Doon ako pinanganak sa Leyte. Bata pa lang ako palipat lipat na kami ng tirahan sa Leyte. Buntis si Nanay sa bunso naming kapatid noon. Dahil mahirap lang ang buhay kelangan magbanat ng buto ng Tatay ko at kaming magkakapatid.
Isang araw, naiwan ako at ang buntis kong Nanay sa kubo namin. Gabi na un. Naghahanda kami ni Nanay ng hapunan namin para pagdating ni Tatay at ng mga kapatid ko makakain na kami.
"Tere, lumayo ka sa bintana."
Utos ni Nanay saken. Nagulat naman ako pero sinunod ko din sya. Lumapit sya sa bintana at sinara ito.
"Bakit Nay?"
"May aswang. Gustong pumasok."
"Po? Aswang??"
D ako makapaniwala. Bigla akong natakot. Huhuhu. Napansin ko may isang matulis na kuko sa dingding namin na para bang gumagawa ng butas.
"Tumahimik ka Tere. Anjan na naman sya."
Umiiyak na kasi ako sa takot nun. Si Nanay parang d sya natatakot pero ako parang mamamatay na talaga sa takot.
Biglang may kumalabog sa bubong namin. KYAAAAAAAAAAA. Ano ba un?!! Tapos biglang may lumipad. Umalis na siguro ang aswang. Hay salamat! Nasabi ko sa isip ko.
Umalis pala ang aswang kasi paparating na si Tatay at mga kapatid ko. Buti nalang talaga! Kinwento ko naman sa mga kapatid ko ang nangyari.
"Talaga Tere? Aswang talaga?"
Tanong saken ng nakakatandang kapatid ko. Tumango naman ako.
"Tigilan nyo na yan. Matatakot lang kayo eh."
Sabi naman ni Tatay. Kapag naiisip ko yung nangyari kanina natatakot talaga ako.
Pagkatapos naming kumain natulog na din kami. Tabi tabi lang kami matulog kasi nga bahay kubo lang ang tinitirhan namin.
Pagkalipas ng ilang araw, lumipat na naman kami ng tinitirhan. Dahil na din sa palipat lipat ng trabaho ang Tatay ko.
Naiwan ang Nanay at si Ate Vergie sa bahay namin dahil kami naman ang naghahanap buhay.
Natutulog na sila noon ng biglang nagising si Ate. Nakita nya na may parang mahabang dila na papalapit sa tiyan ng Nanay habang tulog ito.
"Naaaaaay!!!"
Sigaw ni Ate kaya nagising si Nanay. Bigla naman nawala yung parang dila. Nagulat si Nanay.
"Bakit Vergie?"
"May dila Nay. Ayun!"
Tumingala silang dalawa sa bubong ng kubo at nakita nila ung dila na pumasok sa bibig ng aswang.
"Umalis ka dito!!!"
Sigaw na utos ni Nanay sa aswang sabay tapon ng asin. Umalis din naman ang aswang. Iyak ng iyak sa takot si Ate.
Simula noon, d na iniiwan si Nanay mag isa dahil nakakatakot ang aswang. Gabi na ng manganganak na si Nanay. Dahil malayo ang bahay namin kelangan pa sunduin ang midwife sa baryo namin.
"Tere, samahan mo ako sunduin natin ang midwife."
Sabi ni Tatay. Sumama naman ako.
"Ako din Tay."
Gusto din sumama ni Nida sa amin ni Tatay. Kaya pinasama na din sya. Naiwan kasama ni Nanay sa bahay si Ate Vergie at Ate Soring.
Naglalakad na kami sa kagubatan papunta sa labasan ng may nakasalubong kaming nakaputing babae. D nga lang makita ang mukha nya. Nang malapit na sya sa amin.
"Magandang gabi po."
Sabi ko. Hindi naman sya sumagot. Siguro d lang nya narinig. Lumagpas na sya sa amin. At dahil sa d nya ako sinagot, nilingon ko naman sya.
KYAAAAAAAAAAAAAA.
Biglang nawala? Saan sya nagpunta? Nawala lang sya na parang bula. Nakuuuuuuu. Tumayo ang balahibo ko at ni Nida. Pati kasi sya lumingon din.
"Magmadali na kayo sa paglalakad. Dapat maabutan natin ang midwife bago pa sya makaalis papunta sa kabilang bayan."
Dahil sa bilis naming maglakad, malayo na din ang narating namin. Pero nanlaki ang mga mata namin ng makasalubong ulet namin ang babaeng nakaputi. Doon ko napansin na hindi pala sya nakaapak sa lupa.
"WAAAAAAAAAAAAAAA."
Dahil dun, nagtatatakbo na kami. Pati nga si Tatay tumakbo na din eh. Iniwan kasi namin sya. Hohoo! D ko talaga ito makakalimutan! Nakakatakot!
-------------------------------
A/N: Hello po sa inyo! Hehehehe. Salamat po sa pagbabasa.
Vote. Comment. Be fan. Shout.
![](https://img.wattpad.com/cover/18236133-288-k455919.jpg)
BINABASA MO ANG
HORROR STORIES
HorrorThis is a compilation of horror stories from the people I know. It's up to you kung maniniwala kayo or not! :)