This happened like many years ago. I think Grade 1 ako nung nagbuntis ang mama ko sa brother ko. Every night doon ako tumatambay sa bahay ng tita ko. Naglalaro kasi kami ng mga pinsan ko. Timing din nasira ang TV namin kaya nakikkinuod na din ako ng TV doon sa tita ko. Hehe.
One night, 10pm na ata yun ng umuwi ako ng bahay namin. That night din yung isang kapitbahay namin na nakikinuod ng TV sa tita ko umuwi na din kaya sabay kaming umalis. Tumakbo ako kasi nga gabi na baka hinahanap na din ako ni mama.
Kinabukasan Sabado, pagkatapos namin maglaro ng mga pinsan at mga kapitbahay namin naikwento saken ng kapitbahay namin ang nagyari kagabi.
"Uy Cassie, alam mo ba kagabi may nakita ako sa bahay nyo.."
"HA? Ano nakita mo Violy?"
Yung bahay kasi namin may silong sya tapos kawayan lang yung sahig namin kaya nakikita yung lupa sa ilalim ng sahig namin at kapag nasa ilalim ka naman makikita mo yung nasa loob.
"May nakita kasi akong parang ibon na maitim eh sa may silong ng bahay nyo.."
"Sure ka? Baka guni guni mo lang yun."
"Hindi ah! Three days ko na kayang nakikita yun every night na umuuwi tayo galing kina Tita Arlene."
"Eh bakit ngayon mo lang sinabi saken?"
"Kasi kagabi d lang sa silong nyo may maitim na ibon, pati na rin sa bubong nyo. Parang gustong pumasok sa bahay nyo.."
"Wag mo akong takutin Violy. Buntis pa naman si Mama."
"Totoo kasi sinasabi ko eh."
Simula nung sinabi ni Violy na may maitim na ibon na laging andun sa ilalim ng bahay at sa bubong namin hindi na ako lumalabas ng bahay kapag gabi. Sinabihan ko si Mama tungkol dun, sabi naman nya may nararamdaman din syang parang lumilipad sa silong ng bahay namin. KYAAAAAAAAA.
.
.
.
.
.
Ngayon naman buntis ang pinsan ko. Nakatira sila ng asawa nya malayo sa bahay ng parents nya. Graveyard shift ang asawa nya kaya mag isa lang sya kapag gabi. Simula ng malaman nya na buntis sya lage na syang nakakaramdam ng kakaiba sa bubong nila every night. Hindi naman naniniwala ang asawa nya sa mga horror stories.
Martes yun mga bandang 9:30pm habang naghahanda ang asawa nyang si Wesley para pumasok ng trabaho may narinig siyang kalabog sa bubong.
"Gang, ano kaya yun?" Wesley
Gang kasi tawagan nila ng asawa nya. Sa oras na yun si Cristy, yung pinsan ko, naghuhugas ng plato sa kusina.
"Ewan ko Gang, ilang araw ko na din naririnig yan jan. D ko nalang pinapansin."
Hindi nakatiis si Wesley kaya lumabas sya ng bahay at tinignan ang kung anong nasa bubong.
Nagulat sya sa nakita nya. Isang malaking ibon na maitim ang nasa bubong nila. Nakakatakot daw yung mata nung ibon. Kaya agad siyang pumasok ng bahay.
"May malaking ibon Gang sa bubong. Magpalit ka ng damit yung itim na damit. Tapos asan yung mga bawang natin?"
"HA? Aanhin nyo ang bawang Gang?"
"Ilalagay ko sa buong bahay natin. Pangontra daw yun sa mga aswang eh!"
"Akala ko ba d ka naniniwala sa aswang?"
"D pa ba ako maniniwala Gang, e kitang kita ko na."
Kaya ayun, nagbihis ng itim na damit yung pinsan ko tapos nilagay ni Wesley yung mga bawang sa kusina, sala, sa kwarto nila at sa lahat ng sulok na ata ng bahay nila. Hindi na rin siya pumasok sa office nun dahil hindi nya maiwan si Cristy mag isa.
________________________________________________
A/N: I'm not sure kung ano talaga exactly ang nakita nila Violy at Wesley pero ang alam ko lang, nakita nila. Hihihi.
Vote. Comment. Be fan. Aswang.

BINABASA MO ANG
HORROR STORIES
TerrorThis is a compilation of horror stories from the people I know. It's up to you kung maniniwala kayo or not! :)