Tahanan Kong Itinayo

34 1 0
                                    

Tahanan Kong Itinayo (I Erect My House)

Pangarap ko ang magandang tahanan,
Puno ng mga magagarang kasangkapan,
Kaya sa simula pa lang ito ay pinagsikapan,
Upang makamit ang tahanang inaasam.

Namili ako ng lupa sa kung saan,
Kaagad ko itong pinundasyunan,
Upang mapabilis ang balakin,
Sa matarik at mabatong buhangin,

Na aking napiling sukatin,
Ang tahanan na aking sisipatin,
Kahit malayo ay madaling tanawin,
Mabilis ko rin itong tatahakin.

Sa paraang aking naisipan,
Walang alinlangan ko itong sinimulan,
At na yari nang mabilisan,
Sa labas at loob ay pinalamutian.

Galak na walanghanggan aking nakamtan,
Nagbunyi sa sobrang kagandahan,
Sa dami ng silid at mga pintuan,
Hindi ko marating ang kadulo-duluhan,

Hindi maaninag ang patutunguhan,
Sa tahan kong pinagpaguran,
Maging ako ay naguguluhan,
Sa sinapit na kapalaran,

Bahay na bato ang itinayo ko,
Ngunit mapanglaw ang kinang nito,
Kahit puno ng mga pilak at ginto,
Porselana at maging ng tanso.

Kahit gaano karaming kasiyahan,
Pagtitipon at handaan,
Ngunit ito'y walang paglagyan,
Maging kagalakan ay madaling panawan,

Sabi sa Salita ng Panginoon,
Ang matalinong tao ay nagtatayo
Ng bahay sa bato,
Ang nagtatanim ay namumunga
Ng marami,
Mag-impok ng kayamanan sa langit,
Humingi at ikaw ay bibigyan,
Mahalin ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili,

Ngunit ang tahanan ko ay nakatayo na,
At mala-langit na ang kinalalagyan,
Humingi na ako at narito na,
Marami na rin akong kapwa
Na nasa paligid ko pa!

Ano ang kulang sa lahat ng ito?
Bakit pakiramdam ko kulang pa ito?
Mayaman na ako sa lahat ng luho!
Ngunit tila may butas ang dibdib ko!

-----

Note:

Ito ang literal na nagtayo ng tahan sa bato, sinunod ang nakasulat sa Salita ng Diyos ngunit mali ang unawa niya sa nilalaman nito.

IKAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon