Minuto't segundo

272 10 0
                                    


Isang minuto't
dalawang segundo,
Hanggang kailan
maghihintay
sa pag tugon mo?
Hanggang kailan tiisin
ang bawat sandaling
magkatunggali ang
ating mga puso?

Dalawang minuto't
dalawang segundo,
Wala na ang dating
tamis ng iyong ngiti,
Napalitan na ng pait
at paghihinagpis,
Pasensya ka na mahal
ako'y palaging nakakainis
at hindi makatiis.

Tatlong minuto't
apat na segundo,
Mahal hanggang
kailan dadanasin ang
mga away nating tila
wala ng katapusan,
Ang pag-iintinding
napalitan ng hindi
pagkakaunawan,
Pasensya ka na mahal
pagka't ang tulad ko ay
'di hamak na isang taong
nagkakamali lang.

Apat na minuto't
dalawang segundo,
Kapit lang mahal ko
sa puntong ito ang
hinihingi ko nalang
ay ang pag- intindi mo,
Pasusumamong unawain
mo naman ako,
Kahit ngayon lang,
kahit sandali lang.

Limang minuto't
dalawang segundo,
Nagugulumihan at
hindi na ko makapag-isip
nang husto,
Ano pa ba ang nais
mong gawin ko?
Ginagawa ko naman
lahat ng gusto mo,
Tipong wala ng natira
sa buong pagkatao
dahil lahat ay
binigay na sa'yo.

Anim na minuto't
dalawang segundo,
Ilang beses ko nang
naisipang sumuko,
Na laging nasasabayan
nang pagyuko at
unti-unting pagtulo ng
mga luhang matagal
ng tinatago,
Ngayon na ba ang
tamang oras para sumuko?

Pitong minuto't
dalawang segundo,
Mahal kita,
Hanggang sa
paglubog at pagsikat,
Sa pagtulog at pagising,
sa pagmulat at pagpikit,
Mahal kita,
Ngunit ngayon
mula sa araw hanggang
paglitaw ng buwan,
Ako naman mahal,
Ako naman
Sarili ko naman,
Ang mamahalin ko.

Walumpung minuto't
dalawang segundo,
Tulad ng isang
k'wentong may katapusan
at isang bulaklak na
hindi na diligan ay
kasabay nang pagtatapos
ng ating pagmamahalaan,
Sa walumpung minuto't
dalawang segundo
nagtapos ang pag-ibig ko.

--

Spoken Poetry requested by a friend.

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon