[37] Hell Month

627 17 5
                                    



Candice's POV

Nagising ako sa sobrang vivid ng sikat ng araw. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang unan ko. "Ugh. Tinatamad ako pumasok." bulong ko.

Anyway, friday na naman. Wala nang pasok bukas. Tumayo ako at nagtali ng buhok. Bumaba ako at nakita ko si Hanna at Bea na nagaalmusal.

"Good morning." bati ko.

"Oh kain na." sabi ni Bea.

Umupo ako sa tabi ni Hanna. Pero hindi ko na siya tinignan pa. Umubo si Bea at nagsimulang kumain.

"Baka naman pwede na nating pag-usapan 'yung nangyari kahapon."

Nagsimula kaming kumain. Hinintay naming magsimulang mag-salita si Hanna pero wala. Wala rin ako sa mood para makipag-talo o magisip-isip.

Ang aga aga pa lang.

"Hanna? May gusto ka bang i-explain?" sabi ni Bea.

"Wala 'yon."

"Anong wala?"

"Wala 'yon. Pagod lang."

"Ah so sunod sunod na araw ka nang pagod? Hindi ka ba nagpapahinga?"

Hindi na sumagot si Hanna. Pinagpatuloy niya lang ang pag-kain niya. Bumuntong hininga na lang si Bea.

Pagkatapos namin kumain, umakyat na ko para magready papuntang Campus.

45 Minutes Later

Bumaba na ko at mukhang nauna na silang dalawa. Baka may mga sundo. Syempre may sundo rin ako. Nilock ko ang apartment namin at biglang tumunog ang phone ko.

 Nilock ko ang apartment namin at biglang tumunog ang phone ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nakangiti naman ako nagtype.

Kumaripas ako ng takbo pababa mula sa apartment namin at nakita ko si Jungkook na nakasandal sa kotse niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Kumaripas ako ng takbo pababa mula sa apartment namin at nakita ko si Jungkook na nakasandal sa kotse niya. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo.

"You look good, Baby."

I smiled, "Ang aga aga! Nagpapakilig ka!" sagot ko.

The Bad Boy's Slave | Jeon Jungkook X ReaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon