Chapter 5

176 7 1
                                    

Shane's POV

Maaga akong pumasok kasi maaga din akong binulabog ng epal kong kapatid. Yung unggoy kong kuya na si kuya Dave kesyo maaga daw niyang pupuntahan si Ate Dans e wala naman daw dito si Kuya Lloyd maagang umalis para pumunta ng hospital naaawa daw siya sakin kasi walang maghahatid. Duh! Sweet na epal.

"Nakabusangot ka? Bakit nga pala kaaga mo?" tanong ni Mae

"Psh! Yung unggoy kong kapaatid atat na atat umalis ng bahay" sagot ko sa kanya habang nakapangalumbaba sa upuan ko.

"Maka-unggoy ka naman kay kuya Dave, gwapo gwapo kaya niya. Kung sana lang magkasintanda kami e. Pak ganern" singit naman ni Kris. Nakakabigla naman tong babaeng to kung saan saan sumusulpot parang kabute.

"Wala ka ng pag-asa don may Ate Dans na yon." Sabi ko sa kanya habang umiirap sa hangin

"Bakit, crush lang naman e. Walang masama doon tsaka hindi naman ikaw ang umaasa ako, kaya don't act like you know my feelings, don't act like you own it. Hindi ako ikaw and you will never be me!" Sigaw naman niya habang nakahawak sa ulo niya at dibdib niya. Ang OA grabe.

"Clap, clap, clap. Very well said Kris. Pwede ka ng mag drama club." Bigla bigla namang singit ni Sarah. Bakit ba ang hilig nilang sumulpot na lang kung saan saan. Ma ligaw na damo talaga.

"Talaga?" Parang bata namang saad ni Kris. Psh! Kaaga aga isip bata nanaman siya.

"Kesa maggaganyan kayo diyan. Problemahin niyo na yung gagawin niyo para sa ippresent mamaya. Malapit ng mag 7:30" Singit naman ni Khate na inaayos ang gamit niya. Kanina pa siya diyan? Bakit di ko napansin. Oo nga pala mga ligaw na damo nga pala sila na kung saan saan sumusulpot.

"Hindi ko na kailangang mamoblema, nakapagusap na kami ng kapartner ko" sagot ni Sarah

"Kilala mo partner mo? Buti ka pa." Sambit ni Kris habang nakaupo sa arm chair, masira sana

"Not really, nakapagusap lang kami kahapon ng magkasalubong kami sa mall. Nakita ko yung name niya sa ID niya kaya nalaman ko na siya at partner ko kasi Dreiford ang natandaan ko sa pangalan na sinabi ni Cher kahapon. Actually hindi talaga kami nagkausap sakto kasing may nagpeperform sa Musikwizard at Kailan ang title nung kanta kaya sabi niya yun na lang daw para hindi na time consuming mag-isip." Mahabang litanya ni Sarah. Bakit parang wala siyang problema sa partner niya, ako kasi malaki problema ko sa partner ko na nakalimutan ko nanaman ang pangalan.

"Yung sa inyo Shane?" Tanong ni Sarah sakin.

"Baby blue eyes" simpleng sagot ko sa kanya.

"I will be here for you ang sa amin ni JC. Yung sa inyo Mae?" singit na tanong ni Kris

"Akoy sayo at ika'y akin lamang" sabi naman ni Mae

"E yung sa inyo Khate?" Tanong ni Sarah aa kanya.

"Wala pa" malumanay na sagot nito habang naglalaro sa cellphone niya

"Wala pa? Hindi man lang kayo nagsmall talk about don?" Intrigang tanong ni Kris

"Bahala siya sa buhay niya. Wala akong pake" sagot pa din niya habang patuloy na naglalaro sa cellphone niya

"E paano yung grades niyo? Kailangan niyo ng magis-'" hindi na naituloy ni Mae ang sasabihin nya kasi dumating na agad si Cher

"Okay good morning class" masayang masayang bati ni Cher

"Goodmorning Cher!" Sabay na bati nila kay Cher. Lagi naman sila nagsasabay e. Psh!

"Okay, so I think you guys are ready let's start our project/intermition" pagpapahayag ni Cher na masayang tono

Marami ng nagumpisang kumanta. By chairs kasi yan so ang una ay yung row 1 sunod row 2 hanggang sa row 4 which is row naming lima nila Khate. Nang matapos ang lahat ng rows 1-3 una na ng tinawag sina Sarah at Drei.

The Unexpected (U N D E R R E V I S I O N)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon