",galit na sabi ni Archie at tumalikod.
Mainit ang ulong pumasok siya sa loob ng mansiyon.Tinungo niya ang kanyang kwarto at padabog na isinara ang pinto.
Samantala,
Nakarating na ng NAIA airport si Akiro.Hila hila ang bagahe ay naglakad si Akiro,hinahanap ang kanyang sundo.Nakita niya ang isang lalaki di kalayuan na tila pamilyar sa kanya ang mukha.
Tiningnan niya itong maigi.Nakatungo ito habang nag cecellphone.Hinila niya ang kanyang bagahe at naglakad palapit sa lalaki.Lumapit siya dito at bigla itong nag angat ng tingin.
"Sir Akiro!Kayo po pala iyan...Nako pasensiya na ho.Kanina pa ho ba kayo-",sabi nitong parang natataranta.
"Nako ayos lang ho.Samahan niyo na lang po akong dalhin ito sa kotse.",mahinahong sabi ni Akiro.
"Sige po.",sagot nito at kinuha ang bagahe.Siya na ang naghila nito at iginaya niya si Akiro patungo sa kotse na mag susundo dito.
Habang nakasakay ay pilit na nag pipigil ng antok si Akiro.Ayaw niyang makatulog sa kotse.Nang makarating na sila sa mansiyon ay pinagbuksan si Akiro ng kanyang driver.
Kinuha ng driver ang bagahe mula sa compartment at hinila ito papasok sa loob ng mansiyon.
Nagulat si Akiro ng makitang nakahanay ang lahat ng mga katulong at guards.Nakaharap ito sa kanyang gawi.Nagtaka siya ngunit biglang...
"Yokoso Aki Ro-san!(Nihonggo:Ang kahulugan sa english ay "Welcome back sir Akiro!")",sabi ng kanyang mga katulong at guards sabay bow.
Gumuhit ang isang napakalaking ngiti sa kanyang mga labi.Nag angat na ang mga ito at ngumiti sa kanya.Ginantihan niya rin ng napakasayang ngiti ang mga ito...
"Maraming salamat.Sige na,at kailangan ko ng mag pahinga",sabi niya at nag bow sa mga ito.
"Sige po sir Akiro...",sabay sabay na sagot ng mga ito sabay bow din.
Di na niya sinagot ang mga ito at umakyat na siya sa kanyang kwarto.Sumunod sa kanya ang driver bitbit ang kanyang bagahe.Sinabi niya ritong iwanan na lang ito sa kwarto.Umalis na ang driver niya at pagkatapos niyon ay isinara nito ang pinto.
Tinanggal ni Akiro ang kanyang mga sapatos at ibinagsak ang katawan sa kama.
"What a tiring day...",sabi niya sa sarili at unti unti na niyang ipinikit ang kanyang mga mata.Hanggang sa nakaidlip na siya.
Samantala,
Napaupo si Archie sa may pinto at isinandal ang sarili duon.Unti unti ay di niya namalayang pumatak na ang mainit na luha mula sa kanyang mga mata.Tila nag balik sa kanya ang lahat ng sakit...Pero mabilis niyang pinahid ang mga ito.Sa isip isip niya ay di na dapat siya umiyak.Wala ng silbi pa iyon.
Tumayo siya at napahiga sa kanyang kama.Pumikit siya.At sinariwa ang alaala ng mga sakit...
4th Year highschool si Archie ng makilala niya si Leila.Unang kita pa lang niya dito ay naramdaman niyang ito na ang babaeng nagpatibok sa puso niya.
Ngunit hindi ganuon kaganda ang pagkatao ni Leila.Mang aagaw ito ng boyfriends,slut,bitch,walang kwentang anak at kung ano ano pa.Mabababa rin ang mga grades nito dahil sa paganda lang ang inaatupag nito sa school.
Pero sa kabila nun ay minahal pa rin siya ni Archie.Pasikreto niya munang itinago ang kanyang nararamdaman hanggang sa nag desisyon na siyang ligawan ito.
Sinagot siya nito at naging sila.Tinuturuan niya si Leila ng mga lessons sa lahat ng subjects.At himalang tumaas naman ang grades nito.
Palagian din silang nag de date tuwing sabado at linggo.Sa mga araw ring yun chinu-tu-turan si Leila.Lagi ding si Archie ang sumasagot ng lahat ng date nila.
Paminsan minsan ay pinupuntahan si Leila ng kanyang mga ex boyfriends.Pilit na nag mamakaawang bumalik siya.
Kagaya ng ginagawa sa kanya ni Leila ngayon.
Siyempre dahil boyfriend siya nito ay lagi niyang inilalayo si Leila sa mga ito.Sa sobrang pagmamahal.
Pero nagbago ang lahat ng iyon ng araw ng monthsarry nila.Pumunta ang isa sa mga ex boyfriend ni Leila sa mansiyon nina Archie.
Sinabi nito kay Archie na niloloko lang siya ng kanyang girlfriend.Di siya naniwala.May dala pa siyang bulaklak nun at papunta sana sa date nila nung araw ding yun.
Di pinansin ni Archie ang ex boyfriend at paalis na ng tawagin siya nito.Dalawang beses siyang tinawag nito,dahil dalawang beses niya itong di pinansin.He rolled his eyes at nilingon ito.
"Pwede ba kung wala kang matinong sasabihin at sisiraan mo lang si Lei-",di niya natuloy ang sasabihin ng biglang maglahad ng isang sobre ang lalaki.
Tiningnan niya muna ito bago inabot ang nasa sobre.Nagpaalam ang ex ni leila na aalis na ito at si Archie na lang ang umalam ng lahat.
BINABASA MO ANG
No Distance Romance||BoysLove||Wattys2018
Novela JuvenilAkiro and Archie are chilhood bestfriends.They were became separated at the same age na nagkakilala sila.Everything change in both of their lives.Now they are reunited,will their feelings grow up? WARNING:TYPO ERRORS NO PILGIARISM AND NO REPORTING P...