JANITRESS

1.6K 23 2
                                    

Janitress ang title ng chapter na to kasi kwento ito ng janitress namin noon sa office. Kapag nagkikita kasi kami sa CR nagkukwentuhan pa kami. Talkative kasi ako, yaan na! HAHAHAHA!

Nangyari ito sa 8th floor ng building namin, tatlong floor kasi ang inuupahan ng company namin, ang ground floor, 8th at 9th floor. Linggo daw yun at walang ibang tao sa 8th floor dahil wala namang pasok nun. Yung isang kasama ni Gina na janitor na si Roel nasa 9th floor naman naglilinis.

Habang nagwawalis si Gina, nagulat sya dahil biglang may kalabog malapit sa likurang bahagi ng mga desk. Wala namang ibang tao maliban sa kanya.

"Ano kaya un?"

Natanong ni Gina sa sarili nya pero deadma sya dahil naisip nya wala namang ibang tao. Siguro guni-guni lang daw niya yun. Pinagpatuloy nya ang pagwawalis nya. Inayos din nya ang mga upuan.

Nang matapos na sya maglinis sa lahat ng desks at inayos lahat ng upuan, ang CR naman ng girls ang nilinis nya at iniwanang malinis ang mga desks ng empleyado at naka arrange lahat ng chairs.

Pagkatapos niyang maglinis ng CR lumabas na sya. Nanlaki ang mga mata nya! Bago kasi sya pumasok sa CR ay naayos na nya ang mga upuan. Naisip niya paano nangyari yun?

"Anong nangyari dito? Bakit ang gulo ng upuan?" bulalas niya.

Para kasing may naglaro sa mga upuan kaya nagugulo ito. Dahil nanindig ang balahibo ni Gina at natakot na ito, pumasok cya sa elevator at nagpunta sa 9th floor.

"Roel!!! Asan ka?"

Pasigaw na tawag ni Gina kay Roel. Si Roel naman nasa pantry naglilinis. Lumabas sya at sumagot.

"Oh Gina, bakit? Tapos kana sa 8th floor?"

"Hindi pa. Natakot kasi ako."

"Hahaha! Bakit naman? Anong nangyari?"

Kaya ayun kinuwento ni Gina ang nangyari. Tinawanan lang sya ni Roel.

"Ano kaba Roel, anong nakakatawa dun?"

"D na kasi ako nagugulat e. Lage naman kasing nangyayari yan sa akin kapag naglilinis ako sa 8th floor lalo na kapag ako lang mag-isa."

Pati pala si Roel nakakaramdam at nakakapansin din sa mga kababalaghan dito sa building. First time kasing nangyari iyon kay Gina kaya natakot talaga siya. 

"Anong ginawa mo, Roel?"

"Wala lang. Ano naman kasi gagawin ko? Deadma nalang."

Pagkatapos nilang mag-usap ni Roel sa 9th floor, bumaba na ulet si Gina sa 8th floor para tapusin linisin ang male CR. Sasamahan sana siya ni Roel kaso hindi pa tapos si Roel maglinis sa 9th floor.

Pagbalik ni Gina sa 8th floor, hinayaan lang niyang hindi ayos ang mga upuan. Sa isip niya mamaya nalangn iya aayusin yun kapag natapos na siya sa paglilinis ng male's CR.

HORROR STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon