Chapter 6

197 4 1
                                    

Troy's POV

"HOY ASAN NA BA KAYO!? Akala mo kayo mga babae kung kumilos kababagal nyo" bulyaw ko sa mga kaibigan kong bugok.

"Maghintay ka kasi mas mukha ka pang babae dyan eh kadiwara mo!" Rinig kong sigaw ni Drei mula sa loob ng CLDTJ block

"Oo na bilisan nyo na dyan!" sigaw ko pabalik sa kanya.

"Oo kasi atat ka masyado eh hambalusin kita eh" hindi na ako nagsalita pagkatapos magsalita ni Lee.

Dito kami natulog sa block namin kasi wala kaming pasok ngayon hanggang friday kaya long weekend. Pupunta kami ngayon sa tagaytay para magpalamig. Alam naman ng mga magulang namin na aalis kami.

Pagkalipas ng ilang minuto lumabas na din sila. Daig pa kasi mga babae kung makagayak.

"O? Ano pa tinatayo tayo mo dyan tara na ang diwara mo ikaw pala yung mabagal" hindi ko napansin na nasa sasakyan na pala sila. Sumunod naman na ako sa kanila.

"Tangina mo tara na nga baka ihulog pa kita mamaya sa hi-way e." Sagot ko habang pasakay sa drivers seat.

Sumunod naman na silang sumakay sa kotse , isang kotse lang dinala namin para masaya pero sa totoo lang nagtitipid sila sa gas kasi mahal na ang gas ngayon. Mga kuripot talaga, laki laki ng allowance na natatanggap sa mga magulang nila e, psh!

Habang nasa byahe kami naisipan ni Drei na maglaro at alam nyo ba kung ano ang naisip nyang laro, yung pang bakla na laro. Konti na lang talaga iisipin ko na bakla talaga tong hayop na to. Sino ba naman kasing matinong lalaki ang maglalaro ng 'aminan' kung meron man siguro lasing yon at hindi na kailangang maglaro ng ganon dahil kusa ng aamin yon.

"Wala bang iba Miss Dreia" Tanong ni Lee sa pambaklang tono

"Anong Miss Dreia ka dyan? Fuck you ginawa mo pa kong bakla hayop ka" sambit ni Drei habang nakaturo ang middle finger niya kay Lee. Nakikita ko naman kasi sila sa salamin. Sina Lee, Drei at Chris ang nasa likod habang si JC naman ang nasa shotgun seat.

Napailing nalang ako sa kagaslawan ng tatlo sa likod. Eto namang si JC prenteng nakasandal sa upuan na natutulog. Langya! Dapat pala hindi na lang ako ang nagpresintang magmaneho.

"Iba na lang laruin natin." Parang batang sabi ni Chris sa likod.

"At ano naman yon? Baka mas bakla pa yan sa naisip ni Drei wag mo ng ituloy." Sabi naman ni Lee.

"Hindi nga sinabi pangbakla yon. Mga gago talaga kayo" saad nito habang humarap sa bintana. Sa gitna kasi si Lee. Sa gawing kanan si Drei at kaliwa naman si Chris

"Bet game na lang tayo" Napatingin naman ako sa salamin para makita ang reaksyon ng dalawa. Napatingin sa kanya si Drei pati si Lee.

"Yung sa baraha?" Inosenteng tanong ni Lee. Napatawa naman ako sa ginawang pambatok ni Chris sa kanya.

"Gago! Igaya mo pa ko sayong sugarol. Ibig kong sabihin sa bet game ay parang dare na kapag hindi mo nagawa may parusa ka." Pagpapaliwanag naman ni Chris.

"Anong klaseng bet game naman yan? Magsusurvey tayo kung sino pinakagwapo satin? Wag na kayong magaksaya ng panahon dahil ako lang naman ang pinakagwapo sating lahat" Singit ni JC na nakapikit pa din. Nakatanggap naman siya ng batok sa tatlo, hindi ko siya nabatukan kasi paliko na kami.

"Matulog ka na nga lang diyan epal ka e!" Sambit no Lee sa kanya.

"Ano ngang klaseng bet game?" Tanong ni Drei

"Make your target fall in you and break her heart after, as simple as that" nakakalokong ngising sabi ni Chris.

"Sino namang target?" Nakatawang sabi ni Lee

The Unexpected (U N D E R R E V I S I O N)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon