Chapter One

52 5 0
                                    

Year 2014

Kasalukuyang nasa biyahe si Akiro.Mayroon kasi silang formal gathering party na pupuntahan.At ngayong gabi ito gaganapin.Ano nga ba namang magagawa ng isang 12 years old na batang kagaya niya.Kaya hindi na siya naka kontra pa.

Mayaman ang pamilya at angkan na pinagmulan ni Akiro.Mayroon silang pag mamay aring masyon na halos hindi mo masusukat sa lawak ng sakop nito.Mula din sa lahi ng mga hapones si Akiro.Mula sa lolo niya hanggang sa papa niya at hanggang sa kanya.Sa ngayon ay solong anak muna si Akiro pero may ipinagbubuntis na ang mama niya.Di pa nila alam ang gender.

Kahit na ganon ay lumaking disiplinado si Akiro.Di siya kagaya ng ibang mayayaman o rich kids na spoiled brats at masasama ang ugali.Minsan pilyo din siya pero hindi lagi.

Nakahalumbaba siya sa window ng kotse at tinitingnan lamang ang mga nadadaanan nila.Nang marinig niya ang pinaguusapan ng Mommy At Daddy niya.

"Nga pala hon.Etong si Mr. Klinston ay mayroong anak na lalaki.Kaya sigurado akong di mabobored ang anak natin sa party na yon dahil may makakalaro siya.",sabi ng Daddy niya.

"Talaga hon?Mabuti naman kung ganon!Ilang taon na ba yung batang iyon?",tanong ng Mommy niya.

"Ka edad lang ni Akiro.But unlike our son.Bully daw yun sabi ng kanyang Ama.",sabi ng Daddy niya.

"Ayy ganun ba hon.Sana maging mabait siya sa anak natin hahaha.",sabi ng kanyang Mommy at nag tawanan na ang mag asawa.

Akiro rolled his eyes at ibinalik na muli ang kanyang atensiyon sa pag titingin ng kanilang dinadaanan.

Ilang oras mahigit ang kanilang nabiyahe bago makarating sa Mansiyon ng mga Klinston.Malayo pa lang ay matatanaw mo na ang lawak at taas ng mansiyon.Kusang bumukas ang gate sa unahan at pinasok na nila ang kotse.

Napamangha si Akiro sa dami ng mga gagandahang bulaklak na kanilang nadadaanan.Iba iba ang kulay ng mga ito.Pagkapark ng kotse ay lumabas na ang mag asawa at si Akiro.Sa pinto ay gine reet sila ng isang Lalaki.Mukhang isa itong Butler.Nagbow ito sa kanila at nagbow ng di gaanong mababa ang Mommy at Daddy ni Akiro.

Pumasok na sila sa loob.Hinahanap ng mommy at daddy ni akiro ang mag asawang Klinston at natagpuan nga nila ito.

Agad nagbeso beso ang Mommy ni Akiro at si Mrs.Klinston.Nag manly hug naman ang Daddy ni Akiro at si Mr.Klinston.

Inalis ni Akiro ang tingin niya sa mga ito at nakita niya ang batang lalaking nasa harapan niya.Naka formal suit din ito kagaya niya.Kulay black ang tie nito at nakasuot ito ng Maroon tuxedo.Ito ang nag iisa at walang iba pa na anak ni Mr. and Mrs. Klinston.

Tiningnan niya ito.Ngumiti ito sa kanya at ngumiti din siya dito.

"Ayy ayan ba ang unico iho niyo Claret?(Pangalan ng Mommy ni Akiro).",tanong ni Mrs.Klinston.

"Ah oo Mare.He's my only son.".sagot naman ng Mommy Ni Akiro.

Lumapit si Mr.Klinston sa anak nito at inakbayan ito.

"Archie.Why don't you tour our Little Guest to our house?".utos nito kay Archie.

"Sure.Dad.",sagot nito.

"Oh sige na Akiro.Go na.Just go to our car if you want to find us okay?".sabi ng  Mommy ni Akiro sa kanyang anak.

"Okay mom.Bye.".sabi ni Akiro at hinalikan ang mommy niya sa pisngi.

Naglakad na palayo si Akiro at Archie mula sa kanilang mga magulang.Sinusundan lang ni Akiro si Archie sa pag akyat nila sa hagdan.

"Anong pangalan mo?".tanong ni Archie kay Akiro habang umaakyat sila sa hagdan.

"Akiro Jin Han ang buo kong pangalan.".sagot ni Akiro.

"Ahh.Ako naman.Archie Villegas Klinston buo kong pangalan.".sagot naman ni Archie.

Nakarating sila sa second floor ng mansiyon ng mga Klinston.Naglakad sila pakanan at binuksan ni Archie ang isang pinto.Pumasok sila sa loob ng kwarto at napamangha si Akiro.

"Welcome to my room!".masayang sabi ni Archie.

Napangiti si Akiro.

Pinagmasdan niya ang paligid.Sa kanan nakita niya ang napakadaming basketball trophies.Meron ding mga naka display na ibat ibang toy cars at mga figurines ng mga superheroes.Kulay Blue ang pintura ng kwarto.Sa Kaliwa naman ay isang maliit na bookshelve.Saka mga sari saring nakadikit na Cars Posters.Isang mamahaling flat screen TV sa tapat ng dulo ng kama at nasa ibaba nito ang isang computer set.Nasa pinakadulong part ang kama sa tabi ng isang malaking Transparent glass window.Naka aircon din ang buong kwarto.At mayroon itong sariling Comfort Room.

"Maupo ka.",sabi ni Archie.

Naupo si Akiro sa kama.

"Ang ganda naman nitong kwarto mo.",komento ni Akiro.

"Haha siyempre.Yan palang mga trophies na nakikita mo.Nga panalo ko yan sa Elementary Competitions sa school namin.Pero siyempre kasama din si Coach at mga teammates ko.".paliwanag ni Archie.

"Ah kaya pala.Ang galing mo siguro.".sabi naman ni Akiro.

"Salamat.Ikaw di ka ba marunong mag basketball?".tanong ni Archie.

"Marunong din ako.Pero di ako nalaban ng competitions.".sagot ni Akiro.

"Ahh.".nasabi na lang ni Archie.

Ilang segundo silang naging tahimik at binasag na ito ni Archie.

"What do you prefer?Video games?Oooooor...board games?",tanong ni Archie.

"Kahit ano.Basta makakapaglibang tayo.",sagot naman ni Akiro.

"Hmm.Magkwentuhan na lang kaya tayo?".rekomendasyon ni Archie.

"Hmm.Sige ba.Ano bang pag ku kwentuhan natin?",tanong ni Akiro.

"Kahit ano.Basta makakapaglibang tayo.Hahahaha.".sagot ni Archie at nag tawanan sila ni Akiro.

Ilang oras din silang nagkwentuhan.Madami silang nalaman sa isa't isa.

Naglalakad palabas ng mansiyon ang pamilya Klinston at pamilya Han.Kasabay nila ay ang pag labas ng iba pang bisita.Natapos na kasi ang party.

Nag paalam na sa isa't isa sina Mr. and Mrs. Klinston at Mr. and Mrs. Han.

"So pano ba yan Archie.Aalis na kami.",sabi ni Akiro.

"Sige.See you next time na lang,haha!".sagot naman ni Archie.

Nag apir pa ang dalawa.Natuwa ang kani kanilang mga magulang sa kanilang inasta.Habang papasok sa loob ng kotse ay kumaway si Akiro kay Archie.Ganun din ito sa kanya.

Habang nasa loob ng kotse ay tinatanawan ni Akiro ang mansiyon.Natutuwa siya kay Archie dahil napakadal dal nito at nagkaroon na siya ng bagong kaibigan.Naging close kaagad sila.

"Looks like you and Archie became good friends huh,Akiro?".tanong ng Daddy niya.

"Yes dad.We became bestfriends.".sagot naman ni Akiro.

Nakita niyang di na sumagot pa ang dad niya at nag focus na lang ito sa pagmamaneho.

No Distance Romance||BoysLove||Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon