Papasok ka na naman
sa bagong pahina
ng paulit-ulit na
paghahanap ng dahilan
ng iyong paghinga,
Sa araw-araw lagi mong hinahanap
ang tamang maskara,
Maskara na sakto
sa hugis ng mukang
ipapakita mo,
Mukhang walang bahid
ng iyong totoong nararamdamanPaulit-ulit ka na namang
maghahanap ng dahilan,
Paulit-ulit na maghahanap
ng depinisyon,
Paulit-ulit na maghahanap
ng kahulugan,
Paulit-ulit na pagtatanong,
kung bakit tila ikaw lang
ang hindi makahanap ng
tunay na kasiyahan.Kasiyahan
Paghahanap ng kasiyahan ang madalas nilang payo sa'yo,
para ang kalungkutan mo ay
pansamantalang humayo,
ngunit masyado silang piksikado
sa mga bagay na kulang moOo kasiyahan,
Kasiyahan ang kulang sa'yo,
ngunit kailan ba nila maiintindihan
Hindi ito simpleng kalungkutan lang,
Hindi mo pinipili ang
pakiramdam na ito
dahil ito ang paulit-ulit na
pumipili sa'yo
Taksil ang sarili mo,
Hinuhulog ka sa sariling
patibong moOo, paulit-ulit kang
pinagtataksilan ng sarili mo,
Ang sarili mo ang bumibisita
at patuloy bumubulong sa'yo,
Patuloy na nangugulo sa isipan mo,
Patuloy na sumisira sa iyong
buong pagkatao...
Ang sarili mo
Ang kalaban moPaulit-ulit ka na namang magtatanong kailan ba nila maiintindihan,
Hindi ito pag-iinarte lang,
Hindi ito pagsabay sa uso lang,
Na hindi pagiging masaya ang solusyon langSa paulit-ulit na paghahanap,
Unti-unting bumabalot ang
tunay na realisasyon,
Kasiyahan ang polusyon,
na bumalot sa'yo sa iyong
bawat paghinga,
Hindi kasiyahan ang solusyon
isa lang itong alternatibong ruta
para sandaling takasan ang problemaKailan ba nila maiintindihan,
Hindi mo kailangan ng ilaw sa daan,
Hindi mo kailangan ng pantapal sa totoong nararamdaman,
Ang kailangan mo ay kasama,
Ang kailangan mo'y pang-unawa,
Ang kailangan mo'y pag-intindi,
Ang kailangan mo ay paghinga para makapagpatuloy sa mga susunod na pahina.
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PuisiMga sinambit na salitang tulain na hinabi ng mga guni-guni; ingles at filipino. Simula: 04-09-2018