Chapter 7

143 7 1
                                    

Troy's POV

Shit lang talaga bakit nandito yang babaeng yan? For all people na makikita ko bakit sya pa? Bumabalik tuloy yung mga memories namin. Psh! Nakakabwiset talaga. Imbis na andito kami para magpalamig mas lalo lang pala lalala ang pagkainit ng ulo ko dahil sa babaeng yon.

Nagpasya na lang akong bumaba sa restaurant sa ground floor. Umorder lang ako ng coffee at umupo sa bandang dulo malapit sa bintana. Pasado alas otso na ng gabi.

She's Jade short for Jacel Deanne Marquez my ex naging mas close kami nung 1st year dahil sa mga kaibigan ko, classmate namin sya kaya madali lang para sa mga kabarkada ko na ibuyo kami sa isa't isa. Hindi naman naging mahirap para sakin na maging malapit ang pakiramdam ko sa kanya.

"Mark! Tara na, sabay tayong kumain" nakangiting sabi sakin ni Jade. Ngiti palang niya natutunaw na ko. Shit! Bakit ang ganda niya.

"Teka lang Jade aayusin ko lang tong gamit ko" Sambit ko sa kanya habang inilalagay ang spare shirt ko sa bag.

"Amina nga! Tulungan na kita" lumapit naman siya sakin at siya na ang naglagay ng damit ko. Nakatingin lang ako sa kanya the whole time. Kahit sideview kitang kita mo pa din ang kagandahan niya.

"Alam mo, ang swerte ng magiging boyfriend mo, mabait ka na maganda pa" wala sa sarili kong sambit sa kanya.

"Ano ka ba naman. Tara na nga! Nagugutom na ko. At dahil tinulungan kita, ikaw ang gagastos sa pagkain ko" sabi niya sabay takbo papunta ng canteen. Ang cute niya talaga haha napailing na lang ako sa inasal niya.

Noong mga panahon na yon gumuhit sa isip ko ang mga sinabi ng mga kaibigan ko.

"Pre! Wag mo ng pakawalan si Jade, ang swerte mo nga sa kanya e, mabait, maalaga, maganda, matalino, matulungin. Ideal woman pre!" Sambit sakin ni Lee habang iniinom ang beer niya. Andito kami sa CLDTJ block. Nag-aya akong uminom dito. Okay lang naman kasi light beer lang ito I mean 2% alcohol lang ang meron sa isang bote kasi masyado pa kaming bata.

"Oo nga naman, 2rd year na tayo pre! Ligawan mo na!" Pambubuyo sakin ni Drei habang kumakain ng chichirya.

"Paano kapag hindi niya ako sinagot? Sayang yung friendship namin pare." Diretsyahang sambit ko sa kanila. Totoo naman e sayang friendship.

"Alam mo pre, ang duwag mo. Hindi mo ba alam ang kasabihan nila na, "Why don't you try? There's no wrong in trying but it is wrong when you don't" bahala ka, baka maunahan ka pa ng iba." Sambit ni Chris

Hindi na lang ako umimik at pinikit ko na lang ang mata ko.

Nung time na yon parang naramdaman ko na tama nga sila. Why don't I try?

"Jade! May sasabihin sana ako sayo" lakas loob kong sabi sa kanya. Andito kami ngayon sa mini garden ng school sa likod ng campus.

"Ano yon?" Tanong niya habang kinakain ang chocolate sa kamay niya.

"I l-like you" Nauutal kong usal sa kanya. Natigilan naman siya sa pagkain niya at tinitigan ako. Grabe kinakabahan ako, eto na nga ba sinasabi ko e, dapat hindi na lang ako nagrisk e. Shit! Bakit ba nakatitig lang siya sakin? Hindi ba niya ako gusto? Friendship over na ba? Tangina!

Nanlumo naman ako ng makita ko siyang umiiling ng dahan dahan. Okay, tanggap ko na ayaw niya. Pero bigla akong napatingin sa kanya

"The feeling is mutual" mahina pero sapat na para marinig ko. Ako naman ngayon ang napatitig sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa sagot niya. Kanina lang kinakabahan ako pero ngayon walang mapaglagyan ang saya ko.

"O bakit ikaw naman ang natulala?" Nabalik ako sa realidad ng sabihin sakin yon ni Jade.

"Wala, masaya lang ako" Totoo, masaya talaga ako.

Noong mga panahon na yun wala kaming ibang iniisip kundi mapasaya ang isa't-isa mahal namin ang isa't-isa.

Masaya kami nung mga panahon na yon nag nagmo-monthsary katulad ng ibang lovers dyan pero naghiwalay din kami dahil sa mga magulang nya. Hindi nman sa sinisisi ko yung mga magulang nya pero bakit kung kelan plano ko na syang pakasalan pagkagraduate namin, alam kong masyado pa kaming bata ng mga panahon na yon pero ganyan naman daw ang pagmamahal diba? Walang pinipiling edad, pero lahat ng plano ko naglaho dahil nabalitaan ko na lang na aalis na pala sila ng bansa.

Pinigilan ko sya pero mas pinili nya ang mga magulang nya at pangarap nya. Ano ba naman ang laban ko sa magulang nya boyfriend lang naman nya ako.

Nung time na yun halos gawin ko ng tahanan ang mga bars, pinapayagan ako ng mga tagabantay doon kasi maimpliwensya ang pamilya ko wala pa ako sa legal age noong mga panahon na yon pero hindi ko na iniisip yon kasi ang alam ko lang sa sarili ko, nasaktan ako. Yung akala kong babae na ipaglalaban ako sa kahit na sino, yung babaeng mas pipiliin din ako kesa sa iba, yung babaeng handa din gawin ang lahat para sakin, pero mali pala ako. Nakipag fling ako sa ibat ibang babae halos masira ko na ang buhay ko para lang makalimutan ko sya mababa ang mga grades ko non nagagalit sakin sila mommy kasi halos 2 oras lang ako sa bahay namin at umaalis din. My Dad even threatened me na kapag hindi ko daw binago ang ginagawa ko, papalayasin niya ko sa bahay at kukunin lahat ng pera ko.

Isang araw kinausap ako ng mga kaibigan ko, non ko lang narealize ang pagkakamali ko na nasisira ko na nga yung buhay ko pinilit kong baguhin ang nakagawian ko mas naging close na ako sa mga magulang ko pinipilit kong mag move on at alam kong nagiimprove naman ang ginagawa ko.

Simula nun nagbago na ako bumalik ako sa dating ako pero nadagdagan ng konting kagaguhan.

Tumatak na sa isip ko na hindi na ako gagawa ng desisyon na pagsisisihan ko lang din naman sa huli. Ayoko ng magkamali, ayoko ng masaktan. Alam kong tao lang din ako at hindi maiiwasan na magkamali pero as long na kaya kong pigilan na gawin iyon, gagawin ko. Ayoko lang maulit ang dati, yung dating ako na naging miserable

The Unexpected (U N D E R R E V I S I O N)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon