[14] From Him

1.8K 69 7
                                    



Kasama ko si Jeon Jungkook ngayon. Kailangan niya daw kasing bumili ng damit dahil Birthday ng Mommy niya next week. Fancy daw ang party kaya dapat formal ang susuotin niya. Well, i'm not surprised. Mayaman kaya sila Kookie. Ayun, after ng bday ng Mom niya, magbabakasyon na kami!

Remember? Yung announcement ni Namjoon. "Pick a dress." utos niya saakin habang pumipili ng necktie.

Excuse me? Dress? Bakla ba siya? I laughed kaya tinaas niya ang kilay niya. Tsk. Ang taray talaga ng lalaking 'to. "Why are you laughing? Insane." sabi niya.

Ang taray naman! Edi siya na bad boy. "Para kanino ba kasi? Hindi ko naman alam yung taste ng bibilhan ko. Baka magkamali pa ako diba?"


He glared at me kaya napayuko ako. Naiilang kasi ako. Parang papatayin niya ko sa mga tingin niya eh. Nagulat nalang ako nang pinitik niya ako sa noo. Aba. Ano ba talaga ang problema nito ni Jungkook?

"Para sayo 'yun, tanga." sabi niya.

"Weh? Sasama mo ako?" tanong ko ulit habang nakangiti. Wala lang.

Masama bang ngumiti kapag masaya ka? Tinarayan niya lang ako. Talo niya pa babae kapag nananaray siya. Bumuntong hininga nalang ako dahil alam ko naman na hindi niya sasagutin ang tanong ko. Ewan! Para siyang engot. "Sige. Babye!" sigaw ko at tumakbo palayo.

Nakakaexcite lang! Pumunta ako sa mga stalls na may mga magagarang dress. Tinignan ko naman ang price tag nito, "Ano?! 4,300 pesos!?"

Napahiya naman ako nang napatingin saakin ang mga saleslady at yung mga taong tumitingin ng damit. Eh kasi naman. Bakit naman kasi ganun kamahal yung dress na 'to? Hinawakan ko nalang ang tela.

"Sayang. Ang ganda mo pa naman." malungkot kong bulong at pinagmasdan nalang ang dress.

Napatalon ako nang may kumuha sa dress. Lumingon ako. Si Kookie. Tinaasan niya ako ng kilay kaya napalunok ako.

"Do you like this dress, Candice?"

Umiling ako. "Hindi. Ang pangit." wika ko at nagkamot ng ulo.

Tinitigan niya lang ako. He took the dress at hinawakan ang kamay ko. Agad naman akong namula. Hindi ko namang maiwasang mapatingin sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Sana hindi ako pasmado. Magkaholding-hands kaming pumunta sa cashier. Hindi talaga ako mapakali.

Ang bilis ng tibok ng puso ko at hanggang ngayon, magkahawak parin ang kamay naming dalawa. Bakit niya kaya hinawakan ang kamay ko? Napatingin naman ako kay Jungkook na pinagmamasdan ang mga binili niya. Hinawakan niya pa lalo nang mahigpit ang kamay ko kaya napaiwas ako ng tingin.


"Thank you po." sambit nung cashier.

Nginitian ko si Ate at sabay kaming naglakad ni Jungkook. I feel really happy kapag kasama ko siya. Nakakalimutan ko kasi lahat ng problema ko at kahit masungit siya, mabait naman siya ng unti.

"Do you want to eat?" asked Kookie.

Mabilis naman akong tumango.


************

Nandito kami ngayon ni Jungkook sa Mcdo. Treat ko nga eh. "Ang daya mo. Sabi mo lilibre mo ko." sabi ko.


"Sino bang nagsabi na ikaw magbayad?" sabi nito.

Tinarayan ko lang siya. Ang tagal niya kasing magbayad kaya akala ko, ako yung mangtetreat ngayon. Hindi ko nalang siya pinansin at kumain nalang nang tahimik. Hindi ko namang maiwasang maisip si Margarette.

I'm just curious about them. Nagkaconnection ba talaga sila sa isa't isa? Joke lang ba 'yon ni Margarette? Or baka prank lang ba? Katuwaan? Napakagat nalang ako sa labi ko. Bakit ba curious na curious ako sa issue na 'yon?

Umubo ako ng unti, "Jungkook, nagkaroon ka na ba ng Girlfriend?" tanong ko. Medyo natigilan naman sa pagkain si Jungkook. Nakita ko kung paano nagiba ang aura niya sa tanong ko.

"Okay ka lang ba?" tanong ko, "Kung hindi ka komportable, it's fine. You don't need to answer my question."


Ngumiti lang si Jungkook at nagpatuloy sa pag-kain. Hindi naman nawala ang tingin ko sa binata. Nakamove on na kaya siya kay Margarette? "Pupunta lang ako sa CR." sabi ko at tumayo.


Pumasok ako sa loob at gladly, walang gumagamit ng CR. Tumingin lang ako sa salamin at nagisip. "Gusto ba kita? Bakit ang affected ko?" tanong ko sa sarili ko. Naghugas ako ng kamay.

Kinalimutan ko nalang muna ang issue na 'yon.


**********

Kasama ko si Papa. Naglalaro kami ng chest. "Papa. Magpapaalam po sana ako sainyo." wika ko.

Napatingin lang si Papa saakin, "Pwede po ba akong sumama sa vacation? With my friends, Papa." nakangiti kong sabi.

Sana talaga pumayag si Papa. Kung sakaling hindi ako mapapayagan, ako lang ang wala dun. Syempre, gusto ko rin naman makasama ang mga kaibigan ko atsaka si Jungkook. Tumira muna si Papa bago siya nagsalita.

Ngumisi siya, "Talunin mo muna ako." sambit nito.


*****************

[ Mrs. Jeon's Birthday ]


Nagsuot ako ng heels na pinahiram lang saakin si Hanna. "Ayusin mo yung itsura mo sa venue." sabi ni Bea. Syempre, kasama rin sila. Tumango lang ako habang pinipigilan ang ngiti sa mukha ko. Wala lang, naeexcite lang ako.

Wala ngayon si Papa dahil nasa work pa siya. Nagiwan ako ng letter kay Papa at idinikit ito sa Ref.


Papa, pupunta na po kami sa Birthday ni Mrs. Jeon. Matulog na po kayo dahil alam ko pong pagod na kayo. Nagprito na po ako ng bangus kaya may pagkain na po kayo. Ingat po kayo palagi, Pa. Mahal ko kayo.

- Cutenacute mong Candice


Natigilan naman kaming lahat nang narinig namin ang busina sa labas. Andyan na sila. Kinuha ko ang sling bag ko at sabay sabay kaming lumabas. Hindi ko naman naiwasang ngumiti. Excited nga kasi ako. Gusto ko na siya makita.

Pumasok kami sa loob ng Van. "Good evening, Guys." bati agad saamin ni Wendy. Ngumiti lang kaming tatlo. Hindi namin kasabay ang mga lalaki. Katabi ko si Hanna.

"Tignan mo naman si Amethyst. Mas bida pa ata siya sa may birthday." mahinang bulong ni Hanna kaya agad ko naman siyang sinuway.

Napatingin naman ako kay Amethyst. Omg. She's wearing a gown. Kaming lahat, formal dress lang. At ang dami niyang alahas na suot. Kumikinang pa ang necklace at singsing niya kaya napangisi ako.

Hindi naman importante kung simple lang ako suot ko ngayong gabi.

Atleast galing 'to kay Jeon Jungkook.



*************

Hi Guys~ Thank you po sa pagbabasa ng update ko. Please keep supporting my story. Bye bye.

The Bad Boy's Slave | Jeon Jungkook X ReaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon