Sofie's POV
Nang tumunog ang alarm clock ko ay napabangon na ako. It's already Monday. It means, back to reality. May pasok na kami.
Pumunta na ko sa banyo ng aking kwarto at naligo saka bumaba upang kumain. Sa aking pagbaba ay naabutan ko sila Mama and Daddy na kumakain. Bago ako umupo ay hinalikan ko muna sila sa pisngi.
"Good morning po." I told them before eating my first bite. Binati rin nila ako pabalik at ang tanong ni Daddy ang nagpabalik sa akin sa kilig na naramdaman ko nung Sabado.
"Hangover pa rin ba?"
I smiled at his question as things started to flash in my mind. I still remember everything. Everything felt so surreal and I still can't believe that all of those happened. For a first timer like me, I really never thought that, that could happen in my fangirling life.
Naalala ko na naman yung pagbigay ko ng regalo kay Ricci. His reaction was everything. Tapos yung pagbuhat. Yung pagsmile. Gosh, that was the best and the highlight of my life.
"Medyo, dad." I chuckled. Pinuno ng kwentuhan ang aming pagsasalu-salo sa hapag-kainan at nang matapos ako kumain ay nagpaalam na ako sa kanila para pumasok.
Nag-grab na lang ako papuntang UE. Habang nasa byahe ay kachat ko sila JM at Christine at sinabi nilang nasa canteen lang sila. Nung Sabado rin, halos hindi sila magkamayaw sa kakatukso sa amin ni Ricci. Aniya nila na kahit baliw sila parehas dun, kung ako raw ang makakatuluyan non, aba botong-boto raw sila. Edi wow. As if naman mangyari yon.
Isang oras lang ang itinagal ng byahe at nakarating na ko sa University. Sa entrance ay nislide ko ang aking I.D bago pumasok. Pagpasok ay sinalubong ako ng mga kapwa ko estudyante, pumunta ako sa right side kung saan located ang 3 floor na canteen namin.
Agad ko namang natanawan ang mga kaibigan ko na nagtatawanan.
"Hoy!" ngiti ko sa kanila bago umupo.
"Ay baks ayan na pala jowa ni Ricci. Haba ng hair."
"Gago baks, intrimitida ka talaga!" tawa naman ni Tine kay JM.
"Ano ba kayo. That's not a big deal. Laro lang yon. Hanggang ngayon ba di kayo makamove-on?" natatawa kong tanong. Sige, ako na yung assumera na pwede siyang mainlove sa fan pero ako rin yung nagiging nega. E kasi naman, kahit ano namang maramdaman ko sa nangyari, alam kong wala kay Ricci yon. Saka matino si Ricci, feeling ko wala pa siyang balak magkaroon ng girlfriend. God, ang layo naman agad ng mga sinasabi ko!
"Teh hindi talaga ko makakamove-on! Tangina teh Ricci binuhat ka? Tas tulaley ka lang? Hmp, kung ako yon kumuha na kami ng kwarto!" sabi pa ni JM at may pakumpas-kumpas pang ginagawa sa ere.
YOU ARE READING
ADVANTAGE
RandomI was just nothing unlike him. My life has been a roller coaster ride since I chose to idolize him. Everything that's impossible became possible and those my cannots turned into cans. I'm not dreaming, am I? Please tell me I'm not, because it all st...