Chapter 9

132 5 0
                                    

Mich's POV

Hindi ko alam kung kailan ba yung huling pagkakataon na naging ganito kami kasaya. Wala lang, iba pa rin kasi talaga yung saya na dinudulot ng mga kaibigan. You only need to be transparent and syempre andyan sila to make you feel part of the family na binuo niyo.

Pagkatapos namin kumain kinuha na muna namin ang mga gamit nami at pumunta sa isang cabin dito sa resort nila Sarah.

Dahil nga private property ito they only have three cabins but with a different sizes. Doon kami sa gitna dinala ni Sarah

Huling punta namin dito noong birthday pa ni tita—mommy ni Sarah—and I think two years ago pa yata yon.

Yung gitang cabin ang pinakamalaki sa tatlo. Meron itong cr sa kanan pinakadulo pagpasok mo ng pinto. Sa tabi namin nito papuntang kaliwa ay yung lamesang—nasa harap ng binatana na sakto sa view sa labas—pa-square at apat na silya palibot dito sa kaliwang dulo naman ay yung mini refrigerator. Sa harap ng mini ref ay may pahabang shelf na may nakalagay na books at vase sa pinakataas sa tabi naman non ay yung higaan—king size bed—at sa pinakapaanan ng higaan ay yung television set.

Inilagay na muna namin yung mga gamit namin sa cabinet katabi ng higaan at tsaka nagpalit ng damit.

Kaya kami nandito sa resort nila Sarah ay dahil wala kaming pasok so meron kaming long weekend at dahil wala pa naman masyadong ginagawa sa school kaya naisipan namin na mag refresh na muna.

"Nagugutom na ulit ako" Shane frowned

"Kakakain lang natin diba?" Kris rolled her eyes

"Tsk! Hindi naman kain yun eh. I mean gusto ko ng kanin at ulam" humiga naman si Shane sa higaan

"Teka tawagan ko si Ate Luz para magpadala ng pagkain dito" tinignan ko naman ang wall clock sa taas ng tv at napagtantong oras na nga talaga ng kain. Alas dose y media na rin kasi kaya siguro gutom na nga talaga si Shane.

Sabagay ramdam ko na rin naman ang gutom

Habang naghihintay kami ng pagkain inopen naman ni Mae yung TV. Walang magandang panoorin kaya naghanap na lang siya ng pwedeng mapanood sa mga cd's na naroon

Si Kris naman busy sa pagaayos ng mga gamit sa cabinet. Si Sarah ay nagcecellphone, si Shane nakahiga at ako naman ay nakasalampak sa sahig kaharap ng tv

"Ano bang gagawin natin after kumain?" Kris asked and then sit beside Sarah

"Actually ang naisip ko maglaro na lang tayo outside" sabi ni Sarah

"Anong laro naman?" Tanong ni Shane

"Hmm.. kahit anong laro lang pero with a twist" Sarah said while smiling

"Anong laro naman?" Naupo si Shane tsaka tumingin sa amin

"Basta may naisip na ko hahahahaha"

Anong laro at anong twist naman kaya yon?

"Ano ba sinasabi mong twist ha Sarah?" Tanong ni Mae na wala pa rin palang napipiling papanoorin hanggang ngayon. Kanina pa yan diyan ah? Para naman ganon kadami yung cd don eh parang halos nasa kinse lang naman yung nandon

The Unexpected (U N D E R R E V I S I O N)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon