Mahigit dalawang buwan na rin ang nakakalipas mula ng naging malapit kami sa isat isa ni Edward..magtatapos na ang June at nalalapit na rin akong macelebrate ng aking 18th birthday..ang daddy ko hindi pa nakakabalik ng America at dito siya mag stay hanggang sa birthday ko.
Hindi ko akalain na sa maiksing panahon na kami ay nagkakasama ni Edward ay magiging espesyal ang aming samahan. Halos hindi na kami magkahiwalay. Yung dating Edward na inis na inis sa akin dahil na rin sa mga kapalpakan na nagawa ko sakanya ay siya na yung taong grabe ako protektahan. Kahit si Timmy halos hindi na makalapit sa akin dahil na rin sa pinagbabawalan ako ni Edward makipag usap sa kanya na para bang girlfriend niya ako at takot na takot siyang maagaw ako ni Timmy sa kanya. So muchhhh feelsss. Yung kilig ko to the highest level kung alagaan niya ako pero minsan sumosobra na kaya hindi ko maiwasang hindi mainis sa kanya.
"Timmy is my childhood friend Edward"..wika ko
"No! Meron bang friend na ilang beses sa isang linggo kung yayaing mag dinner sa labas??" Ani Ed
"Pero hindi naman natutuloy, isang beses lang yun nangyari, bat kaba ganyan?" Tanong ko
"Nothing, concerned lang ako sa studies mo..wag mo muna isipin pag bbf.." sabi niya habang pinipisil pisil niya ang aking pisngi
Nakaupo kami ng mga sandaling iyon sa Terrace ng aming bahay. Alas 8 na ng gabi nakatambay pa rin siya sa bahay namin at nakikipagkwentuhan sa kin.
Naiinis ako tuwing sinasabi niya na wag muna ako mag bf at pag aaral muna ang unahin..naiinis ako kasi kung alam niya lang sana na siya yung gusto kong maging bf.una at huli..
"Umuwi kana nga!" Wika ko
"At mukhang nag iba ang ihip ng hangin..galit kaba??" Tanong niya
"Hala ui! Bat naman ako magagalit..gabi na kaya..kaya kita pinauuwi na mamaya magising pa si daddy eh.." pagsisinungalin ko pero ang totoo naiinis ako sa kanya..hindi ko alam kung bakit bigla nalang nagbago ang mood ko..basta naiinis ako..nasasaktan ako..hanggang kaibigan nalang ba talaga kami?tanong ko sa aking sarili.
"Okay..sabi mo eh!!sure??"..ang nagpapacute niyang sabi..
"Sureee!!.." wika ko at pinisil ko ang kanyang ilong..
"Ouch!!crazy!!!"..daing niya..Edward
I love everything about Dale..she captivates me with all her charm.. hindi ko akalain na magiging ganito kami kalapit sa isat isa..hindi ko maiwasang hindi magselos pag umaaligid yung timmy na yun! Naiinis ako kay Dale pag ng yeyes siya pag iniinvite siya ni Timmy sa labas..Ayaw kong makita na may kasama siyang ibang lalaki. Hindi ko masabi sa kanya kung anung nararamdaman ko..siguro sa tamang panahon. Halos ginagabi na ko sa pagtambay sa bahay nila and thankful naman ako dahil sobrang okay sa Mommy ko si Dale at okay na okay din ako kay tito Vince. Alam kasi nila na ibang klaseng friendship ang merob kami ni Dale. Mahal ko si Dale, and fuck! Natatakot ako na masaktan ko lang siya kung malalaman niya ang lahat.
"Iho..edward..kiara is here!"..napabangon ako mula sa aking higaan ng kumatok si mommy sa pinto ng aking kwarto..
"Mommmmm...please tell her i'm tired and need to get some rest..katatapos ko lang magreview for exam.."
"But iho. Babain mo na siya..kasi ilang days na rin si Kiara pabalik balik dito..uhm kayo pa rin ba iho?"..
"What?? No Mom..matagal na kaming wala alam nyo yun.." ang mejo naiinis kong sabi
"Yeah..i know iho..uhm sige na kausapin mo na..baka may gusto lang sabihin sayo..and wait!!punta kaba kay na Dale tonight?"
"Yes mom i will pick her up..baka kung san pa magpunta yung babaeng yun."
Napasmile ang Mom ko sa sinabi ko na para bang nang tetease..
"Nakuuuu...iba na yan huh??!" Ang pang aasar na sabi ni Mommy
"Uhm pero Mom why did you ask?"
"Kasi i'll cook sweet and sour tilapia, sabi mo paborito niya yun?"
"Woow! Thanks Mom! The best kayo pag ganyan.." wika ko
"Sige na babain mo na si Kiara"..
Napabuntung hininga ako.."haist! Kayyyyyy Mom.."Si kiara, hindi talaga siya tumitigil kakasuyo sakin..ginagawa niyang way ang New style Magazine para kami magkasama..At dahil nga malapit na kaibigan ni Tita Sy ang Mommy niya eh kami pa rin hanggang ngayon ang magkapartner sa Magazine na yun. Si Dale naman gumagawa ng sariling pangalan sa mundo ng modeling at solo lagi siya sa mga magazine covers na kumukuha sakanya. May mga company din na kumukuha sa kanya para maging endorser ng mga products nila pero tinatanggihan niya dahil hindi na niya kayang pagsabayin lahat.
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You
RomanceLove is the best feeling para sa mga taong nagmamahal at minamahal din pabalik. Pero para dun sa mga taong nagmamahal lang, give lang ng give pero walang nakukuhang kapalit siguro ito yung pinakamasakit na feeling para sa kanila. Author's note Ang...