Uháw at Gutôm (Thirsty and Hungry)
Nauuhaw ako,
Ngunit hindi pa rin
Mapunan ng tubig
Ang aking lalagyan.Nagugutom ako,
Ngunit hindi rin
Mapunan ng anoman
Ang tiyan kong lumalaki na.Ang uhaw ko'y hindi tubig mula sa balon.
Ang gutom ko'y hindi kanin at ulam mula sa kawali.
Ito ang gutom na hindi kayang punan ng mga bagay na mula sa daigdig.
Ang uhaw na ito ay nagbubukal sa kaluluwa.
Ang hanap ko ay ang Salita ng Panginoon,
Ang buhay na Nagbibigay-buhay.
Ang kaniyang tinig ang kulang,
Na pupuno sa aking pagkatao.Hindi sa pamamagitan ng pagpunta
Sa mga bahay na bato,
Ang sagot sa paghahanap ko,
Kundi ang maging tahimik
Sa ilang sandali ang kailangan ko.Matatagpuan ang kabusugan,
Sa tinapay na mula sa langit.
At tubig na walanghanggang
Bumubukal, hindi sa labas kundi sa loob.Napupuno ang lahat ng aking mga ugat,
At napapalitan ng mainit na pakiramdam,
Tulad ng taong tinubuan ng pag-ibig sa kapwa,
Nag-aalab ako ngunit hindi nasusunog,
Dahil pag-ibig ng Panginoon ang taglay nito.

BINABASA MO ANG
IKAW
شِعرSpeech, Poem, something about DIWA. Salita na puwedeng daanin sa tula. Tungkol sa IYO. Pasukin mo nang malaman mo.