[11] Taehyung & Jungkook

2K 63 2
                                    

Candice's POV

Wala talaga akong ganang tumayo at pumasok ngayon. Hindi parin mawala sa isipan ko ang sinabi sakin ni Mama kagabi. Humarap ako sa salamin at sumalubong saakin ang namumugto kong mata.

Biglang bumukas ang pintuan. "Anak. Kumain ka na at may pasok ka pa." nakangiting sabi ni Papa.

Tumango nalang ako. Naligo ako at bumaba. Tahimik akong kumain. Kasabay ko si Papa habang kumakain ako pero parang anino lang siya. Tila mga kutsara't tinidor lang ang maririnig mo sa silid.

Habang kumakain kami, biglang may kumatok. Agad tumayo si Papa ay binuksan ang pinto. Nakakita ako ng isang babaeng maikli ang buhok at nakasuot ng sunday dress.

May dala siyang basket. "Ito po pala yung order ninyo." sabi niya. Inabot niya ito kay Papa. Inabutan siya ni Papa ng isang daan.

"Salamat." sabi ni Papa at ngumiti. Nilagay ni Papa sa lamesa ang basket at bumalik ulit sa pagkain. Oo, alam kong lutang na lutang ako ngayon. At hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko kela Hanna kapag nakita nila akong ganito mamaya.

"Anak. Magayos ayos ka mamaya. Bday ng bestfriend mo." sabi ni Papa.

"Sino po?" tanong ko.

Malayo pa naman ang bday ni Hanna at Bea. Ewan ko kung sinong bestfriend ang tinutukoy ni Papa. "Yung kapitbahay natin. Si Mayara." sagot ni Papa.

Napatango-tango nalang ako. Mayara is a friend. Hindi kami masyadong close pero we're good. Uminom ako ng tubig at kinuha ang nakasabit kong bag. Sinuot ko ang sneakers ko.

"Alis na po ako."

************

Hanna's POV

"Grabe ha! Ang tagal mo naman magayos!" sigaw ni Bea.

"Sino ba naman kasing nagsabi sayo na hintayin mo ko!?" sigaw ko rin. Kanina pa kami nagbabangayan dito sa kalsada.

Papunta kami sa Campus. Actually, late na nga kami. Oo! Ako ang dahilan, aminado ako. Pero, hindi ko naman sinabi sakanya na hintayin niya ako 'no. Siya ang may kasalanan sa pagiging late nya.

"Bruha ka! Edi magagalit ka non!"

Binatukan ko naman siya, "Shut up." wika ko at tinarayan siya. Habang naglalakad kami, nakita namin si Candice na nakasuot ng earphones habang naglalakad. Sabay kaming tumakbo ni Bea papunta sakanya.

"Candice!" sigaw ko habang tumatakbo. Napalingon naman siya saamin. Ganun pala kalakas boses ko?

Nakasuot na siya ng earphones eh. "Oh. Hala tara na. Malalate na tayo." wika niya.

************

Candice's POV

Late na nga kaming pumasok kanina sa class namin. Nagalit samin ang Prof kaya nadetention kami. Mamayang uwian pa. Kaya nandito kami ngayon sa may grass ng Campus. Nagrereview kami kasi test na namin next week at syempre kailangan naming makapasa. We don't want to disappoint our parents.

"Ayoko na. Sumasabog na talaga ang brainy ko." reklamo ni Bea at binato ang ballpen niya.

Hindi naman ako kumibo. Tuloy tuloy lang ako sa pagbasa. Nasaan kaya si Jungkook? Bakit hindi niya ako masyadong inuutusan? Baka naman may sakit nanaman 'yon. Sakitin ba 'yon? Oh baka naman nasa tambayan lang sila. Hindi ko naman kasi alam kung may class ba siya ngayon.

"Candice, may kopya ka ba nito?"

May mga tao talagang nagpaparamdam lang kapag may kailangan. Well, slave lang naman ako kaya it's fine. Namimiss ko na tuloy yung inuutusan niya ako. Huminga ako ng malalim. Bakit ko ba iniisip si Jungkook?

"Hoy. Lutang ka?"

Hindi naman niya ako iniisip so dapat hindi ko rin siya isipin. Mamaya baka makagat niya pa ang dila niya habang kumakain siya at ako pa ang may kagagawan non. Or baka sinisinok na siya ngayon. Napatawa nalang ako sa mga iniisip ko. Ang lakas talaga ng tama ko.

"CANDICE! ANO BA!"

"Ay peklat ni Jungkook!" sigaw ko sa pagkagulat.

Sinamaan naman ako ng tingin ni Hanna. Anong meron? Bakit siya sumisigaw? Katabi niya lang naman ako ah. Napahawak ako sa dibdib ko.

"Ginugulat mo naman ako." sabi ko at binalik ang tingin sa librong hawak ko.

"Paano ba naman? Kanina pa kita tinatawag eh mukhang may iniisip ka!" sagot niya.

"Wala ah."

Binato naman ako ng popcorn ni Bea, "Ano ba." sabi ko.

"Sus! Hindi mo kami mapapaniwala." pangasar naman ni Bea.

Tinarayan ko lang siya, "Bakit? Hindi ko naman iniisip si Jungkook. Wala akong pakialam sakanya."

Napatawa naman si Hanna sa sinabi ko. Ano bang nakakatawa?

"Defensive ka. Wala naman kaming sinasabi na si Jungkook yung iniisip mo!" wika nito.

"B-Bahala nga kayo diyan!" sigaw ko at tumayo para pumuntang classroom.

Rinig ko parin ang tawanan nila habang naglalakad ako paalis.

*************

Nasa tambayan na kami. Hinihintay nalang namin sila Jimin at Jungkook dahil pumunta daw sa SB. Mga lakwatsero talaga. Nakaupo lang ako sa sofa habang naglalaro sa phone ko. Biglang tumabi saakin si Taehyung.

"Hi, Candice." bati niya.

"Hi." tipid kong sagot habang nakatingin parin sa phone ko.

Naglalaro kasi ako ng Superstar Bts. Tumawa naman si Taehyung. "Fan ka ba?" tanong niya.

Umiling lang ako. Ang cool lang kasi ng game. Saka, pampalipas oras ko narin.

"Psst. Pansinin mo naman ako." sabi niya at nagpout.

Bakit ba kasi ang kulit niya? Naglalaro ako. "Wait." sabi ko.

Lilingon na sana ako kay Taehyung pero nagulat nalang ako nang nakita ko siyang nakabaksak sa sahig at may dugo sa labi. Agad akong nataranta kaya hindi ako nakakilos.

Nakita ko si Margarette na lumapit kay Taehyung, "Babe! Oh my god!" sigaw nito at tinulungan si Taehyung na tumayo. Napatingin ako kay Jungkook na nasa tabi ko at hinihingal.

"G*go!" sigaw ni Jungkook kay Taehyung.

Hinawakan ko naman si Jungkook para hindi na siya pumalag pa. "Kookie! Ano ba!?" suway ko.

Hindi ako pinansin ni Jungkook. Nakatitig lang siya kay Taehyung. Tumayo naman si Taehyung at tumawa. Ano bang nangyayari sakanilang dalawa? Bakit sila bigla biglang nagaaway?

Taehyung smirked. "Why? Natatakot ka na makuha ko sayo si Candice!?"

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Taehyung. Nakasarado ang mga kamao ni Jungkook. Tumingin ako sakanya.

"Please. Umalis nalang tayo." sabi ko habang pinipigilang pumatak ang luha ko.

Ayoko silang makitang nagaaway. Sinanggi ni Jungkook ang kamay ko at hinatak ang collar ni Taehyung. Nagsuntukan silang dalawa.

Hinatak ako ni Patch paalis, "Wag ka ng sumali! Masasaktan ka lang!" sigaw niya.

"HOY! TAMA NA!" sigaw ni Jin Oppa habang pinipigilan niya ang dalawa.

************

Kekeke eto na po

The Bad Boy's Slave | Jeon Jungkook X ReaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon