Dalawang maaaring maging dahilan

234 7 0
                                    


Pag sinabi kong paalam
dalawa lang ang maaaring
maging dahilan,
Ang isa ay ang habang buhay
na pag- iwan,
At ang pangalawa ay nais
kong pigilan mo ang
aking paglisan.

Pag sinabi kong paalam
dalawa lang ang maaaring
maging dahilan, Maaaring
nais ko lang na makuha ang
atensyon mong matagal nang inaasam, O maaaring
nakahanap na ako ng
kasiyahan sa ibang nilalang.

Pag sinabi kong paalam
dalawa lang ang maaaring
maging dahilan,
Ang isa ay gusto ko
ng makamtan ang kalayaan.
Ang isa naman ay nais ko lang na ako'y iyong paghigpitan,
Yakapin sa bisig mong parang dinuduyan na napakasarap sa pakiramdam.

Pag sinabi kong paalam
dalawa lang ang maaaring
maging dahilan,
Marahil gusto ko lang
humingi ng oras at espasyo
para sa aking sarili na
matagal ng napabayaan at
nawalan ng puwang,
O marahil ay nais ko
lang ng pag aaruga mo't
pag-aalaga para sa
tulad kong tao lang.

Pag sinabi kong paalam
dalawa lang ang
maaaring maging dahilan,
Ang makapiling ka't
gumawa ng napakaraming
alaala, O ang alalahanin
ang ating masasayang
sandaling magkasama.

Pag sinabi kong paalam
dalawa lang ang maaaring
maging dahilan,
Maaaring nais ko nang
tuluyan kang layuan,
O maaaring nais ko
lang na ako'y iyong lapitan,
hagkan, yapusin at ikulong
sa iyong pagmamahal.

Pag sinabi kong paalam
dalawa lang ang maaaring
maging dahilan,
Maaaring napagod lang
sa paulit-ulit na senaryo
ng ating pagmamahalan,
O maaaring nais ko lang na
sandaling magpahinga,
humiga at huminga sa piling mo.

Pag sinabi kong paalam
dalawa lang ang maaaring
maging dahilan,
Ang isa ay mahal kita,
ngunit bigyan mo naman ako ng rason para lumaban,
At ang isa naman ay mahal kita ngunit ako'y pagod at suko na.

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon