Chapter 10

2 0 0
                                    

They visited Cas after the party. And after the party too, nagkabati na si Cloe and Bel. They all visited Cas with a smile and lalo silang napangiti when they saw Cas smiling while she's with some of her fans sa loob ng kwarto nito.

Pinayagan nadin na bumisita ang mga piling guest kay Cas. Alam nadin ng lahat ang nangyari sa kanya kaya madami nading bumibisita sa ospital kung nasaan si Cas but they chose to protect her and keep her restricted from being visited. Nasa kuya at mama ni Cas ang desisyon kung sino ang pwedeng bumisita kay Cas and as of the moment ito ang unang bisita nya.

"Pumayag na ba sila tita kung pwede ng bisitahin si Cas? Baka makasama sa kanya 'to" - Ellie

Agad namang nilapitan ni Cloe ang mama ni Cas at kinausap ito.

"Tita. Pumayag na po kayong bisitahin si Cas? Hindi po ba makakasama sa kanya 'to? Baka po maforce syang intindihin lahat" - Cloe

"Nagpaalam na kami sa doctor nya and nagsalita si Cas kanina, she said in her sentence that she wants to see them kaya pinagbigyan namin siya anak. Don't worry, we'll handle it properly. Binibigyan lang namin ng 20 minutes every visitor nya kahit pa ilan sila. And ang fans nya ang una and huli ngayon araw, Clark wants na isang araw isang visitor lang kaya she'll be fine." - Cas' mother

After 10 minutes, lumabas nadin ang mga bisita ni Cas. Hindi din kasi pinayagan na kumuha ng pictures or anything para sa ikabubuti nya. But they gave her letters since nakakabasa naman si Cas, medyo hirap lang sya gumalaw galaw because of her head injury. But they can talk to her and she gives short responses too.

"Lalabas lang kami ni Clark ha, Cloe anak, ikaw muna bahala dito kay Cas habang wala kami ha." - Cassandra's mom

"Sure tita. 'Di po ako aalis promise" - Cloe

Unti unti naman nilang nilagay ang mga dala nila sa couch ng kwarto ni Cas. Inayos nila yun habang nakatalikod kay Cas...

"S-san kayo g-galing?" - Cas

Napalingon agad silang lahat dahil sa tanong ni Cas. Lumapit sila dito and isa isang umupo sa gilid ni Cas then told everything na nangyari sa party...

"Nagcelebrate lang kami ng party ni Cloe Cas, diba sinabi namin sayo yun kahapon? And you agreed to our plan kaya kanina, ginawa na namin" - Bel

Napangiti naman si Cas and looked at Cloe's direction

"A-advance H-happy B-birthday Cloe" - Cas smiled

Napangiti naman si Cloe and went near Cas to tell her about the party. Nasa cellphone nya some of the videos she recorded in the party, she recorded it to tell it to Cas because she knows that it can make her smile just for a moment.

Habang nagkukwentuhan si Cloe and Cas, inayos nila Alex ang mga dala nila and ang dala nilang gift kay Cas, isa itong necklace na pasadya, as promised, may regalo talaga sila kay Cas, actually lahat sila meron nun but yung necklace ni Cas at rose-gold samantalang lahat sila ay silver. Hinanda nila ang soup na kakainin ni Cas with their gift on the side. Sumenyas sila kay Cloe kung ibibigay na ba.

"Cas, we have a gift for you" - Cloe

Lumapit sila kay Cas and nakita nito ang box na nasa gilid ng pagkain nya.

"Lahat tayo meron nyan *showed their necklace* but, ikaw ang special so pinalamaganda sa'yo" - Cloe said while putting the pendat sa necklace ni Cas. Hindi nya inalis ang necklace ni Cas na suot nya since she's a kid.

"Thank you." - Cas

They saw Cassandra smiled then they smiled too. Nagpatuloy sila sa pagkukwentuhan hanggang sa magsalia si Cas saglit.

FRENNYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon