Sa mga Maiiwan

55 3 0
                                    

Sa mga Maiiwan (For the Left-behind)

Kawawa ang mga hindi nakinig sa panawagan,
Kailangan nilang pagtibayin ang kanilang damdamin,
Upang kanilang mapatunayan ang katapatan,
Sa Panginoon na Siyang Ama ng lahat ng nilikha.

Ang panahon na kanilang sinayang,
Katumbas ng kanilang paghihirap.

Ang alam ng lahat - ang lahat ay maliligtas dahil sa paniniwala lang- ngunit mali ang akala,
Dahil sa walang pang-unawa na ginawa,
Kaya ngayon ay nahihirapan.

Dalawa ang paraan ng pagliligtas,
Ngunit magkaiba ang daan:
Isang unang aanihin dahil mabuting bunga,
At isang pipilian dahil may halong buto at dumi.
Ang nahulog sa salaan ang siyang dadalhin sa imbakan,
Imbakan ng dumi at dayami.
Ang nasala ang siyang mapapasama sa kamalig.


IKAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon