BABAE SA PUNO

1.7K 26 2
                                    

A/N: Nag uusap kami ng isa kong officemate ng umabot sa horror stories ang topic namin. Weird nga lang dahil funny naman kasi yung unang topic namin e biglang horror. HAHAHA!

**

Sabi ni Chris, noong mga bata pa sila ng mga kapatid nya naiwan daw sila nung kapatid nyang babae sa bahay nila dahil yung mga magulang nila at ibang kapatid umalis.

"Dong, ano yun?"

"Ha? Saan?"

May nakita kasi yung kapatid nyang si Checky na babae na nakatayo ilalim ng puno ng mangga malapit sa bahay nila. Nagulat siya ng makita nya.

Dahil bata pa at curious si Chris lumabas sya ng bahay nila at naglakad patungo doon sa babaeng nakatayo ilalim ng kahoy.

Habang papalapit ng papalapit si Chris sa puno parang papalayo ng papalayo naman yung babae. Hindi nya alam kung anong nangyari pero ng nasa ilalim na sya ng puno, yung babae nasa malayo pa din sa kanya. Ang puti daw nung babae. 

"Dong.. Bumalik kana dito!!"

Tawag nung kapatid nya. Kaya lumingon sya dito. Pero ng pagbalik lingon nya doon sa babae, biglang nawala.

"Asan na kaya yun?"

Pagtataka ni Chris. Dahil sa nawala naman yung babae bigla, bumalik nalang siya sa loob ng bahay nila.

Yung bahay nila Chris may silong kasi doon nila nilalagay yung alagang manok ng papa niya. Nang nasa loob na ng bahay si Chris at Checky nagulat sila ng biglang may matulis na stick sa sahig nila na galing sa ilalim ng bahay.

Patakbo takbo silang magkapatid sa loob ng bahay dahil yung matulis na stick na yung ay parang sinusundan sila. 

"KYAAAAAAAAAAAAAAA!!!"

Sigaw ni Checky habang umiiyak na. Hindi na nila alam kung ano ang gagawin dahil kahit saan sila magpunta nasusundan sila. Ang ginawa ni Chris, yung mga unan, kumot at mga damit nilapag nya sa sahig.

Maya maya tumigil na din yun. Umiiyak pa din si Checky pati na rin si Chris dahil sa takot. Dahil sa wala na yung matulis na stick na parang humahabol sa kanila, sumilip si Chris sa ilalim ng bahay nila.

Laking gulat nya.

"WAAAAAAAAAAAAAA.."

"Bakit dong?"

"Yung babae kanina sa puno, siya yung tumutusok dun sa matulis na stick."

Pagkatapos sabihin ni Chris yun, bumalik na naman yung matulis na stick. Umiiyak na naman si Checky.

"WAAAAAAAAAAAA!!!!"

Biglang natigil din yun ng dumating ang pinsan nila. Hanggang ngayon, d pa rin makapaniwala si Chris sa nangyari. Few years after nung nangyari, lumipat na sila ng bahay kaya d narin nila inisip ng kapatid nya ang nangyari.

_______________________________________________ 

A/N: I don't know kung ano yung babae. Kung white lady ba siya or what. At kung bakit nya ginawa yun. Mystery!

Vote. Comment. Be Fan. Rawr.

HORROR STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon