[34] First Aid Kit

970 16 3
                                    



Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Wala ngayon si Margarette, siya lang ang wala ngayong araw. Sinalubong ako ni Taehyung at inabutan niya ako ng juice, "Kanina pa kita hinihintay."

Nginitian ko siya, "Sorry. Medyo traffic kasi."

Tumingin si Taehyung sa likuran ko at nakita niya si Jungkook. Naglapit ang kilay niya at tumingin sa akin, "Sinong kasabay mong papunta dito, Candice?" tanong sa akin ni Taehyung.

Magsasalita na sana ako pero biglang may narinig kaming nabasag na baso mula sa kusina. Tumakbo kami papuntang kusina at nakita namin si Wendy. May dugo mula sa kamay niya.

Agad ko siyang nilapitan, "Wendy, ayos ka lang ba?" tanong ko.

Umiling si Wendy. Inalis ko siya mula sa mga bubog at pumunta kaming dalawa sa salahan. Ang mga lalaki ay nagtulungan linisin ang bubog na nasa kusina. Kaming mga babae ay inalalayan si Wendy.

Napatingin ako sa tuhod niyang may dugo. Sinubukan niya sigurong damputin ang mga bubog kaya nasugatan rin siya. "Lilinisin natin ang sugat mo ha? Medyo masakit 'to pero tiisin mo lang. Hindi rin naman ito magtatagal." wika ko at inabot sa akin ni Hanna ang first aid kit ng Bangtan.

Tumango si Wendy, "Sige. S-Salamat, Candice."

Sinimulan ko ang paglinis sa sugat ni Wendy. Dumating na rin ang mga boys at umupo sila sa paligid namin. Tutok ako sa paglilinis sa sugat ni Wendy.

"Masakit. Dahan d-dahan."

Tumingala ako at nakita kong tinitiis niya ang hapdi. Tumango lang ako at binilisan ko na lang ang paglinis sa sugat niya. Inihanda na ng mga lalaki ang papanoorin naming pelikula.

Pinaupo namin si Wendy ng maayos sa isang tabi. Inayos ko na rin ang First Aid Kit. "Saan ba 'to ibabalik?" tanong ko.

"Sa kwarto 'yan ni Jin Hyung." sagot naman ni Jimin.

"Sige. Babalik ko na."

Umakyat ako sa taas. Napakalaki talaga ng bahay na ito. Bawat isang member ay may malaking kwarto. Meron rin silang gym, playroom, at marami pang iba. Sa bawat pinto may nakadikit na sticker ng BT21 kaya nalaman ko kung saan ang kwarto ni Jin Oppa.

Pumasok ako sa loob at inilagay sa cabinet ang first aid kit. Paalis na sana ako pero biglang may pumasok sa loob ng kwarto.

"Bakit ka nandito?" tanong ko.

Hindi siya nagsalita. Pinatay niya ang ilaw at hinatak niya ko palapit sa kanya. Naamoy ko na naman ang pabango niya. "I love you so much." bulong niya sa akin.

Niyakap niya ako. Isinandal ko ang mukha ko sa dibdib niya. Sobrang namiss ko 'to. Sobrang namiss ko si Jungkook. Pinikit ko ang mga mata ko. Habang yakap niya ko, hinalikan niya ang noo ko, pababa sa ilong ko, at sa labi ko.

Nanghina ang katawan ko kaya pinulupot ko ang kamay ko sa leeg niya, "I miss you, baby." sabi niya at hinalikan muli ako.

Pinulupot niya ang kamay niya sa bewang ko.

*TOK TOK TOK*

Natulak ko si Jungkook nang may kumatok sa pinto. Hinawakan ko ang labi ko, sumabay naman ang pagbukas ni Jungkook ng ilaw. Hindi na siya lumingon sa akin at binuksan niya na lang ang pinto.

Nakita namin si Bea. Nagulat siya nang makita niya kaming dalawa ni Jungkook na magkasama sa iisang kwarto, "Uhh, Candice, baba na daw. Magsstart na daw yung pelikula." wika niya.

"Sige. Tara na." yaya ko kay Bea.

Hindi ko na sinabayan si Jungkook. Dun ko pa lang naisip ang pangyayari. Omg! Bakit naman ako pumayag sa ganun? Ang tanga tanga mo, Candice! Hinilamos ko ang kamay ko sa mukha ko habang bumababa kami ni Bea.

Ramdam ko din ang pagsunod samin ni Jungkook pababa kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Pagkababa namin, sinalubong ako ni Taehyung.

"Ice cream oh." sabi niya sakin at inabutan ako ng basong may vanilla ice cream.

"Salamat, Tae."

Umupo kaming dalawa sa sofa kasama ang iba. Umupo si Jungkook sa tabi ni Namjoon Oppa, "San ka galing?" tanong ni Namjoon Oppa kay Jungkook.

Napalunok na lang ako at umiwas ng tingin pero napatingin ako kay Bea. Tinaasan niya ako ng kilay. Tumayo siya papunta sa kusina pero niyaya niya si Hanna. Patay talaga ako, mukhang nagtataka si Bea sa nakita niya sa taas.

"Are you okay?"

Napalingon ako kay Taehyung, "Oo naman." sagot ko at nagsimulang kumain ng ice cream. Tumingin ako kay Jungkook. Sumandal siya kay Namjoon Oppa at sumagot.

"Kinuha ko lang ang phone ko sa kwarto ko." sagot niya at inilabas ang phone niya.

Medyo nakahinga naman ako ng maluwag. Nagsimula na ang pelikula at bumalik na rin si Bea at Hanna mula sa kusina.

Tahimik kaming lahat at pinapanood namin ang 'Alone Together'. May aircon dito sa salahan ng Mansion ng Bangtan kaya nakaramdam ako ng lamig.

"Hey."

"Bakit?"

"About sa sinabi ko sayo sa seaside, nakapagisip ka na ba?"

"Hindi pa. Bakit?"

"Wala naman. Sabihan mo agad ako kapag nakapagdesisyon ka na, okay ba?"

"Oo naman. Ikaw ang unang makaka-alam sa desisyon ko, Taehyung."

He smiled. Inakbayan niya ako at isinandal niya ang mukha ko sa braso niya. Mas naging komportable ako kaya napangiti ako. Biglang nagvibrate ang phone ko at nakatanggap ako ng text mula kay Hanna.

From: Hanna
Baka naman may balak kang magexplain samin. Bakit kayo magkasama ni Jungkook sa kwarto ni Jin Oppa?

Agad kong itinago ang phone ko at sumilip kay Hanna. Nanonood lang siya ng pelikula habang yakap yakap si Jimin Oppa. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung paano ako magpapalinawag kay Bea at Hanna.

Natapos namin ang pelikula. Nagayos kaming mga babae sa salahan at naghugas ng pinggan at baso ang mga lalaki. Nilapitan ako ni Hanna. "Hindi mo talaga kami kakausapin?" medyo inis niyang sabi.

Napatingin naman ako sa iba naming kasama bago magsalita, "Hanna, sasabihin ko naman. Pero, pwede bang mamaya na lang? Ayokong may makarinig." seryoso kong sagot.

Bumuntong hininga si Hanna at napatungo, "Okay. Sasabihin ko 'yan kay Bea dahil napapaisip rin si gaga."

Nginitian ko si Hanna at hinawakan siya sa braso, "Thank you, Hanna. Wag kayong magalala."

"Oo naman. Sige, pupunta muna akong kusina."

The Bad Boy's Slave | Jeon Jungkook X ReaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon