RED

1.5K 34 4
                                        

May nasagap na naman akong kwento ng kababalaghan. Tehee! Kwento ito saken kaya ikukwento ko din ito sa inyo bilang gusto ko lang magshare. HAHAHA!

Sabi ng kaibigan ko, kwento daw itong ng lola niya. Nangyari daw ito sa Cagayan de Oro noong bata pa ang mommy niya at ang mga kapatid nito. Gabi na daw yun at bumabagyo pa. Nakagawian na ng lola niya na magrosary every night. Habang nagrorosaryo daw ito, napansin niya sa may bintana nila, dahil medyo nakabukas ito, may babae daw na naglalakad patungo sa hagdanan ng bahay nila. Iyong bahay kasi ng lola at lolo niya ay may hagdanan sa labas paakyat ng bahay. Nagtaka ang lola niya dahil bakit kalmadong naglalakad ang babaeng naka pula patungog sa bahay nila gayung ang lakas ng hangin at ulan. Dahil nga diba bumabagyo?

Binali wala ito ng lola niya kahit sa kalooblooban nito ay natatakot na ito. Pinagpatuloy niya ang pagrorosaryo sa harap ng Birhen. Nang paglingon niya ulet ay hindi lang iyong nakapulang babae ang nakita niya kundi may isang puting kalabaw na nakaharang sa veranda ng bahay nila.

Malaking pagtataka ng lola ng kaibigan ko kung paano napunta ang kalabaw sa loob ng veranda. Ang kalabaw daw ay kulay puti at ang mga sungay niya ay kulay itim. Mas lalong natakot ang lola ng kaibigan ko kaya ulet pinagpatuloy niya ang pagdarasal.

Dahan-dahan ulet siyang sumilip sa may bintana. Nakita niyang parang nag-aaway ang kalabaw na puti at ang nakapulang babae. Hindi niya maisip kung bakit sila doon nag aaway o kung bakit sila nag-aaway.

Doon lamang niya napagtanto na habang nagdarasal siya ay palakas ng palakas ang kalabaw at paatras ng paatras naman ang babaeng nakapula. Kaya mataimtim siyang nagdasal ng nobena sa Mahal na Birhen at ng lumingon siya ulet sa bintana ay nawala na ang babae at ang kalabaw.

Nakahinga na din ng maluwag ang lola ng kaibigan ko at nagpasalamat sa Panginoon. Maya-maya ay bumukas ang pinto at dumating na ang lolo ng kaibigan ko. Nagulat ito kung bakit umiiyak ang asawa niya.

"Anong nangyari sa'yo? Bakit ka umiiyak?"

Tanong ng lolo ng kaibigan ko sa lola niya. Kaya kwinento ng lola niya sa lolo niya ang nangyari. Hindi naman makapaniwala ang lolo niya pero isa lang nasabi nito.

"Mabuti at ligtas kayong lahat pati na ang mga bata."

Siguro nga ay red lady yun. Sabi nila, ang red lady daw ang pinakamasama kumpara sa white at black lady. Hindi ko alam kung totoo kasi naman hindi pa ako nakakakita ng ganoon. Hahahaha.

Maraming kwento ang kaibigan ko kaya lahat ikukwento ko sa inyo. Habang nasa bahay daw sila ng tita niya dahil nagluluksa ito sa pakamatay ng tito niya, naisipan nilang magpipinsan na magpalipas oras. Doon sila sa may kaliwang bahagi ng bahay ng tita niya. Isang malaking bahay daw ito na puno ng iba't ibang disenyo. Hindi niya alam kung anong uri ng disenyo iyon pero sa may wall daw papunta sa likod bahay ay may isang hugis bilog pero hindi naman nilagyang ng glass wall. As in open lang siya talaga.

Naisipan ng kaibigan ko na e dare ang mga pinsan niya. Kung sino ang maglalakas loob ipasok ang kamay niya sa loob ng bilog na wall ay bibigyan niya ng 500 pesos.

"Sigurado ka Kuya? Magbibigay ka talaga ng 500?" tanong noong isang pinsan niya.

HORROR STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon