[26] Lola Imelda

1.2K 41 6
                                    





Tahimik kaming kumakain ni Hanna sa Canteen. Hindi nakapasok si Bea dahil binisita niya ang Lola niya sa Bulacan.

Habang masaya kaming nagkekwentuhan, may naramdaman akong basa sa ulo ko. Nakita ko ang pagkagulat ni Bea kaya napatayo ako.

At dun ko narealize na binuhusan na pala ako ng malamig na tubig. Agad akong lumingon at nakita ko si Amethyst at Margarette. Uminit agad ang ulo ko.

"Angry agad? Tandaan mo, wag mo akong subukang kalabanin. Pahihirapan kita hanggang sa hindi ka na pumasok dito." wika ni Margarette at umalis.

Buti walang pang tao dahil maaga pa at ang iba ay may kanya kanya ng klase. Tumingin ako sa sarili kong basang basa.

"Susugudin ko talaga siya! Teka!" sigaw ni Bea ngunit agad ko siyang pinigilan.

"Pabayaan mo na, palagpasin natin 'to. Mayroon pa naman akong uniporme sa locker." sagot ko kay Bea.

Sinamahan ako ni Bea magpalit sa loob ng banyo. Totoo nga ang sinabi ng mga kaibigan ko, hindi ko alam ang tumatakbo sa isip ni Margarette at kahit anong oras aatake siya.

Inayos ko ang buhok ko at lumabas. Nakita kong naguusap si Bea at Jungkook.

Napalingon saakin si Jungkook at agad ako nitong niyakap. Nagthumbs-up naman sakin si Bea. Siguro nagsumbong siya kay Jungkook about sa nangyari kanina.

"Are you okay?" tanong ni Jungkook.

Tumango lang ako at ngumiti. Nandito na siya kaya okay na ako. Ayokong masira ang araw ko ngayon. Masaya na akong nakita ko ang lalaking iniibig ko.

"Wag kang mag-alala. Hinding hindi ko 'to papalagpasin. Kakausapin ko silang dalawa." wika ni Jungkook.

Umiling agad ako, "No, Jungkook. Ayokong madamay ka pa dito. Ako na ang bahala."

"Kung damay ka, damay na rin ako."

Hindi ako mapakali sa sagot ni Jungkook pero napangiti ako.


>>>>>>>>>>>>>

Nagliligpit kaming dalawa ni Papa ng bahay ngayong umaga. "Nak, kamusta naman ang pagaaral mo?" tanong ni Papa.

"Ayos naman po." sagot ko habang nagpapalit ng kurtina.

Gusto ko na sana sabihin kay Papa na makakatanggap ako ng 285,000 Pesos. Remember? 3 months akong naging slave ni Jungkook at kada month 95 thousand ang sweldo.

Kaso, alam kong hindi matutuwa si Papa. Malapit na ang birthday ni Papa, gusto ko sana siyang supresahin. Kaso, hindi itong masamang balita.

"Papa, anong gusto mo sa kaarawan mo?"

"Gusto ko lang ay maging buo tayo sa araw na 'yon."

Natahimik naman ako ng saglit. Natouch ako sa sinabi ni Papa kasi kahit hindi naging maganda yung relasyon nila ni Mama, mahal na mahal niya pa rin ito. Kahit ipinagpalit niya pa kami sa iba.

Nagpatuloy lang kami sa aming ginagawa. Nagpalit rin kami ng mga bed sheets at marami pang iba. Pagkatapos, naligo si Papa at kumain.

"Anak, aalis na ako. Magiingat ka at kung aalis ka, magtext ka sakin." bilin ni Papa.

Tumango lang ako at hinalikan ko siya sa pisngi at nagpaalam. Umakyat ako sa kwarto ko at natulog ng saglit.


>>>>>>>>>

The Bad Boy's Slave | Jeon Jungkook X ReaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon