[41] Horror House

752 33 49
                                    



Candice's POV

"Nahihilo na ko. Ayoko na." sabi ni Jungkook.

Nag-pout naman ako, "Last na. Horror house, please?" sabi ko.

Bumuntong hininga na lang siya at hinawakan ang kamay ko, "Sure. I'll protect you."

"Protect ka dyan! Hindi naman nakakatakot 'yan!"

Pumila kami ni Jungkook para makapasok sa loob. Nang makapasok na kami, hinawakan ni Jungkook ang kamay ko. "Don't be scared. It's just dark." sabi niya.

Hindi ko siya pinansin at pinagmasdan ko na lang ang paligid. Nice. Medyo nakakatakot ah. May biglang bumagsak na props na puno.

"Ahhh! Gago! Tangina! Hayop ka, Candice! Bakit mo ko pinapasok dito?"

Agad naman akong napalingon kay Jungkook, "Minumura mo ba ko?" kunyaring galit kong sabi at nagtaas ng kilay.

Umubo naman siya at inakbayan ako, "S-Sorry na. Nashock lang ak— HALA TANGINA TAKBO!"

Agad niya kong hinila para tumakbo nang may mga mannequins na biglang sumulpot. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis. Pero, ang saya.

"Ang bakla mo!" sigaw ko pero sigaw pa rin siya nang sigaw kapag may nakikita kaming mannequins.

Yumayakap siya sa akin kapag may sumusulpot kaya natatawa na lang ako sa kanya. "Akala ko ba i'll protect you ha!" sigaw ko nang makalabas kami sa Horror House.

Hawak hawak ni Jungkook ang dibdib niya, "Ayoko na don. No no no!" sabi niya.

Tangina ang cute ng boyfriend ko. Hinawakan ko ang kamay niya at tumingkayad para halikan siya, "Hindi na." sabi ko at niyakap siya.

Niyakap din ako pabalik ni Jungkook. Amoy na amoy ko ang pabango niya. Nakakabaliw. Baliw na baliw ako kay Jungkook. Napatingin ako sa langit nang at nakita ko ang mga fireworks.

"Wow." sabi ko.

Tumingin ako kay Jungkook at kitang kita ko sa mga mata niya ang sunod sunod na pag-putok ng fireworks. Hinawakan ko ang mukha niya at hinarap siya sa akin.

"Jungkook, i love you. Sobra." sabi ko.

Naging soft ang mukha ni Kookie, "I love you too, baby."

Ngumiti lang ako pero hinigit ni Jungkook ang leeg ko at hinalikan ako. Alam ko sa punto na wala na kong pakialam sa mga taong nakakakita sa amin kasi i'm very happy. Pinulupot ko ang kamay ko sa leeg ni Jungkook at mas hinalikan pa siya.

He pulled away to breathe. "Let's marry each other." wika niya.

Bea's POV

"Anong marry marry?" tanong ko kay Candice.

Kumakain siya ng cereal habang nanonood ng netflix series. "Hindi ko din alam dun. Ilang beses niya na sinasabi sakin 'yung marry marry chu chu. Marry had a little paking sh—"

"Hoy bunganga mo!" suway ko.

Napaisip naman ako. Hindi kaya nagbibigay ng hint si Jungkook? Pero? Ang bata bata pa namin para magpakasal 'no. Advance thinking teh? Super duper ang kalandian? Go na go?

"Alam mo, wag mo na isipin. Syempre boyfriend ko siya at nagsesweet sweetan 'yon."

At dahil don, natigil ko ang pag-iisip ko.

Candice's POV

Tinapos ko na ang pagkain ko at umakyat na para magayos. Pupunta kami ngayon sa bahay ng classmate namin. Tatapusin na namin ang Wedding Booth. Buti nga 'yun eh. Kating kati na ko grumaduate.

Naligo ako at nag-suot ng white tshirt at shorts. Bumaba ako at nakita ko si Bea at Hanna na naghihintay sa sakin. Sabay sabay kaming pumasok sa kotse. Si Hanna lang ang nasa harapan dahil tabi kami ni Bea.

Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa the way na tinuturing namin 'yung isa't isa. Aaminin kong galit ako kay Hanna ngayon pero hindi ko maset aside yung friendship namin kasi mahal ko 'yan.

Tahimik lang ang byahe at nakatanggap ako ng text mula kay Jungkook.

From: Jungkook
Hey. Text me when you get there.

To: Jungkook
Okay okay. Nasaan ka?

From: Jungkook
Practice.

To: Jungkook
Okay. I love you.

Hindi na nagreply. Agad kaming nakarating sa bahay ng classmate namin at sinalubong kami ng iba naming classmate. Pumasok kami sa loob at agad kaming binati ng Mama ng classmate namin.

"Good afternoon po." bati namin.

Umakyat kami pataas papunta sa kwarto ng classmate namin at nagsimulang gumawa ng props. Biglang tumunog ang cellphone ko. Akala ko si Jungkook na.

Ang iyong FB1D subscription ay nag-expire na. Dial *143 para maka-register sa ibang Globe Promos.

"Punyeta." bulong ko at binagsak ang phone ko.

Pagkatapos ng dalawang oras, natapos na namin lahat ng props. Tinulungan naming linisin ang kalat sa kwarto ng classmate namin at bumaba kami dahil pinaghanda kami ng meryenda ng nanay niya.

"Ikaw ba si Candice?" sabi ng Mama niya.

"Opo." sagot ko.

"Ang ganda ganda mo pala sa personal. Parehas kayo ni Hanna."

"Ako po pinakamaganda." sabat ni Bea kaya tumawa kaming lahat.

Hindi talaga mahiyain 'yan pagdating sa ganto. Magaling siya makisosyo. "Sino nga pala ang top 1?" tanong ng Mama niya.

"Ako po." sagot ni Hanna.

Hindi ako tumingin sa kanya pero kita ko pa din ang ngisi niya. Hindi ko na lang ito pinansin.

"Wow. Good job, hija. I heard mahirap hirap na subjects niyo ngayon." compliment ni Tita.

Nagkwentuhan pa kami nang kaunti pero bago magdilim, napagdesisyunan na namin umalis. Nagpasalamat kami sa nanay ng classmate namin at sabay sabay na umuwi.

Pumasok ako sa kotse at tinignan ang cellphone ko. Wala pa ring text si Jungkook.

To: Jungkook
Asan ka na? Pauwi na kami. Mag-text ka.

Isinandal ni Bea ang ulo niya sa balikat ko, "Napagod ako don." sabi niya at pumikit.

Sumilip na lang ako sa bintana at nakinig ng music.

____________

Monday morning na. Hindi pa rin nagrereply si Jungkook. Pumunta ako sa classroom ko para ibaba ang bag ko. Aalis na sana ako pero nagsalita si Hanna.

"Saan ka pupunta? Ililipat na natin lahat ng props sa baba." sabi niya.

"Sandali lang ako."

Tumakbo ako papunta sa room nila Jungkook. Sumilip ako at nakita ko silang lahat na sumasayaw. Pumasok ako sa loob at umupo. Pinagmasdan ko ang galaw ni Jungkook.

Ang galing talaga. Natapos nila ang kanta at agad nag-tama ang tingin namin ni Jungkook. Kinuha niya ang tubig sa tabi at lumapit siya sa akin.

"Bakit hindi ka nagtetext?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Bad Boy's Slave | Jeon Jungkook X ReaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon