Chapter Five

25 5 0
                                    

Nagtataka man ay binuksan ni Archie ang sobre.

Nabitawan niya ang hawak niyang bulaklak.Nang hihina man at nasasaktan ay pinilit na isa isahin ni Archie ang mga larawan.Lalaki man ay di niya mapigilang mapaluha.

Nakita niya sa mga larawan si Leila,at ang last ex boyfriend nito na si Clyde.Magkahawak ang mga kamay nito at naghahalikan.

Di matanggap ni Archie ang panlolokong ginawa sa kanya.Di ito matanggap ng puso niya.Pero ano pa bang magagawa niya,mayroon ng pruweba at wala na siyang magagawa pa.

Nung araw ding yun ay nakipag hiwalay siya kay Leila.Ang masaya sanang monthsarry nila ay hindi nangyari.

Pilit sinasabi ni leila na sinungaling at peke ang mga litratong iyon.Pero di naniwala sa kanya si Archie at nakipag break up siya dito.Iniwan siya duon ni Archie na umiiyak.

Napamulat si Archie magmula sa alaalang iyon.Pilit na niyang tinanggal yun at nag isip ng ibang bagay.At sumagi sa kanyang isip si Akiro.

"Kumusta na kaya yung mokong nayun?Haha.Ilang taon ko na siyang di nakikita...",banggit niya sa sarili.

Tumagilid si Archie ng pagkakahiga.Inilagay niya ang kanyang mga palad sa ilalim ng kanyang ulo.

"Magkikita rin tayo Akiro.",sabi niya pa sa kanyang sarili at naka idlip na.

Samantala,

Kinaumagahan na nagising si Akiro.Bumangon siya sa kanyang kama at nag unat.Ginawa niya ang kanyang daily routine sa umaga.Pagka ayos ay bumaba na siya sa may kusina.

Bawat mga katulong na makakasalubong niya ay binabati siya.Ginagantihan din naman niya ng bati ang mga ito.Di pa siya nakakarating sa kusina ay nakita niyang may nakahain ng pagkain sa dining room.Tinungo niya iyon at naupo doon.

Dati rati nung bata pa siya ay nakasanayan niyang sa kusina kumain ng agahan.Ngayon ay naka upo na siya at nag simulang kumain.3 Hiwa ng bacons,isang kanin at isang baso ng gatas ang kanyang almusal.

Habang kumakain ay sumagi sa kanyang isip ang dalawang bagay.Dalawang tao na nawala sa buhay niya.

Ilang taon na ang nakakaraan ay namatay si Nanay Lili.Ang kanilang pinakamatandang katulong at siya ding pinakamalapit kay Akiro.Namatay na ito sa sakit sa puso.Inatake ito habang naglilinis ng kanilang hardin.Naisugod pa ito sa hospital pero di na kinaya.Kinuha na ito ng may taas.

Sobrang nalungkot si Akiro nun at nagkulong siya sa kwarto ng Tatlong araw.Halos lagi lagi siyang humahagulgol nun.Nag sisisi kasi siya dahil wala siya sa tabi ni Nanay Lili bago ito mawala.Itinuring niya kasi itong lola.Pero tinanggap niya din ang pagkawala ni Nanay Lili.

Ilang buwan din ang nakalipas pag katapos ng pangyayaring iyon,ay nagkaroon naman ng magandang balita.Ipinanganak ng mommy niya ang kanyang bunsong kapatid.Babae ito at may pagka singkit din.Tuwang tuwa ang buong pamilya nila nun.

Pero agad yung napaltan ng lungkot.Kinidnap ang baby niyang kapatid na siyang ikinatakot nila.Halos idemanda na nila ang buong ospital dahil doon.Ngunit wala na silang nagawa pa.Nalungkot at nag iiyak na naman si Akiro ng mga panahon na yun.Pero naniniwala silang buhay pa ang kapatid niya.

Ipinagpatuloy ni Akiro ang pagkain ng kanyang almusal.Balang araw ay makikita niya din ito.Sa ngayon ay pag aaral muna ang iniintindi niya.Habang nakain ay may sumagi sa kanyang isipan.Naisip niya si Archie.

"Kumusta na kaya siya ngayon?",sa isip isip niya.

Naisipan niyang pumunta sa mansiyon ng mga Klinston para bisitahin ang ilang taon na niyang di nakikitang kaibigan.

Nagbihis siya ng Grey polo at isang dark colored leather jeans.Nag suot siya ng dark blue na sneakers.Nag spray siya ng pabango at nag hawi ng kanyang buhok sa harap ng salamin.

"Im ready.",nasabi niya sa kanyang sarili.

Pumunta na siya sa may parking nila at naka abang na dun ang kanyang driver.Sinabi na niya dito kung saan sila papunta.

Ilang oras ang nakalipas ay nakarating na si Akiro sa mansiyon ng kanyang kababata.Wala paring pinagbago iyon at napakaganda pa rin.Tanging mas dumami lang ang bulaklak ngayon sa garden ng mga Klinston.

Nang makapark na ang kotse ay kumatok si Akiro sa pintuan.Ilang minuto lang ay pinagbuksan siya ng isang katulong.

"Sino po kayo?",tanong ng katulong.

"Ummm,ako si Akiro.Kababata ako ni Archie.",sabi niya.

Nagbow naman ito at pinapasok siya sa loob.Iginiya siya nito sa may salas.

"Sandali lang po ha.Tatawagin ko lang po si Sir Archie.",sabi ng katulong.

Tumango na lamang si Akiro.Umakyat naman ang katulong patungo sa second floor.Nagtungo ang katulong sa kwarto ni Archie.

Kumatok ito.

"Sir Archie...May bisita po kayo.",sabi ng katulong.

Binuksan ni Archie ang pinto.

"Babae na naman ba?Yung babae kagahapon?",sabi ni Archie.

"Ah hindi po sir.Lalaki po yung bisita niyo sa baba.",sabi ng katulong.

Napakunot ang noo ni Archie ng sabihin yun ng katulong.

"Sige.Antayin mo na lang ako sa baba.",sabi niya sa katulong.

"Masusunod po Sir.",sabi nito at nag bow.

Nagbihis ng Black V neck T shirt with white stripes si Archie.Nagsuot siya ng long pants na pangbahay para sa pangibaba.Nagsuot din siya ng tsinelas na pang bahay.

Nasa salas na ang katulong.

"Sir,hintayin na lang po natin siya dito.",sabi ng katulong.

Tumango na lang si Akiro.Maya maya ay napatayo siya ng makita kung sino ang pababa sa hagdan.Napangiti siya ng makitang muli ang kanyang bestfriend.

Samantala,ay kunot noo namang napatingin si Archie sa kanyang bisita.Kinilatis niya ang facial features nito.Pamilyar sa kanya ang mukha nito pero di niya matandaan kung sino.

Nakababa na ng salas si Archie.

"Maiwan mo muna kami dito ng aking bisita.Ikuha mo kami ng maiinom na tsaa.",utos ni Archie sa kanyang katulong.

"Masusunod po.",sabi nito at nagbow na palayo.

Naupo na pareho si Archie at Akiro.Magkatapat sila at napag gigitnaan nila ang isang mini glass table.

Inintay nila ang tsaa at nagpaalam naman ang katulong na maiwan muna sila.

Nang makainom ay si Archie ang naunang nagsalita.

"Sino ka?Parang pamilyar sakin ang mukha mo pero di kita matandaan.",sabi ni Archie.

Napangiti ang kanyang kausap.

"Haha.Ang laki siguro ng pinagbago ng mukha ko kaya di mo na ako matandaan...",sabi nito...
"Ako to,si Akiro.Akiro Jin Han,long time no see,Archie.".

Nagulat si Archie sa sinagot ng kanyang bisita.

"Akiro?!",gulat na tanong ni Archie.

"Yes bro!The one and only...Hahaha.",sabi ni Akiro.

Pareho silang tumayo at nag manly hug sa isa't isa.

THIS CHAPTER IS DEDICATED TO:
totorozhen .Thanks for your support my Sky.💙

No Distance Romance||BoysLove||Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon