[30] House Blessing

1.4K 53 63
                                    





"Candice, kumain na tayo. Nakahanda na mga pagkain sa lamesa." tawag ni Bea mula sa baba.

"Susunod ako!" sagot ko.

Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko at tumayo mula sa kama ko. Bumaba ako at nakita kong kumakain na nga ng almusal si Bea. Umupo ako sa harap niya at kumain.

"Ayos ka lang ba? Ilang araw ka na ganyan." wika niya.

Pilit akong ngumiti, "Ayos lang. Pagod kasi lagi, pasensya ka na." sagot ko.

"By the way, pupunta ako mamaya sa bagong bahay ng Bangtan. House blessing nila, sama ka?" tanong niya.

"Susubukan ko." sagot ko na lang at tinapos ang pagkain ko.


Hinawakan ni Bea ang kamay ko, "Ano ba talaga ang nangyari sa inyo ni Jungkook?" tanong sa akin ni Bea.

Ngumiti ako at hinawakan rin ang kamay niya, "Ayos lang ako, Bea. Wag kang magalala." sagot ko sa kanya at tumayo.

Nilagay ko ang mga platong kinainan namin sa lababo at hinugasan ito. Pumatak ang luha ko pagka-akyat ni Bea sa taas.



**********

Habang nagbabasa ng aklat, biglang bumukas ang pinto ko at nakita ko si Hanna at Bea na may dalang asul na dress. Talaga bang pililitin nila akong sumama sa House Blessing?

 Talaga bang pililitin nila akong sumama sa House Blessing?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Magtataka sila kapag wala ka don. So, sumama ka na." sabi ni Hanna ay inilapag sa tabi ko ang dress.

Umupo silang dalawa kama ko, "Ano ba talaga ang nangyari?" tanong ulit ni Bea.

Kusa na lang tumulo ang luha mula sa mata ko. Hindi ko na kayang magtago pa sa ka nila. Agad na nagalala ang mga mukha nila.

"Candice, nandito kami. Makikinig kami." dagdag ni Hanna.

"Nabuntis n-ni Jungkook s-si M-Margarette." hagulgol ko.


Napatakip ng bibig si Bea. Nagkatinginan lang sila ni Hanna. Gulat na gulat silang dalawa at hindi na sila nakapagsalita.

"N-Nabuntis? Sigurado ka ba?" tanong ni Hanna.

Tumango lang ako, "Kinuwento sakin ni Taehyung. Dalawang buwan na. At yun rin siguro ang dahilan kung bakit tinigil na ni Jungkook ang panliligaw niya sa akin." umiiyak kong sagot.

Mas lalo akong naiyak. Sobrang sakit kasi dahil mahal ko na rin si Jungkook. Napaka-sarap lang na yung taong mahal mo, mahal ka rin. Pero sa isang iglap, bigla bigla na lang silang mawawala sayo at malalaman mo na may iba na pala.

Ang mas malala pa don, habang pinapangiti niya ko araw araw, may nabubuo na pala sa ka nilang dalawa ni Margarette. Pagkakamali ko siguro ay masyado akong nakampante.

The Bad Boy's Slave | Jeon Jungkook X ReaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon